Kung may isang tao man na hindi masaya ngayon, it was Justin. I laughed when I saw him looking at us with a frowned face. Kinurot ko naman si Rav sa tagiliran at napangiwi naman sya."Ba't mo ba inaasar yan?" I whispered. He smirked at my question and pulled me closer to hug.
"Bumabawi lang ako, by. Kahit anong tanggi nyan di ako matitiis ng isang yan." He answered proudly. Tumingin naman ako ulit kay Justin na nakalapit na sa amin.
"Dude, ano to? Mag aalas sais na. Thirdwheel talaga ako?" He asked. Kunot na kunot na ang noo. Tinapik naman ni Rav ang balikat nya at napangisi.
"It's okay. May date ka rin sana ngayon kaso tumanggi nang sinabing ikaw ang makakasama." Rav answered and teased him again. We both laughed at his reaction.
Iniwan muna kami ni Rav nang sinabi kong nauuhaw ako. Sasama pa nga sana ako kaso tumanggi sya dahil malayo pa raw ang lalakarin. Medyo naawa na rin sya kay Justin dahil kanina pa namin kinukulit sa mga pictures at sa mga iba pang utos ni Rav kaya naman sya na mismo ang bumili.
"I'm happy that Ivar met you, Eli. We're all happy." Justin said as he wiped his sweats.
"He's not like that dati. He's cold. Hindi palangiti. Pero nagbago nang makilala ka." He added and we both laughed.
"Love can really change a person. I just never expected that Ivar was the one who will experience it first among all of us." Napalingon naman ako nang marinig iyon.
"What do you mean?" I asked. He shake his head.
"It's not my story to tell, Eli." He answered and smiled. Naiintindihan ko. Everyone has a story to tell, even me.
"Mahirap dating basahin ang iniisip ni Ivar. But look at him now. Kahit sinong makakita mapapansin talaga na mahal ka niya."
"Nakakapagod kayong kasama ha. Maniningil talaga ako ng talent fee." He added and we both laughed again.
We looked at Rav when he sat beside me. He opened the bottled water and gave it to me. Ininom ko naman ito at itinapon sa malapit na basurahan sa gilid namin.
"Uwi na tayo, dude. Pagod na ako." Justin complained at tumayo na nga. Napatango naman ako. Sa aming tatlo, si Justin ang pinaka napagod. Hindi rin sya nagdala ng sasakyan dahil gusto ni Rav na sumabay sya sa amin at baka raw maisip na tumakas. Atleast raw, hindi makakapagcommute dahil wala namang ganon sa pinuntahan namin.
Una naming hinatid si Justin sa condo nya bago dumiretso sa bahay ko.
"Gusto mong pumasok?" Tumitig naman si Rav at umiling.
"Next time, by. When the time is right." He answered but I didn't heard the last words. Nagiging bingi na ata talaga ako.
Hinawakan ni Rav ang kaliwang kamay ko. His other hand put the strand of my hair on the back of my ear.
"I met you on the perfect time, by." I smiled at him and nodded.
"You are so weird, back then." Napakunot naman ang noo nya sa narinig at natawa.
"Yeah. You said that I was creepy." Naalala nya pa pala 'yon.
"I just can't believe that you are my girlfriend now." He added. Inilapit nya naman ang kamay ko sa bibig nya at bahagya iyong hinalikan.
"Thank you, by. Thank you, Imara Alessia." He pulled me into a hug and whispered those words. I hugged him back and smiled. It really feels comfortable when I'm with him.
"Pipiliin kita sa araw-araw, Rav." He smiled and chuckled. Mukhang kinikilig na naman sa naririnig nya ngayon.
"Ayaw mo talagang pumasok?" I asked him again but he just shake his head.
"Sa susunod na, by." I nodded at him and was ready to open the door on my side when Rav suddenly hold my hand. Napalingon naman ako sa kanya.
"You forgot something, by." He smirked and move his face closer. I closed my eyes when I felt his lips on mine. Wala syang ginawang kahit ano. He just pressed our lips together. Kahit mga 5 seconds lang, I think it was magical.
Naramdaman kong ngumisi si Rav sa pagitan ng paghalik nya sa akin kaya naman unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Malaki nga ang ngiti nya sa akin ngayon.
"Nasasanay ka na, Rav." I whispered and he laughed at my reaction. Pulang-pula na ang buong mukha ko. Paano ba pigilan ang sobrang kilig?
"I love you, by. Baba ka na. Baka kung ano pang magawa ko." He added. Kumaway naman ako at tiningnan ang sasakyan ni Rav na unti-unting nawawala sa aking paningin.
Nagtataka akong napatingin nang bumalik si Rav.
"You forgot something?" He looks at me weirdly and deeply sighed.
"What's wrong?" I asked nervously.
Rav held my hand tightly.
"I heard from Vina na hindi ka pa nakakabili ng graduation ring." He whispered.
Inilabas nya ang kulay blue na box and opened it for me.
"This will also serves as my promise ring to you. I hope you like it."
I nodded at him and smiled. Iniabot ko naman sa kanya ang kamay ko.
He laughed at my reaction and gladly put the ring onto my finger.
"Thank you, Rav." I whispered and hugged him tightly.
Kakatapos ko lang maligo nang marinig na magnotify ang phone ko. Napangiti naman ako ng mabasa ang text ni Rav.
My Baby: I just got home, by. I love you.
Natawa ako nang maalala na pinalitan ni Rav kanina ang name nya sa phone ko. I just saved his name as Rav dati. Hindi pa ako nakakapag-type nang bigla itong tumawag.
"Hello?" Naupo ako sa gilid ng kama at tinitingnan ang mga bituin sa labas.
"Hi, by. You're looking at the stars tonight?" He asked. Napatango naman ako kahit di nya ako nakikita.
"Ang dami nila ngayon." I answered.
"Yes. What do you think I'm thinking right now, by?" I giggled at his answer. Alam kong nagpipigil na sya ng ngiti ngayon.
"Mmm. I bet you think about me." Hindi na ata napigilan ni Rav at tuluyan na syang tumawa.
"Kinikilig ako sayo, Imara Alessia." He answered lowly.
"Talaga ba?" I teased him.
Napatagal pa ang pag-uusap namin ni Rav. When our call ended ay dumiretso ako sa social media account ko. Nagtaka pa ako ba't andaming notifications. When I opened it, I saw that Justin tagged us. Ito yung gala namin kanina.
It was a stolen shot na magkahawak ang kamay namin ni Rav. He hugged me in the picture at mukhang may binubulong. Ito yung time na nakasimangot sa amin si Justin.
Baka may gustong mag-volunteer na pumalit sa pwesto ko bilang third wheel ng dalawang 'to. Pm me.
Natawa naman ako sa caption. I scrolled it up and I saw a bunch of comments.
@GreySalve: @JustKidding Nag pm na ako. Ba't walang reply? Seen lang, ganon? It was Grey's comment. I clicked Justin's reply at napatawa naman ako ng malakas.
@JustKidding: Napakawalang kwenta ng message mo. May kumatok ditong delivery rider! Aanhin ko ang extrang gulong na ipinadala mo. Naka COD pa! Hindi pa match sa sasakyan ko. Gago! Ikaw pumalit sa pwesto ko!
Napapailing naman ako sa mga kalokohan nila. I scrolled it again and read some of the comments of their friends.
Life is unfair. Sila may partner, ikaw Just wala. Tayo nalang kasi.
Sana 'di nalang ako nagising. Sa inggit lang pala ako mamamatay.
Sign na ata to para matulog.
Alikabok lang ata role ko sa mundo.
Okay lang. Di naman ako naiinggit. Okay lang talaga!
Hay! Matutulog na naman akong may sama ng loob. It was Vina's comment. I laughed loudly when I read it. Napakasira-ulo talaga nila! I stopped laughing when it notified that Rav commented on the same post.
I love you, Imara Alessia.