DEAL

0 0 0
                                    

Chapter 5.
Nagtaka ako nang makita sa labas ng gate si Pablo na mukhang naghihintay sa akin. Medyo ginabihan ako sa pag-uwi pero nag-text naman ako kila mama at papi. Tinext ko rin si Pablo na hindi na ako makakasabay sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito? Gabi na ah," saad ko kay Pablo na ngayon ay seryoso lang nakatingin sa akin.

"Late ka nang umuwi. Saan ka galing?" tanong sa akin ni Pablo kaya medyo natawa ako.

"Tatay lang ang peg? Dinaig mo pa si papi ah," natatawa kong saad sa kaniya.

Inirapan lang ako nito at pagkatapos ay umalis na. Pumasok na rin ako sa gate namin nang makitang pumasok na si Pablo sa gate nila.

"I want you to help me make Pablo fall in love with me and I will help you make my brother fall in love with you.."

Parang nakokonsensiya ako sa gagawin ko dahil parang binubugaw ko si Pablo sa taong hindi naman niya gusto. Hays, bahala na nga!

Hindi ako makatulog kaya kinalikot ko ang cellphone ko na nakalagay lang sa gilid ng ulo ko. Napatili ako ng malakas nang makitang in-accept ako ni Kean sa facebook.

Mas maraming ang follower niya kumpara kay Pablo na umabot naman ng one hundred thousand plus. Sa bagay isa siyang sikat na artist kaya hindi na kataka-taka, marami siyang post sa facebook niya puro ito mga paint na paniguradong siya ang gumawa.

"Coleen! Anong ingay iyan?" sigaw sa akin ni mama mula sa baba.

"Sorry po ma!"

Kinaumagahan ay hindi na ako umangkas sa bike ni Pablo dahil binilhan na pala ako kagabi ni mama at papi ng bagong bike. Regalo raw nila sa akin iyon dahil tumataas daw ang mga grades ko sa bawat subject.

Pagkalabas ko pa lang ng gate ay nakita ko na agad si Pablo na naghihintay sa akin. Nagsimula na nitong paandarin ang kaniyang bike nang makita ako nito na dala-dala ang bike ko.

Gaya ng dati ay nagpa-unahan na naman kami ni Pablo na makarating sa school. Kahit hindi niya sabihin alam kong nakikipaglaro rin siya sa akin pero ang unfair lang dahil kahit hindi siya mag-effort ay nauunahan niya parin ako.

"Class dismiss!" saad ng teacher namin.

Sa nagdaang araw ay naging busy ako dahil sa dance practice na sinalihan ko kila Diana. Sa totoo lang ayaw ko talagang sumali rito pero wala akong magagawa dahil ito ang ginawa kong excuse upang mapapayag si Pablo na maging escort ni Diana.

Alas singko na kami natatapos sa pagsasayaw nila Diana pero inaantay parin ako ni Pablo para sabay na raw kaming umuwi. Ang sabi ko sa kaniya hindi na niya kailangang gawin iyon dahil alam kong mag-aaral pa siya pero hindi naman ito nakikinig sa akin.

Kaya kahit nahihirapan siya ay sa bench na lang siya nag-aaral habang inaantay ako na matapos ang practice namin sa pagsasayaw.
Natutuwa naman si Diana na inaantay ako ni Pablo dahil nakakausap na niya palagi ito kahit madalang siyang sagutin ni Pablo sa mga tanong niya.

Lagi niya na ring nasisilayan si Pablo kaya tuwang-tuwa siya at iniisip niya na ito na ang unang hakbang na ginagawa ko para sa deal naming dalawa.

Napasinghap ang lahat ng ibuhos ni Diana ang isang baso na may lamang juice sa babaeng transferee.

Nasa cafeteria kami ngayon at mukhang yung bagong transferee na babae naman ngayon ang pinagdidiskitahan ni Diana at ng dalawang alipores niya.

Te QuiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon