20

71 1 0
                                    


I was busy preparing the food when Vina entered the kitchen. Makoy, on the other hand, was busy eating his favorite chicken adobo.

"Di ka lalabas? Akala ko ba susulitin mo ang dagat?" She yawned and shake her head in response.

"Pass muna ako. Dalawang linggo pa naman ako dito. May duty ka?" She asked. Inabot ko sa kanya ang rice at chicken adobo.

"Night shift ako. Samahan mo nalang si Makoy dito. Papupuntahin ko nalang rin si Nana Lena para may kasama kayo." I suggested.

Magmomovie marathon na lang daw sila ni Makoy mamaya. Dalawang araw mula ngayon pa ang balik ni Kuya.

May pupunta nga ata ditong team galing Manila mamaya. Pag-uusapan ata nila Kuya ang ipapagawa nyang beach resort. Kanya kasi ang private property sa may kaliwang dulo.

Dahil wala pa sya, he clearly told me na iaccomodate muna ang mga bisita nya. Pinabooked nya na ng hotel doon sa katabing resort. Ipapaenjoy nya daw muna ang dagat bago nya pahirapan sa trabaho. Siraulo talaga!

Busy ako ngayong araw kaya bukas ko na sila iaaccomodate. Babatiin ko nalang sila pagkatapos ng out ko bukas ng umaga.

I woke up at exactly 5:30pm. Natulog ako kanina dahil night shift ang duty ko. Bumaba na ako pagkatapos magbihis at nakita si Makoy at Vina na busy sa panonood ng Spiderman.

"Alis na ako, Vin. Pakainin mo si Makoy ha? Call me kung may kailangan ka. Nandyan naman si Nana Lena. Magpatulong ka nalang." I kissed Makoy on his cheek. Mukhang magkasundo sila ni Tita Vina nya.

"Don't worry, Eli. Akong bahala dito kay Makoy. Magti-tita bonding kami!" She cheerfully answered.

Day-off ni Isay ngayon kaya naman si Matet ang kasama ko. Nakikita ko rin ang mga medical staffs na panggabi rin ang duty.

"Maam Alessia. May isinugod po na patient kanina. Nakatapak po ng sea urchin. Nabigyan na po namin ng first aid. Hinihintay nalang po si Doc Min pero di pa po kasi dumatating eh. May emergency daw po kasi. Nandoon po sila ngayon sa room 152." I nodded at her at tinungo namin ang kwarto nila.

I opened the door and was greeted by their loud voices. Mukhang nag-aaway away pa.

"Good evening. Ichecheck ko ang paa ng pasyente." I said and smiled. Natahimik naman ang mga tao sa loob.

Tatlo silang nandito kasama na ang pasyente. Nakasunod naman si Matet sa akin.

Ito talaga ang kadalasang pasyente namin. Mga taong nakakatapak ng sea urchin or iba't ibang sea species. I checked his feet at maayos naman na ito kung titingnan. Kung itatapak nya ito ay siguradong may kaunting sakit pa. Pero gagaling ito after a few days.

"What's the name of the patient, Nurse Matet?" I asked at nilingon ang pasyente.

"J-justin. My name's Justin." The patient immediately answered. I nodded at him. He and his two friends seems lost in thought. Ni hindi sila makasagot ng maayos.

"Ito po ang records, Maam." Matet said and handed me the document. His name was quite familiar.

I left them after I prescribed the medicine. Because I am a nurse practitioner, I am allowed to prescribe medications.

Dumiretso ako sa Nurse Station at inayos ang mga pending documents. It was already 8pm. Mabilis tumakbo ang oras.

"Excuse me, Miss." I looked at the person who called me. It was the friend of the patient in room 152.

"Yes? How can I help you?" I answered.

"A-ah. I just want to say thank you for treating my friend. Miss?" He slowly said.

"Its Alessia. Your welcome, by the way." I answered him and his face seems confused. Tumabi na rin si Matet sa akin at inasikaso ang iba pang mga documents. Hindi ko naman napansin na nakaalis na pala ang lalaki. Weird.

Humihikab pa ako ng makababa ng sasakyan. Dito na ako dumiretso sa beach resort after ng duty ko. Nakaligo na rin ako sa office ni Kuya kanina. Bukas na sya darating kaya naman iaaccomodate ko na ang mga bisita nya. Baka pagalitan pa ako at sabihing di ko sya sinusunod. Kilala nya pa naman ang may ari nitong resort.

Nagtext rin si Vina kanina at didiretso rin daw sila dito ni Makoy. Ayaw naman daw sumama ni Nana Lena at marami pa raw syang lilinisin sa bahay.

Nagvibrate naman ang phone ko. It was Kuya.

"Hello, Imara Alessia. Kamusta na? Tagal na nating hindi nagkikita, miss ko na kayo." Kuya said and I started laughing. Baliw talaga. Akala mo naman kung saan sya nagpunta. Nasa kabilang bayan lang naman.

"We're okay kuya. Nandito ako sa resort. Kikitain ko yung mga bisita mo." I answered.

"Oh! Sige pag enjoyin mo sila. Baka sabihin nila strict ako." He said and laughed.

"I don't know who they are kuya. Alam ba nila na ako ang kikitain?" Nandito na ako sa restaurant. Dito daw kasi magkikita.

"Oo sabi ko magandang babae ang sasalubong sa kanila." Kuya answered and laughed again. He gave me their number before he ended the call. Magkikita rin naman kami bukas.

Tatawagan ko na sana ang number nang makita ako ni Vina. Winagayway nya pa ang isang kamay nya. Hawak nya naman sa kabila si Makoy na kumakaway rin.

"Maaa!" Makoy shouted at nagpabuhat agad sa akin.

"Eli, hawakan mo muna si Makoy. Naiihi na ako. At may nakita akong magandang view dyan. Magpipicture rin muna ako ha! Tatawagan nalang kita mamaya." She said and immediately left.

"Ma. Pwede ba akong mag eat ng ice cream?" Makoy asked and I nodded. Nakakain na rin naman din sya ng kanin kanina.

We settled on the table on the right side. Makoy was busy eating his vanilla ice cream. I dialled the number Kuya gave and was glad that it was ringing.

"Hello? Good morning. I am here sa restau. Pinapunta ako ni Doc Cavin." I said as soon as they picked up the call.

"Ay yes po. Papasok na rin po kami, Maam. Anong kulay po ba ang damit nyo?" The other line quickly responded.

"Nakablue akong dress and may kasama akong bata na kumakain ng ice cream." I said. Konti lang din naman ang tao dito sa restau. Siguradong madali lang rin kaming makikita. I ended the call and find my purse. Makalat talagang kumain itong si Makoy.

"Excuse me. Ikaw po yung pinapunta ni Doc Cavin?" Napahinto naman ako sa pagpupunas ng labi ni Makoy at napalingon sa likod.

"Hi! Diba ikaw yung pasyente kahapon? Justin, right?" I said. Naaalala ko silang tatlo kahapon.

"Kamusta ang paa mo? Ayos na ba?" I added.

"Ma. Punta po muna ako doon. Kukuha po ako ng water." Makoy said and I nodded. Kilala din naman kasi kami dito.

"Ang cute naman ng anak mo. Ang talino rin." The other man said and I laughed and nodded.

"Upo muna kayo. Tomorrow pa ang dating ni Doc Cavin. He just want to tell you na mag enjoy muna kayo. And do what you like to do." Justin, Grey, and Jake. That was their name. May isa pa daw silang kasama pero bukas pa raw darating.

I gave further instructions kay Justin para sa feet nya. Mukhang maayos na rin naman sya. Though, may kaunting kirot pa.

Masaya silang kasama. But confusion was clearly seen in their eyes. Makoy was laughing with them. I saw Vina entering the restaurant, so I called her. She immediately turned to face us.

"Tita Vina. New friends ko po. Visitor po ni Mama." Makoy said and pulled Vina to sit down. The looks on their faces became weirder.

Vina looked at me and gave me an awkward smile. "I actually know them, Eli."

"Oh! That's good, Vin." I said and smiled widely.

"And you have known them before too." She continued.

My smile slowly faded. So, they're part of my once lost memories. They're part of me.

Our Stars in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon