Chapter 9.
"Why is he asking for your number?" seryosong tanong sa akin ni Pablo habang naglalakad kami sa hallway."W-wala iyon, nagpapatulong lang sa akin tungkol sa babaeng n-nililigawan niya," napalunok ako pagkatapos dahil parang may bumara sa lalamunan ko.
'Ang sakit ng pintig ng puso ko'
Nakita ko na unti-unting kumakalma ang kaninang mapanganib na mukha ni Pablo. Tsk, bakit ganiyan siya maka-react? Kung hindi lang kami magkaibigan, iisipin ko na nagseselos siya.
"Bakit sayo humingi ng tulong?" he asked casually.
"Malay ko! Bakit hindi siya ang tanungin mo," inis na sagot ko sa kaniya at pagkatapos ay iniwan siya sa hallway mag-isa.
Nandito ako ngayon sa loob ng classroom at nakaupo sa upuan ko habang nakasimangot at iniisip ang tanong kanina ni Pablo.
Oo nga naman! Sa dami ng kaibigan niya, bakit sa akin pa niya naisipang humingi ng tulong. Imposible namang sa dami ng kakilala niya ay wala maski isa ang marunong mag-gitara at kumanta.
"Psh, nananadya ba siya?" inis na tanong ko at hindi ko namalayan na naisambit ko pala iyon sa bibig ko gayong dapat sa isip ko lang iyon.
Napalingon naman sa akin ang bagong transferee yung pinagtripan nila Diana, nasa harap ko ito nakaupo kaya imposibleng hindi niya narinig ang sinabi ko.
"S-sorry," saad ko sa kaniya at napapahiya naman itong nagbalik ng tingin sa kaniyang harapan.
Joyce ang pangalan niya, nabanggit niya ito sa aming lahat noong nagpakilala siya sa harapan. Mahiyain siya at minsan lang kung magsalita pero sobrang talino niya at ang husay niya ring mag-drawing.
Noong inutusan ako ng lecturer namin na kolektahin ang assignment namin tungkol sa pagguguhit ay nakita ko ang gawa niya at masasabi kong para siyang Professional Artist.
Magkatulad sila ni Pablo, mahusay ring mag-drawing at parehas ding matalino. Napasulyap ako sa pintuan nang pumasok si Pablo at deretsong nakatingin ito sa akin. Inirapan ko lang ito at tumingin sa transferee.
Nakatingin din ito kay Pablo at halata sa mukha niya ang pamumula. Napapansin ko na laging siyang tumitingin kay Pablo pero si Pablo hindi manlang siya binibigyan kahit maski isang sulyap lang.
Nakita ko rin isang beses na sinubukan niyang kausapin si Pablo pero hindi manlang siya napansin ni Pablo kasi may kausap ito. Alam kong napahiya doon ang babae at sa kabutihang palad walang nakapansin sa kaniya non bukod sa akin.
Kaya nung tumingin siya sa gawi ko ay iniwas ko ang tingin sa kaniya at kunwaring nagsusulat ako para hindi na siya mapahiya lalo.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISMISS
Kasalukuyan akong nagliligpit ng gamit ngayon ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Hindi ito naka-register sa cellphone ko kaya pinatay ko ito.
"Pablo at Joyce! Pinapatawag kayong dalawa ni Mr. Enriquele," saad ng kaklase kong lalaki. Napatingin naman ang dalawa sa kaniya at nakita kong kumunot ang noo ni Pablo.
"Pinapatawag kami ni Mr. Enriquele," saad ni Pablo na lumapit pa sa akin.
"Narinig ko," kunot-noong saad ko habang nakatungo at chine-check ang lahat ng gamit sa bag ko.
"Hintayin mo ko rito," mahinang saad niya sa akin. Sinarado ko na ang aking bag nang makitang kompleto na ang lahat ng gamit sa bag ko at tinignan siya.
BINABASA MO ANG
Te Quiro
Fiksi RemajaBata pa lang sina Coleen at Pablo ay magkaibigan na ang mga ito hanggang sa kanilang paglaki. Ano ang gagawin mo kapag nalaman mong inlove sa iyo ang bestfriend mo? Kung sa simula pa lang ay kapatid lang ang turing mo sa kaniya. Handa ka bang isuko...