Chapter 2.
"Sige na Pabs pumayag kana, please?" pagmamakaawa ko kay Pablo."Ayaw ko," pang-sampung beses na niyang sinabi 'to.
Tinignan ako nito na parang sinusuri kaya medyo kinabahan ako. Ayaw kong malaman ng kahit na sino na may gusto ako kay Kean dahil pag nagkataon baka pagtulungan ako ng mga die hard fans ni Kean.
Ayaw ko ring malaman ito ni Pablo dahil paniguradong isusumbong niya ako kay mama.
"Bakit mo ba ako pinipilit Coleen? Meron ba akong dapat malaman?" tanong niya sa akin na nakataas pa ang kaliwang kilay.
"S-sabi kasi sa akin ni Diana na kapag napa-oo kita ay tutuparin niya ang hiningi kong favor sa kaniya," sagot ko sa tanong niya na siya namang kinakunot nang noo niya.
"Anong favor naman iyon?" tanong niya sa akin.
"Syempre secret lang namin iyon!"
"Bahala ka sa buhay mo," saad nito at magwwalk-out na sana pero agad ko rin itong pinigilan.
"Okay fine! Isasali raw nila ako sa sayaw nila kapag napa-oo kita, kaya sige na please?" pagsisinungaling ko sa kaniya. Hindi niya puwedeng malaman no!
Bumuntong hininga ito at napailing-iling.
"Oh my god! Thank you sissy!" masayang sigaw ni Diana sa akin nang makitang dala ko si Pablo sa kaniyang debut at nakasuot pa ito ngayon ng suit and tie.
Hinila naman agad nito sa unahan si Pablo at kitang-kita sa mukha ni Pablo ang pagtitimpi.
"Listen guys! I introduce to you all Pablo Sandugo my escort tonight!"Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid namin, karamihan sa mga nandito ay mga estudyante na pumapasok din sa paaralang pinapasukan ko.
"Damn he's so hot with his suit and tie," rinig kong bulungan ng mga kababaihan na nasa harapan ko lamang.
Inobserbahan ko naman si Pablo sa kaniyang kasuotan. Well totoo naman ang mga bulungan nila nagmukha nga siyang tao.
Kumuha na ako ng plato para paglagyan ng mga pagkain na nakahain sa malaking lamesa na kaharap ko na.Kanina pa ako nagugutom kaya isasantabi ko na lang muna yung hiya-hiya ko. Wait meron ba ako non? Una kong kinuha ay ang menudo dahil ito lang ang kilala ko sa lahat ng mga nakahain dito. Yung ibang dishes naman ay parang ngayon ko lang nakita.
Dishes ba ito ng mga mayayaman? Pero mukhang masarap kaya kumuha narin ako isa-isa syempre maliit lang para magkasya sa pinggan ko. Nang matapos na akong kumuha ng akin kakainin ay naghanap na agad ako ng lamesa ko.
Nakita ko ang isang bakanteng lamesa na walang nakaupo sa mga silya nito kaya agad-agad ko itong pinuntahan. Nang makaupo na ako ay nagsimula na akong kumain walang pakialam sa mga nagsasayawan.
Nasamid ako sa gitna ng aking pagsubo nang umupo sa aking tabi si Kean. Natatawa niya akong inabutan ng tubig at pagkatapos ay hinagod ang aking likod. Luminga ako sa aking paligid at nakita ko si Diana na kinindatan ako at sa gilid niya ay ang kaniyang dalawang alipores na inirapan lang ako.
Pagkatapos non ay tumalikod na ang tatlo. Hindi ko 'ata nakikita si Pablo. "Hello! My sister told me you were my biggest fan, is it true?" tanong nito sa akin para akong lumulutang dahil nakaplaster ang maganda at malaking ngiti niya sa aking harapan.
"Y-yes of course!" kandautal-utal pa ako sa aking pagsagot. Natawa naman ito sa reaction ko.
"P-puwede bang pa-picture?" tanong ko rito na agad namang tumugon.
"Sure! Why not?" agad kong nilabas ang aking cellphone.
Nakalimang-shots kami ng kuha bago ko naisipang tumigil. Syempre dapat hindi tayo pahalata. "Nice meeting you Coleen," saad nito sa akin at pagkatapos ay ginulo ng bahagya ang aking buhok.
Nakatulala ko itong pinagmasdan paalis. Meron agad sumalubong sa kaniya at binati siya nito. Siguro sobrang busy niyang tao pero nagbigay parin siya ng time para makausap ako, I feel special tuloy and how did he know my name? Siguro sinabi na ni Diana sa kaniya.
Nang mawala na sa paningin ko si Kean agad kong kinalikot ang aking cellphone at ginawa kong wallpaper ng aking cellphone ang pinakamagandang shot na nakuha ko kasama si Kean.
Pagkatapos non ay inubos ko na ang aking pagkain wala sana akong balak ubusin ito nang makita ko si Kean dahil naisip ko na baka tataba ako pero sayang naman yung pagkain kung itatapon lang.
Maya-maya ay may umupo naman sa tabi ko. Napabuntong hininga ako ng makitang mga alipores ito ni Diana. Sa magkabilang gilid ko silang dalawa umupo.
Tinignan nilang dalawa yung suot ko maging ang kulot kong buhok. Sa klase pa lang ng tingin nila ay para na itong nanghuhusga.
"Malabo," sabay nilang sabi.Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. "Anong malabo?" kuryos kong tanong sa dalawa.
Umirap muna si Lyka sa akin bago sagutin ang tanong ko. "Malabo as in blurred!"
Ako naman ang umirap dahil sa katangahan niya. "Alam ko, sira! Ang ibig kong sabihin ay anong malabo? Saan banda yung malabo?" pagpapaliwanag ko, ang hirap pala magpaliwanag kahit gaano ka katalino.
"Malabong magustuhan ka ni Kean. As in zero. Hindi tipo ni Kean ang mga katulad mo," prangkang sabi sa akin ni Luisa.
Ouch sakit naman. Alam ko no! Kailangan ba talagang ipamukha sa akin? Paulit-ulit? Unli yarn!
Umalis na ang dalawa at iniwan ako rito. Ano iyon? Nagpunta lang dito para insultuhin ako? Kagigil may araw rin sa akin yung dalawang iyon.
Sinira nila ang mood ko ah. Imbes masaya na ako dahil nakausap ko narin sa wakas si Kean my ultimate crush tapos biglang umepal ang mga frog na iyon. Kahit ang totoo ay hindi ito ang unang pag-uusap namin hehe. Kinikilig ako sa tuwing naaalala ko ang unang pag-uusap namin.
Nagsi-upo na ang lahat nang mag-announce na sisimulan na ang 18 roses. Pang-labing anim si Kean sa mga magbibigay ng roses kay Diana. Habang isinasayaw ni Kean ang kaniyang kapatid na si Diana, ini-imagine ko naman na ako yung kasayaw ni Kean.
Hays, kailan kaya ako maisasayaw ni Kean? Asus 'wag ko nang pangarapin iyon, malabong mangyari iyon as in blurred. Pang-labing pito naman ang daddy ni Diana, siguro nagmana si Diana sa daddy niya.
Para rin kasi itong isip-bata at masyadong masiyahin hindi katulad ng mommy ni Diana na may pagka-istrikto at laging seryoso ang mukha. Madalang ko nga lang makita iyon na nakangiti. Para namang maiiyak ang daddy ni Diana habang sinasayaw ang kaniyang anak.
Yumakap muna ito sa kaniyang anak bago umalis. Kasunod naman ang pang eighteen roses syempre walang iba kundi ang nag-iisang Pablo Sandugo. Habang nagsasayawan ang dalawa sa harap kitang-kita mo ang sobrang kasiyahan sa mukha ni Diana. Si Pablo naman ay walang kangiti-ngiti at seryoso lang na nakatingin kay Diana.
Okay na iyan kaysa nakasimangot. Mahahalatang napipilitan lang. Sa gitna ng kanilang pagsasayaw ni Pablo ay nag-announce ulit ang host. Kumuha raw ng kaniya-kaniyang partner at sumayaw rin sa harapan.
Napasimangot ako nang may inanyayahan si Kean na isang magandang babae. Maganda ito sobrang ganda. Lalo akong napanguso nang magsayawan na sila sa harapan. How about me Kean?
Ano ba naman ako kung ikukumpara sa isang magandang babae na kasayaw ngayon ni Kean. Ang masaklap pa ay walang nag-iimbita sa aking sumayaw sa harapan.
Siguro sa paningin ng mga tao mukha akong manika. Manikang chaka na panakot sa mga bata. Napatingin ako kay Pablo nang may tinignan ito sa aking likuran. Ang mga tinginan niya ay parang nambabanta na kung hindi mo siya kakilala ay masisindak ka talaga.
Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang likuran ng lalaking papaalis. Kaaway niya ba iyon? Ang alam ko kasi ilag iyan si Pablo sa gulo.

BINABASA MO ANG
Te Quiro
Fiksi RemajaBata pa lang sina Coleen at Pablo ay magkaibigan na ang mga ito hanggang sa kanilang paglaki. Ano ang gagawin mo kapag nalaman mong inlove sa iyo ang bestfriend mo? Kung sa simula pa lang ay kapatid lang ang turing mo sa kaniya. Handa ka bang isuko...