FAN

4 0 0
                                    

Chapter 1.
Chapter 1.
"Sakay na!" sigaw sa akin ng kababata ko na ngayon ay papaalis na gamit ang kaniyang bisikleta.

"Andito na!" saad ko sa kaniyang habang papalapit sa kaniya.

Binigay niya sa akin ang bag niya upang makapag-bisikleta siya ng maayos. Isinukbit ko naman ito sa harapan ko dahil nakasukbit na ang bag ko sa aking likuran.

"Bago bag natin ah!" saad ko kay Pablo.

"Kumapit ka," saad niya sa akin, inaantay na gawin ko iyon bago siya umandar.

Kumapit naman ako sa kaniya kaya pinaandar na niya kaagad ito. Dito ako sumasakay sa kaniyang bike ngayon dahil nawala na naman ang bike ko sa panglimang beses at hindi ko alam kung sino ang nagkuha.

Ayaw na akong bilhan nila mama at papi hangga't hindi ako nagtatanda. Pasalamat na lang ako kay Pablo dahil pinapa-angkas niya ako sa kaniyang bisikleta.

Malapit na kami ni Pablo sa gate ng eskuwelahan ng maalala ko na naiwan ko pala ang aking i.d sa bahay.

"Pabs tigil. Tigil pabs!" saad ko sa kaniya na hinihila pa ang laylayan ng kaniyang uniforme para tumigil.

Tumigil naman ito at pagkatapos ay bahagya akong nilingon. "Bakit?" tanong niya sa akin.

"Naiwan ko yung id ko," saad ko sa kaniya sa mahinang boses. Matagal bago ito tumugon sa sinabi ko.

Tinanggal nito ang kaniyang id sa kaniyang leeg at pagkatapos ay ibinigay nito sa akin.
"Anong gagawin ko rito?" takang tanong ko sa kaniya.

"Suotin mo."

"Paano ka?"

"Ako na lang ang kukuha ng id mo. Saan mo ba ito nilagay?"

"Huwag na, ayos lang. Mahuhuli ka pa sa klase dahil sa akin," saad ko sa kaniya at pagkatapos ay ibinalik sa kaniya ang kaniyang i.d bumaba na ako sa kaniyang bisikleta at pagkatapos ay umalis na papunta sa bahay pero tumigil si Pablo sa harapan ko at pilit na isinuot sa akin ang id niya.

Bago pa ako maka-react ay tumakbo na ito papunta sa bisikleta niya at mabilis na pinaandar ang kaniyang bisikleta paalis.

"Hoy!" tawag ko sa kaniya pero hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang ito sa kaniyang pagbbike.

Hahabulin ko sana pero mabilis na nawala ito sa aking paningin kaya wala akong magawa kundi pumasok na lang sa eskuwelahan at hintayin siya sa classroom.

Tinignan ko ang aking relo at nakita kong alas syete singkwenta'y singko na ito ibig sabihin malapit ng magsimula ang aming klase pero wala parin si Pablo hanggang ngayon.

Pinagdadasal ko na sana mahuli ang aming teacher ngayon o di kaya'y magkaroon ng biglaang meeting ngayon. Napaayos kaming lahat ng upo ng pumasok na si Ms. Aguila sa aming classroom.

Inilibot muna ng aming guro ang kaniyang mata sa classroom at napakunot ang kaniyang noo ng makita ang isang upuan na may nakalagay na bag pero walang estudyante na nakaupo rito.

"Who owns that bag?" tanong ng guro sa amin.

Tumayo naman kaagad ako at sumagot. "Ma'am kay Pablo po iyan," saad ko kay Ms. Aguila.

"Where is he?" tanong ni Ms. Aguila sa akin.

"N-nasa cr po ma'am, umiihi," pagsisinungaling ko.

"Okay seat down. Let's start our discussion," saad ni Ms. Aguila.

Napabuntong hininga akong umupo iniisip kung nasaan na si Pablo. Baka hindi na siya papasukin ng guard. Hindi ako makapag-concentrate sa mga sinasabi ni Ms. Aguila dahil nakokonsensiya ako sa ginawa ni Pablo para sa akin.

Te QuiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon