Chapter 3.
"Kumusta ang pagiging escort mo?" nang-aasar kong tanong kay Pablo.Inirapan lang ako nito. "Sumakay kana," saad nito kaya umangkas na ako sa may likuran niya. Gaya ng dati ibinigay niya ulit sa akin ang bag niya.
"Id mo?" tanong niya sa akin.
"Nandito na po."
"Good," maikling saad niya at pagkatapos ay pinaandar na niya ang kaniyang bisikleta.
Habang pinapaandar ni Pablo ang kaniyang bisikleta ay ninanamnam ko ang sariwang hangin na nanonout sa aking balat.
Napayakap ako kay Pablo nang biglaan itong huminto sa kaniyang pagbibisikleta. "May pusa," saad niya.
Tinignan ko naman ito may pusa ngang paika-ika kung maglakad at tumatawid ito ngayon sa kalsada. Tinanggal ko ang kamay ko na nakayakap sa baywang ni Pablo at pagkatapos ay inasar siya.
"Naks may abs! Ano sekreto Master?" nakangisi kong tanong sa kaniya.
"Tumigil ka nga," saad niya kaya natawa ako.
"Class prepare one whole sheet of paper. We have a quiz," biglaang saad ni Ms. Aguila pagpasok pa lang niya sa may pintuan.
Halos lahat ng aking mga kaklase ay bumagsak ang mga balikat. Hindi ko sila masisisi, biglaan kasi at walang pasabi si Ms. Aguila kaya paniguradong karamihan sa mga kaklase ko ay hindi nakapag-review.
"Number 1."
Dali-dali kaming lahat na kumuha ng papel at ballpen nang magsalita ulit si Ms. Aguila. Bumagsak ang balikat ko nang wala akong mahanap na papel sa bag ko, tanging ballpen lang ang nahanap ko. Nakalimutan kong magpabili kay papi.
Nagulat ako ng bahagya dahil kasabay ng pagkaharap ko ay paglapag ni Pablo ng isang pad ng papel sa aking lamesa. Bumalik naman agad ito sa kaniyang upuan pagkatapos ilapag ang papel sa aking lamesa.
"Thank you pero isa lang kailangan ko," mahinang bulong ko sa kaniya pero pinakita lang niya sa akin ang isang pad din ng papel sa lamesa at pagkatapos ay humarap na ito sa harapan.
Humarap narin ako sa harapan pero sa pagkaharap ko ay nahuli ko si Ms. Aguila na nakatingin sa amin pero agad din itong nag-iwas ng tingin.
"Okay let's start, number 1, what are the 4 forms VAWC?" lalong bumagsak ang balikat ng mga kaklase ko dahil sa tanong.
Habang kumakain kaming dalawang ni Pablo sa cafeteria ay narinig ko ang bulungan ng dalawang babae sa aking likuran.
"I heard the news na dito raw ulit mag-aaral si Kean. Oh my god! I'm so excited!" masayang sabi ng isang babae, matinis ang kaniyang boses siya yung tipo ng babae na kapag sumigaw ay nakakarindi.
"Girl 'wag o.a 'tsaka late kana sa balita. Pumapasok na ngayon si Kean kaya nga nagkaguluhan kanina sa corridor," pambabara ng babae sa kaibigan niya, I think?
"Stop eavesdropping, kumain ka," napalingon ako kay Pablo nang nilagyan niya ulit ng gulay ang aking pinggan.
"Busog na kaya ako!" mahinang asik ko sa kaniya at pagkatapos ay binalik ang gulay sa kaniyang pinggan.
Hindi naman ito kumibo at nagpatuloy lang sa kaniyang pagkain. Hindi ako masyadong nakapag-focus sa pagkain ko dahil sa narinig ko kanina, parang tinatambol ang puso ko sa sobrang saya at excite na makita ulit si Kean.
"Ma, papi punta lang ako sa bahay nila Pablo. May itatanong lang po ako sa kaniya," pagpapaalam ko kila mama at papi na ngayon ay nanonoud ng balita sa tv.

BINABASA MO ANG
Te Quiro
Novela JuvenilBata pa lang sina Coleen at Pablo ay magkaibigan na ang mga ito hanggang sa kanilang paglaki. Ano ang gagawin mo kapag nalaman mong inlove sa iyo ang bestfriend mo? Kung sa simula pa lang ay kapatid lang ang turing mo sa kaniya. Handa ka bang isuko...