Chapter 7.
"May dumi ka," saad ni Kean at pagkatapos ay pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang kaniyang hinlalaki.Napatigagal at napatulala ako dahil sa kaniyang ginawa pero agad din namang bumalik sa wisyo ng magtanong siya sa akin.
"May boyfriend kana ba?" nagulat ako dahil sa tanong niya.
"B-bakit mo tinatanong?" kandautal-utal pa ako dahil nakatitig ito sa akin.
"Wala, I just want to know," saad niya habang natatawa.
"Wala akong boyfriend," sagot ko na parang napapahiya kaya yumuko ako upang maitago ang pamumula ng pisngi ko.
Bakit ba nagiging pabebe ako 'pag dating kay Kean? Hindi naman ako ganito ah.
Lalo namang lumapad ang kaniyang ngiti nang marinig ang sagot ko. Hindi ko alam kung anong pinapahiwatig ng ngiti niyang iyon.
"Last time I saw you in the music room playing the guitar, marunong ka pala?"tanong niya sa akin. Hindi talaga siya nawawalan ng topic kaya hindi ka mapapanisan ng laway sa kaniya unlike kay Pablo.
Pero meron namang pagkakataon na ang daldal ni Pablo at hindi ko alam kung bakit pero madalas talaga ang pagiging tahimik niya at suplado, siguro nature niya na iyon.
'Tsaka bakit ko ba sila pinagkukumparang dalawa at bakit ko ba siya iniisip gayong si Kean ang kasama ko ngayon?
'Tsaka plinano ko talaga iyong pagtugtog ko sa music room, plinano ko na marining niya akong tumutugtog ng gitara habang kumakanta. Syempre nagpatulong ako kay Diana non, 'tsaka si Diana may suggest non.
Nung una ayaw ko pa nga dahil talagang kinakabahan ako non, pinilit lang talaga ako ni Diana. Wews Coleen, nagpapilit ka naman?
"Coleen?" agaw pansin ni Kean sa pananahimik at pagtulala ko.
"A-ah yes, marunong ako."
"Ahm... can you do me a favor?" tanong niya sa akin na parang nahihiya at nag-aalinlangan pa.
"Anong favor?" na-eexcite na tanong ko sa kaniya.
"May nililigawan akong babae and I was planning to propose to her and I need you there for music," unti-unting humina ang boses niya na parang nahihiya pa sa hinihinging favor.
Bahagya ring namula ang kaniyang mukha, siguro iniisip nito na huhusgahan ko siya sa pagiging corny niya. Dahil sa sinabi niya ay parang nagkaroon ng bara sa lalamunan ko.
"Okay ka lang ba Coleen?" nag-alalang tanong sa akin ni Kean.
"A-ayos lang ako. Excuse me," nagmadali akong tumayo para umalis. Nakayuko pa ako para hindi niya makita ang panunubig ng mga mata ko.
Pumara agad ako ng taxi pagkalabas ko ng coffee shop. Pasalamat ako kahit papaano na meron agad na taxi na dumaan sa harapan ko. Narinig ko pang tinawag niya ako at hinabol pero hindi ko na siya pinansin at nagmamadaling pumasok sa kotse.
"Manong paki-andar na po," saad ko sa driver na sumilip pa sa akin mula sa salamin, nagtataka siguro kung bakit ako umiiyak.
"Saan po pala tayo ma'am," tanong ng driver sa akin. Sinabi ko sa kaniya ang address kaya pinaandar na niya ito.
"Anak lumabas kana riyan, kakain na."
Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Sige po ma! Susunod ako."
Nag-text sa akin si Kean about sa nangyari kanina pero hindi ko ito magawang replayan, wala ako sa mood para replayan siya.
Anong ibig sabihin ng mga pinapakita niya sa akin? Pa-fall din siya, ano? Naiinis din ako kay Diana, bakit hindi niya sinabi na may nililigawan na pala ang kuya niya? Nagmukha tuloy akong tanga.
Siguro nag-assume lang talaga ako sa mga pinapakita sa akin ni Kean. Siguro ganon talaga siya sa lahat. Baka hindi rin alam ni Diana na may nililigawan ang kuya niya kaya hindi ko agad siya puwedeng husgahan.
"Bakit ganiyan ang mukha ng bunso namin?" tanong sa akin ni papi habang nasa hapag-kainan kami kumakain.
Bine-baby na naman niya ako. Ganito talaga siya sa akin lalo na kapag nakikita niyang malungkot ako. Napaka-suwerte ko talaga sa mga magulang ko.
"Okay ka lang ba anak? May masakit ba sa iyo?" nag-alalang tanong sa akin ni mama.
"Wala ma, napagod lang siguro sa dami ng schoolworks," ngumiti ako para ipaalam sa kanila na ayos lang ako.
Ayaw kong dagdagan ang kanilang problema dahil alam kong may malaking problema na kinakaharap ang mga magulang ko at ayaw nilang ipaalam iyon sa akin dahil ayaw nilang mag-alala ako sa kanila.
Hindi ko naman sila pinipilit na sabihin ang problema, hintayin ko na lang siguro na sabihin nila iyon o hintayin ko na lang siguro na ako mismo ang makaalam non.
Sinimulan ko ng iligpit ang pinagkainan namin ng matapos kami pero agad din akong pinigilan ni mama.
"Ako na rito anak, magpahinga kana sa kuwarto mo," saad ni mama sa akin.
"Ayos lang po ma, hindi pa naman po ako inaantok," saad ko at ilalagay na sana ang mga pinggan sa lababo para hugasan pero pinigilan ulit ako ni mama.
"Anak sige na magpahinga kana, please."
"Alam niyo para walang away, ako na ang maghuhugas, okay?" sabat ni papi sa amin at pagkatapos dinala na ang mga pinggan sa lababo.
Parehos kaming natawa ni mama dahil sa ginawa ni papi. "Akyat kana sa taas para magpahinga, tignan mo mga mata mo mukha kang pagod."
Sumunod na lang ako kay mama dahil alam kong hindi siya magpapatalo at isa pa wala na akong lakas pa para makipag-debate kay mama tungkol sa pagliligpit ng mga pinag-kainan namin.
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at nag-iisip, hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Edi kung may girlfriend pala si Kean nagkasala pa ako. Hindi ko alam kung bakit pero habang tumatanda ako nagiging sensitive ako sa mga bagay, kung dati wala lang sa akin kung paano ako tratuhin ng mga tao, pero ngayon tumatagos na sa puso ko ang mga salitang kanilang binibitawan sa akin lalo na't ang mga salitang ito ay galing sa mga taong naging parte ng buhay ko.
Parang gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata, yung tipong napakamanhid mo, kahit sinasabihan ka na ng mga masasakit na salita hindi mo ito masyadong iniinda dahil hindi mo pa alam kung gaano ito kasakit. Masasaktan ka pero kinabukasan mawawala agad ito.
Kapag matanda kana kasi kahit gaano pa katagal ang isang alaala kapag naaalala mo ito bumabalik parin ang sakit dahil nakamarka na ito sa puso mo. Naiintindihan mo na ang mga bagay-bagay kaya lalo kang nasasaktan.
Alam kong sa mga oras na ito ay nag-aaral si Pablo at ayaw ko man siyang istorbohin pero hindi ko kaya. Kailangan ko ng masasandalan ngayon at kailangan ko ng kausap. In short kailangan ko siya dahil siya lang ang nag-iisang kaibigan ko na umiintindi sa mga katangahan ko.
Dalawang ring pa lang ay sinagot na niya agad ito.
"P-pabs? May ginagawa kaba ngayon?" tanong ko sa kaniya.
"Meron," maikling sagot niya.
"N-naiistorbo ba kita?"
"Oo," napangiwi ako dahil sa pagiging honest niya.
"Ah sige pasensiya na, ibaba ko na ito," ibababa ko na sana ito pero napatigil ako ng magsalita ito.
"Pero kapag ikaw handa akong magpa-istorbo," napakislot ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Wala namang ka-emo-emosyon ang boses niya nang sinabi niya iyon sa akin pero bakit iba ang dating sa 'kin non? Hayst tumigil ka Coleen! Kaibigan mo siya at kapatid na ang turingan niyo sa isa't-isa kaya mali iyang binibintang mo sa kaniya. Maling-mali.
Simula talaga nang tignan niya ako ng kakaiba sa dance competition ay nabibigyan ko na ng kahulugan lahat ng sinasabi niya. May gusto ba siya sa akin? Hindi, imposible iyong sinasabi ko.
Dapat tigilan ko na ang ganitong pag-iisip kung ayaw kong maging awkward kami sa isa't-isa. Ayaw kong mawalan ng kaibigan dahil lang sa mga iniisip ko, ayaw kong mawala siya sa akin dahil hindi ko kaya iyon.
Dahil hindi lang siya basta kaibigan ko lang, higit pa roon ang turing ko sa kaniya. Kapatid na ang turing ko sa kaniya at alam kong ganoon din siya sa akin.

BINABASA MO ANG
Te Quiro
Ficțiune adolescențiBata pa lang sina Coleen at Pablo ay magkaibigan na ang mga ito hanggang sa kanilang paglaki. Ano ang gagawin mo kapag nalaman mong inlove sa iyo ang bestfriend mo? Kung sa simula pa lang ay kapatid lang ang turing mo sa kaniya. Handa ka bang isuko...