17

76 1 0
                                    


Time flies so fast when you're happy. Rav and I have been in a smooth relationship for the past few months. Lagi nya akong hinahatid-sundo kapag sakto ang oras namin.

Ilang araw na lang rin at ga-graduate na kami. Tapos na rin kami sa kanya-kanyang OJT. And I haven't talked to Rav for days after that call.

I tried to contact him but he's out of reached. I asked his friends but they don't have any idea. Nag-aalala na ako.

"Okay ka lang, Eli?" Vina asked when she notice my uneasiness. Napatango naman ako. I am calling Rav for God-knows how many times.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Napatayo ako nang magring ito. Naghihintay na sagutin ang tawag.

"Hello?" His voice was cold. It was very unusual.

"Rav? Kamusta? S-saan ka? Ba't di ka nagpaparamdam sa akin? May problema ba tayo?" I asked.

"I was just busy. I have important things to do. I'll call you later." He said and hung up the call.

"Eli." Vina called me. I gave her a smile.

"Ayos lang sya. Medyo busy lang. Pero tatawag daw sya mamaya." I informed her.

"Pero ikaw, hindi ka mukhang okay sa akin, Eli." I sighed and hold her hand.

"I'm fine, Vin." I assured her. Ilang oras pang nagtagal si Vina sa bahay bago umalis.

I waited for Rav to call me. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya. Wala naman kaming pinag-awayan. May pinagdadaanan ba sya? If yes, he can talk to me. We'll try to work things out.

I looked at the sketch I made for him. Siningit ko sa oras ang pagguhit. Ipinasok ko ito sa eco bag na nakita ko. I want to bring this always. Ibibigay ko ito kung sakaling magkita kami.

Bumangon ako nang maramdaman ang init ng araw sa aking balat. Nakatulog pala ako kakahintay sa tawag ni Rav. Didiretso ako sa University ngayon. May schedule na kami for graduation. Aasikasuhin nalang namin ang iba pang requirements.

Nakita naman agad ako ni Vina nang makalapit ako. Medyo busy na kami ngayon dahil sa dami ng aasikasuhin. Napansin ko rin sila Justin at iba pa nilang barkada. I looked at the surrounding hoping to see Rav. But no Rav showed up.

"Kumain ka na, Eli?" Tiningnan ko si Vina. Kinunotan nya naman ako ng noo nang matagal akong nakasagot.

"Hay naku!" Inis na inis si Vina at tinawag ang kakadaan lang na si Justin. Mukhang bagong dating lang rin.

"Ano ba, Vina? Close ba tayo?" He asked jokingly. Natawa naman kami pareho. Lumapit na rin sina Grey at iba pang barkada nila sa table namin. Mukhang masaya sa tagpong nakikita nila.

"Ewan ko sayo! Bumili ka nga muna ng pagkain. Di pa nag-aalmusal si Eli." Napakamot naman sa ulo si Justin pero sinunod rin ng walang angal si Vina.

Ilang minuto pa ay dumating si Justin bitbit ang isang Sandwich at mineral water.

"Ba't isa lang yan?" Magkasalubong na ang kilay ni Vina.

"Eh si Eli lang naman ang kakain diba?" Justin answered stating the obvious.

"Sana man lang nagmagandang-loob ka na bilhan rin kami diba?" Napapailing na lang ako sa pinagsasabi nilang dalawa. Hindi rin nagpatalo si Justin at laging may sagot kay Vina.

Napuno ng tawanan ang mesa. Napakaingay talaga nila! I looked at them. They're smiling, they're happy, and these are the moments that I will cherish forever.

Maggagabi na ng bumalik ako sa University. Iniwan ko kanina kay Vina ang gamit ko dahil may kinuha ako sa bahay. Nakalimutan kong dalhin yung eco bag. Gusto ko rin naman kasi sanang ipakita sa mga friends ko.

Our Stars in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon