10

96 2 0
                                    


"Anong sabi ng caption natin dyan, Eli?" Nanunuksong sabi ni Vina. Ang aga-aga pa kaya. Ngayon lang kami ulit nagkita kaya ganyan yan.

"Saan pa kayo gumala?" Nang-iintriga nya na namang tanong.

"Dyan lang sa malapit." Tipid kong sagot. I know her, mahirap itikom ang bibig nya.

"Malapit ba dito yung overlooking, huh?"

Naiinis nya na naman akong kinurot. Natigil lang sya nang dumating na ang Prof namin.

"Miss Diez, can you please bring this book again to Sir Philip's class after this?" Tumango naman ako. Sya rin yung Prof nung nakaraan na mas nauna pang dumating ang libro kesa sa mismong guro.

I don't know what's their relationship. Mukhang naghihiraman lang naman kasi sila ng libro. Ibang libro naman kasi ang ipapahatid ni Prof.

Maayos natapos ang klase. Haharangan pa sana ako ni Vina nung aalis na pero di nya nagawa dahil na rin sa utos ni Prof.

Hindi ko naman alam kung saan pa dadaan si Prof. Siguro mag-ccr muna sya dahil nga nasa kabilang dako pa ang building na next class nya.

"Hi, Eli! Pupuntahan mo ba si Ivar?"

Tumatakbong mukha ni Justin ang nakita ko. Siguro kakagaling nya lang sa cafeteria dahil may hawak pa syang isang balot ng biscuit.

"Ihahatid ko lang ulit ang libro ni Prof para kay Sir Philip, Just. May dadaanan pa ata sya." Nakangiwi kong sabi. Aakyat pa kaya kami sa third floor.

"Sa room naman namin yan. Ako nalang ang magdadala, Eli." He suggested and tried to grab the book.

Nakakahiya naman kung ipapadala ko nalang basta kay Justin.

"It's okay, Just. Free time ko na rin naman." I'll just think that what I'm doing is an exercise.

Gaya ng una kong punta, maingay pa rin sa loob. Busy ang mga tao sa ginagawang mga plates. I even saw Rav also doing it and then scratched his eyebrow after. Hindi tulad ng una ay hindi muna ako agad pumasok.

"Ivar! Eli's here!" I closed my eyes when I heared Justin's loud voice. Isa ring maingay eh!

Natahimik ang buong klase at mukhang inaabangan ang bawat galaw namin ni Rav.

"By? What are you doing here?" He curiously asked.

Itinaas ko naman ang librong hawak. Napagtanto nyang inutusan ako ni Prof kaya tumango-tango naman sya. Kinuha nya ang libro sa akin at hinila ako papasok.

Inilagay nya naman ang libro sa lamesa at pinaupo ako sa upuan. Kanya ata 'tong pwesto.

"Just sit there, by. Mamaya pa after 45 minutes darating si Prof. Malilate daw sya." Rav said and put all my things beside me.

"Oo nga naman, Eli. Nakakapagod kayang lakarin 'tong building namin." dugtong naman ni Justin.

Napansin kong naroon rin pala sa loob ng room ang tatlo pang kaibigan ni Rav na nagsitanguan lang. Mukha busy pa ata.

"I'll just finished this one." Rav said and continued what he's been doing.

Bukas pala ang deadline ng plates na ginagawa nila at karamihan sa kanila ay hindi pa tapos. Gaya ng kay Rav na sinabing ginagawa nya na ang plates kung may vacant time dahil panigurado raw ay may susunod na namang plates na ibibigay.

Hindi ko nga alam kung anong time management ang tinutukoy nila.

Ilang minuto lang ay natapos na si Rav sa ginagawa nya. Maayos nya naman itong iniligpit at saka ako nilapitan.

"Ihahatid na kita sa baba, by." Tumango naman ako at kinuha ang mga gamit ko. We were about to go out when someone stopped us.

"Eli! Pa BP naman ako oh! Mataas na ata dugo ko sa dami naming plates!" Nagmamakaawang sabi ni Martinez. Yung nagpa BP rin nung nakaraan.

Rav looked at me and pursed his lips. Kunot noo nitong tiningnan si Martinez.

"Halika rito! At ako ang magbi-BP sayong hayop ka!"

Natawa naman ako pero lumapit rin naman ang sinasabi nilang Martinez. Nagulat pa ako na marunong palang gumamit si Rav noon. Kung saan tamang ilagay ang arm cuff. Inilabas ko naman ang stethoscope ko pero mabilis rin 'yong kinuha ni Rav. Hinayaan ko nalang.

"Normal ka pa Martinez! Kaya mo pa yan!" He insisted.

Nagmamadali namang iniligpit ni Rav ang mga gamit ko dahil ihahatid nya pa raw ako sa baba. May 30 minutes pa naman din silang natitira.

"You're not busy later? Let's eat dinner together. I'll fetch you, by." He said and looked at me.

"I'm okay, Rav. Just finish all your plates. Pag maluwag na sched mo. Let's dine out." I suggested to him.

"Are you sure? You're not a bother, by. If that's what you think." Nakakunot na ang noo nya. Napatawa na man ako doon.

"Hindi. That's not what I mean, Rav. Magpapahinga lang rin ako. Masyado ring loaded ang buong week ko. I need to rest." Tumango-tango naman sya sa naging sagot ko.

"I need to go. Bumalik ka na rin at tapusin mo na ang plates mo." Dugtong ko pa. Agad rin naman syang sumang-ayon. He waved his hands when I started to walk.

I was ready to sleep. I stretched my arms and laid my body on the bed. I don't like to overthink tonight, but I can't help it.

I stood up and went to the kitchen. I drink milk to fall asleep. I went back to my room and slightly opened the curtain. The dark night sky is filled with stars tonight. I sighed in relief.

Better days are coming. That's what I hope.

Nagmamadali akong umalis ng bahay nang maalala na may weekly return demo kami ngayon.

Kakabisaduhin kasi dapat ang non at communicable diseases. Pagkatapos bubunot ka at kung ano man ang makuha mo ay yun ang ire-retdem mo.

Pagkatapos nito may grand return demo pa. I blew a deep breath and look outside. Sumakay na ako ng tricycle para hindi malate.

Mother Florence pray for us.

I arrived 10 minutes earlier. Hinanap ko si Vina at nakitang busy sya sa pag-kakabisa ng binabasa nya. She looked at my side when she noticed that I arrived.

"El. Alam mo ba magsisimula na pala tayong mag PCI? Sumasakit na talaga ang ulo ko. Tama pa ba 'tong desisyon natin?" I laughed at what she said.

"Baka nakakalimutan mong ga-graduate na tayo, Vin. We are not first year's anymore. It was too late for us to change careers."

"Ay too late na ba? Parang gusto ko na lang kasing maging patient." She whispered.

"Sige. Ikaw ang kukunin kong patient sa next retdem natin. Diba IV therapy insertion yun?" I laughed.

"It was just a joke, El. Wag mo muna akong seryosohin, please." She answered and giggled.

Our Stars in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon