TREAT

0 0 0
                                    

Chapter 6.
Bad-trip ngayon si Diana dahil hanggang ngayon wala parin si Luisa. Ilang minuto na lang ay kami na ang susunod na magpperform sa stage. Hindi naman ito gaanong seryoso dahil magpperform lang kami sa gaganaping malaking events ngayon sa school.

Wala rin naman kaming kalaban kaya hindi ko maintindihan si Diana dahil kung umakto kasi siya akala mo dala niya talaga ang pilipinas sa labang ito, akala mo talaga isa itong International Dance Competition kung mag-practice kasi kami halos abutin na ng gabi.

"Hello!" napalingon kaming tatlo ni Lyka dahil sa malakas na boses na tumatawag sa likuran namin.

"You are already here! Where are you from and why did you take so long?" naiinis na tanong ni Diana kay Luisa.

"I'm sorry, okay? It hasn't started yet," saad ni Luisa kay Diana kaya napairap na lang si Diana sa kaniya.

Nag-ready na kaming apat dahil tinawag na kami sa stage para mag-perform. Medyo kinabahan ako pagtungtong palang namin sa stage, hindi ko naman ito nararamdaman kanina eh. Paano kasi nandito pala si Kean at ang mas nakakaba ay kumakaway ito sa amin ngayon hindi ko nga lang alam kung kasama ba ako sa kinakawayan niya.

Naka-hip hop outfit kami ngayon. Black long sleeve croptop and black jogging pants. Parehas kaming naka-ponytail'ng apat, meron din kaming kaunting make-up na nilagay sa mukha. Sabi ko sa kanila hindi na ako magpapalagay dahil hindi naman iyon kailangan pero hindi pumayag si Diana, syempre siya masusunod dito kasi siya ang leader namin sa sayaw'ng ito.

'Taki-taki ang kantang sasayawin namin ngayon. Hip hop dance ito na pinag-practican namin ng ilang araw kaya sana maganda ang kinalabasan nito, sayang yung pagod eh. Sa pag-eensayo naming apat hindi ko maipag-kakailang magaling ang tatlo lalo na si Diana.

Sa bilis, pitik at smooth ng movement nila ay talagang mapapanganga ka. Ang lalambot ng mga katawan at ang gagaan! Iba talaga pag-flexible. Hindi ko naman matukoy sa sarili ko kung magaling ba ako o hindi pero naniniwala narin ako kahit papaano sa sinabi ni Diana sa akin na sobrang galing ko raw sumayaw at puwede nang isabak sa International Dance Competion, weh 'di nga? Charot!

Hindi ko naman masyadong pinaniwalaan iyon kasi diba kilala si Diana sa pagiging plastic? Ang alam ko lang sa sarili ko ay nakakasabay ako sa bilis ng kilos nila sa pagsayaw.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga estudyante ng magsimula na kaming sumayaw. Nahagip ko sa paningin ko si Pablo habang nagsasayaw kami.

Seryoso lang itong nakatingin sa akin. Hindi ito tumitingin kila Diana kundi sa akin lang, para bang na-glue na ang mga mata nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa akin lang siya nakatingin at kahit bestfriend ko siya ay medyo naiilang ako sa mga tingin niya.

Ako lang ba o nakikita ko talaga ang pagnanasa sa mga mata niya? Siguro nag-iilusyon na ako kakapuyat? Hindi ko rin mawari kung galit ba ito o hindi. Sana naman nagkakamali ako dahil hindi ko pinangarap na magkaroon ng FUBU.

Pero kahit ganoon ang mga tingin ni Pablo ay may tiwala parin ako sa kaniya, kilala ko siya mula pagkabata pa lang niya. Feeling ko naapektuhan ang dance performance ko sa mga titig ni Pablo.

"Isa pa! Isa pa!"

"Isa pa!"

Iyan ang mga sigawan ng estudyante pagkatapos ng sayaw namin. Kaya noong humirit din ang host ng isa pa ay wala na kaming nagawa kundi mag-perform ulit, ang sinayaw naman namin sa pangalawang pagkakataon ay 'Swalla'

Te QuiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon