Naghihikab pa ako ng makalabas sa kwarto. Dumiretso ako sa kitchen at nakita ang note na malamang si Rav ang nagsulat.Wag ka munang magkakape para di ka kabahan.
I gritted my teeth nang maalala ko ang nangyari kagabi. Sa sobrang taranta ko sa mga narinig kay Rav ay pagkabukas palang ng ilaw ay tumakbo na agad ako paakyat sa kwarto.
Narinig ko na lang siya kagabi na tinawag ang pangalan ko at nagpaalam na aalis. Bumibilis naman ang tibok ng puso ko. Dahil ba tumakbo ako o dahil kinakabahan ako?
Teka, bat ako kakabahan? Hindi naman ako natatakot.
Inilapag ko ang note at dumiretso sa cupboard. Kinuha ko ang pinakamatapang na kape na nakita ko.
All black, no sugar.
I also prepared my breakfast. Sinangag at itlog. I looked at my phone when I noticed Kuya's mesaage.
Nandito kami sa resort. Pwede kang pumunta dito. Bonding tayo hehehe.
Naibuga ko naman ang iniinom na kape dahil sa pait at dahil na rin sa message ni Kuya. Minsan nababahala na ako kung ano ba talaga ang trip nya sa buhay.
I replied, okay to him. Pupuntahan ko sya mamaya pagkatapos kong maligo. Binuhos ko naman ang kape na halos hindi ko nga rin nainom.
Alas otso na nang makalabas ako ng bahay. Dumiretso ako sa bakery to order some snacks at bottled water para kina Kuya.
I parked my car when I saw Mang Ramil na winawalis ang mga dahon na nahulog. Napansin nya naman ako at agad dumiretso sa akin. I handed him the bottled waters while he let me carry the snacks.
I looked around and saw Kuya sitting on one of the bench. Mukhang isa ito sa mga bagong nagawa sa resort.
"I'm glad you came, Imara Alessia. Ano, ako ba ang na-miss mo o si Rav?" He jokingly asked. Kinurot ko naman sya sa tagiliran. Ayan na naman sya.
"Stop teasing me, Kuya. Sino bang kapatid ko dito? Syempre ikaw." Pabirong inirapan ko sya at natawa.
"Rav is actually here." He said and evilly smirked. Kumunot naman ang noo ko. Tumingin ako sa paligid pero wala naman akong nakita. Inilibot ko ulit ang tingin at napansing nasa unahan sina Grey at ang iba pero wala naman akong nakitang Rav.
"What did you do, Kuya?" I suspiciously asked. He laughed at my reaction at hinawakan pa ang noo kong nakakunot.
"Stop over reacting, Imara Alessia. Wala naman akong ginawa. I just asked him kung pwede bang mag-igib sya ng tubig dahil hindi pa kami naliligo. Bale mag-iisang oras na syang nag-iigib sa poso." He answered. I was horrified by his answer.
"Pinapapuno ko nga sa kanya yung tatlong malalaking galon." He added and smirked.
"Kuya! Nandyan ang dagat oh! Dyan kayo maligo!" I'm sure naghihiganti tong si Kuya kay Rav. Knowing him, hindi ito basta-bastang nagpapatalo.
"Ay. May dagat pala? Ba't nakalimutan ko?" He answered sabay kamot pa sa kanyang ulo. Trying to convince me na maniwala sa mga pinagsasasagot nya sa akin.
Inis na inis na ako kay Kuya. He's doing anything just to tease me. At nagawa nya nga talaga.
"Bakit ganyan reaction mo? Mahal mo pa talaga?" He suddenly blurted out of nowhere. I rolled my eyes at him and he looked at my reaction again.
"Ay talaga ba, Imara Alessia?" He added. This time, sya naman ang nakakunot ang noo.
"What? I didn't say anything!" I defended myself. Wala naman talaga kasi akong sinasabi.
"But your face says otherwise! Parang susuntukin mo nga ako." Hindi ko sya nasagot nang mapalingon ako dahil narinig ko ang boses ni Rav na tinawag si Kuya.
"Ang bilis mo namang matapos, Architect Cañoza?" Kuya suspiciously asked.
"It was just a simple task, Doc." Rav answered pero salungat ito sa makikita sa kanyang mukha. Tagaktak ang pawis nya at basa na rin ang damit.
Kuya grinned at his answer.
"Sige. Dagdagan mo pa ng dalawang galon." He smiley said. Napalingon naman ako kay Kuya dahil sa sinabi nya. Hindi nya ba nakikita na napapagod rin yung tao?
Akmang babalik ulit si Rav nang hawakan ko ang siko nya.
"No. Hihiramin ko muna sya, Kuya. May pag-uusapan kami." I interrupted.
"Ay ganun? Akala ko ba ako ang na-miss mo dito? Ba't sya ang sinasama mo?" Hindi ko na pinansin si Kuya at basta nalang hinila si Rav.
Nakarating kami sa may kubo sa unahan kaya binitawan ko na sya. Rav looked at me like he was so shocked by my actions.
"Did you drag me here dahil you really missed me?" He slowly whispered. Napairap naman ako. Pahamak talaga si Kuya. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig.
"I just drag you here dahil alam kong kinakawawa ka ni Kuya dito. Why won't you complain to him?" Hindi nya ako sinagot at nagkibit-balikat lang.
Inabutan ko sya ng towel na nakita ko sa bag. Kinuha nya naman iyon at ipinunas sa kanyang mukha.
"Hindi ka magbibihis?" I suddenly asked him. Baka naman kasi magkatrangkaso sya lalo na't basa ang damit nya. Napailing naman si Rav sa tanong ko at basta-basta nalang hinubad ang suot na damit.
"Ano ba? Respeto naman oh!" I nervously blurted. He laughed at my reaction like he just remembered something.
"Magkakasakit ako pag sinuot ko pa 'to." He happily answered at tinuro pa ang damit na kakahubad nya lang.
Hindi ko naman maiwasan na tingnan ang katawan nya. No. Stop. Hindi ka pinanganak para maging marupok, Imara Alessia.
"So. What are you doing here, Imara Alessia? Sasagutin mo na ba ako?" Nakangisi nyang tanong.
"As if." I answered and rolled my eyes on him. Tumawa naman sya sa reaksyon ko.
"Kung hindi mo ako na-miss at hindi mo pa rin pala ako sinasagot. Then, what are you really doing here? Miss na miss pa naman kita." He teasingly reply.
"Why? Masama bang bumisita dito? I missed the place, the people and the view. Akala mo naman talaga ikaw lang pinunta ko dito." I said and looked at him.
Ilang minuto kaming natahimik bago ako tumayo at huminga ng malalim.
"And sige. I miss you na rin." I added and turned my back to him. Nakalayo na ako sa kanya when I heard him gasped at my answer.
"Will you take a risk with me?" He bravely asked.
"We should. Or we will miss the chance again." Pinipigilan naman nya ang ngiti nya.
Hahawakan na sana ako ni Rav nang biglang sumulpot si Kuya. Nakakunot pa rin ang noo nya.
"Mamaya na yan, Cañoza. Punuin mo muna yung dalawang galon." Nakasimangot na sabi ni Kuya. Rav looked at him and smiled happily.
"Ay dalawa lang ba, Kuya?" He eyed Rav intently when he heard what he just call him.
"What did you call me?"
"Kuya? We have a special connection now, Kuya. And I will do anything you want me to do voluntarily, happily and gladly." He answered.
Lumapit naman si Rav sa akin at hinawakan ang kaliwang kamay ko.
"Let's go? Mag-iigib pa ako." He said and we both laughed.