DRAWING

0 0 0
                                    

Chapter 4.
Nagsimula nang magpatugtog ng gitara si Pablo. Ang sarap pakinggan lalo na't magaling ang kaniyang mga kamay sa pagkuskos ng mga string.

🎶 Oh, kay gandang pagmasdan
Ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang
'Di ko maintindihan🎶

Alam kong maganda ang boses ni Pablo dahil ilang beses ko na rin itong narinig na kumanta. Buo at malamig ang kaniyang boses para kang hinehele sa kaniyang boses.

Nasa Veranda kami ng bahay ngayon. Si Pablo na mismo ang pumunta sa bahay ko para turuan ako mag-gitara. Pinilit ko siyang kumanta at ayun sa kakulitan ko kumanta nga.

Ang lamig ng simoy ng hangin dito sa veranda at kitang-kita mo pa rito ang mga bituin lalo na ang buwan. Palihim kong kinukuhanan ng litrato si Pablo habang kumakanta at nag-gigitara.

Pinost ko ito sa facebook at tinag siya nilagyan ko ito ng caption na hashtag lover boy. Ang dami niyang followers dito sa facebook na umabot ng thirty thousand eight hundred thirty-six kahit hindi naman ito masyadong nagbubukas ng kaniyang facebook.

Hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman na apo si Pablo ng presidente.

Lima lang ang kaibigan niya sa facebook at naka-private rin ito. Ayaw niyang gumaya sa akin na sino-sino na lang ang kino-confirm, akala ko kasi paramihan ng friends.

🎶At sa paglisan nang araw, akala'y 'di ka mahal
At ang nadarama'y hindi magtatagal
Malay ko bang hindi magpapagal
Iibigin kita kahit ga'no pa katagal🎶

Napahinto ako sa paglalakad papasok sa rooftop nang mamataan ko si Kean na nakaupo roon at parang may ginuguhit sa malaking papel.

Nagtago ako sa may gilid upang hindi niya mapansin. Pinagmasdan ko siya habang gumuguhit sa kaniyang papel, payapa at maaliwalas ang mukha nito. Kay sarap pagmasdan lalo na ang maninipis at mapupula niyang mga labi.

Napahinto ito sa kaniyang pag-guguhit at napalingon sa gawi ko kaya kinabahan ako at dali-daling nagtago pero napakunot noo ako nang marinig ko ang kaniyang tawa. Tawa na parang natutuwa sa inasal ko.

Kaya nang marinig ko ang kaniyang pagtawa ay dahan-dahan akong lumabas sa aking pinagtataguan. Nang makalabas na ako sa aking pinagtataguan ay sumenyas ito sa akin na lumapit ako sa kaniya kaya kahit kinakabahan ay dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.

"Pasensiya na sa inasal ko kanina," humingi agad ako ng paumanhin sa kaniya nang paglapit ko pa lang sa kaniya.

"Pasensiya na kasi pinagmamasdan mo ako kanina? Ganoon ba iyon Coleen?" natatawang tanong niya sa akin.

Dahan-dahan naman akong tumango bilang pag sang-ayon kahit na nagtataka kung bakit siya tumatawa. "N-naaalala mo pa pala iyong pangalan ko," saad ko sa kaniya.

Ngumiti naman ito sa akin at sumenyas ulit na umupo ako sa tabi niya kahit nag-aalinlangan ay umupo ako sa tabi niya pero nagtira parin ako ng maliit na espasyo upang hindi magdikit ang aming mga katawan.

"Hindi ka naman siguro takot sa akin?" simula kinder ay crush ko na talaga si Kean una ko siyang nakita noon ay sa harden nakaupo siya roon habang may ginuguhit.

Nang makita ko ang gawa niya ay namangha ako dahil sa murang edad niya pa lang ay ang galing na niyang gumuhit.

Naging magkaklase kami ni Kean simula kinder hanggang grade three. Kaya hindi na ako umasa na kilala niya parin ako hanggang ngayon dahil sobrang bata pa namin non at sobrang tagal narin iyon.

Mas matanda si Kean sa amin ng dalawang taon, walong taon ito nang mag-enroll sa kinder. Meron daw itong sakit sa puso at medyo lumala raw ito nang tumuntong ito ng anim na taon kaya kinakailangan nitong umalis papuntang ibang bansa upang magpagaling at iyon ang dahilan kung bakit hindi ito nakapag-aral ng mas maaga.

Te QuiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon