Chapter 8.
"Bakit ka napatawag?" seryosong tanong niya sa akin."Wala lang, na-miss lang kita."
"Psh. 'Wag ako Coleen," saad niya sa akin kaya napanguso naman ako.
"Ikaw, masyado kang ma-issue. Tinawagan ka lang, may problema na agad?" saad ko sa kaniya, na-i-imagine ko ang magkasalubong niyang kilay.
Sa tagal-tagal naming magkakilala ay kabisado ko na siya.
"Tsk, masyado kang halatado. Wala akong sinabing may problema ka, tinatanong ko kung bakit ka napatawag," mahabang sabi niya.
"Eh ano yung sinasabi mong 'wag ako Coleen?" saad ko na ginaya pa ang paraan ng kaniyang pagkakasabi.
Medyo nagulat ako nang pinatayan niya ako ng cellphone, sumobra naman 'ata iyon sa pagiging pikon, psh.
Inis kong inilapag ang cellphone ko sa aking nightstand at humiga sa aking kama ng may sama ng loob. Nakisabay pa si Pablo sa problema ko, tsk.
Akala ko pa naman magiging magaan na ang pakiramdam ko kahit papaano dahil may masasabihan na ako ng problema.
Napabuntong hininga ako at maya-maya ay kunot-noo akong napatingin sa bintana ng may narinig akong tunog. Ano iyon? Hindi ko na sana papansinin pero nanlaki ang mga mata ko pati 'ata butas ng mga ilong ko nanlaki na dahil sa sobrang gulat.
Nakita ko si Pablo na walang kahirap-hirap na umakyat sa bintana at suwabe pa itong tumalon upang tuluyang makapasok sa loob ng kuwarto ko.
Napatayo ako mula sa aking pagkakahiga dahil sa kaniyang ginawa.
"Sira ka! Anong ginagawa mo rito?" malakas na sigaw ko sa kaniya.
Sumenyas siya sa akin na manahimik kaya tumahimik naman ako. Ngumisi muna siya bago lumapit sa akin. Nang makalapit na ito sa akin ay agad ko siyang tinanong.
"Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ko sa kaniya dahil baka marinig kami nila mama at papi at baka iba pa isipin nila.
"Ayaw mo ba?" tanong niya sa akin na nakataas pa ang isang kilay.
"Psh, wala akong sinabi na pumunta ka rito," saad ko na bahagya pang umirap sa kaniya.
"Wala ka ngang sinabi pero gusto mo naman," mayabang na saad niya sa akin na may ngisi pa sa mga labi kaya lalo akong napairap sa kaniya.
'Ang yabang! Porket tama ang sinabi niya'
"Bakit hindi ka sa pintuan namin dumaan? Nagmukha ka tuloy'ng akyat-bahay," panglalait ko sa kaniya.
"Gwapong akyat bahay," mayabang na saad niya sa akin. "Tch, paniguradong hindi na ako papayagan ni tita," paliwanag niya sa akin.
"Eh paano kung nahulog ka at nabalian ng buto? Eh kung nagkataon wala ng manlilibre sa akin," inis na sabi ko sa kaniya, sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Wala namang nangyari diba?" inis ding saad niya sa akin.
"Masyado ka naman 'atang nag-alala sa akin?" nginisihan ko siya pero inirapan niya lang ako.
Humiga na lang ulit ako sa aking kama nang makaramdam ulit ako ng pagod. Hay, wala naman akong pinaggagawa pero bakit pagod na pagod ako.

BINABASA MO ANG
Te Quiro
Novela JuvenilBata pa lang sina Coleen at Pablo ay magkaibigan na ang mga ito hanggang sa kanilang paglaki. Ano ang gagawin mo kapag nalaman mong inlove sa iyo ang bestfriend mo? Kung sa simula pa lang ay kapatid lang ang turing mo sa kaniya. Handa ka bang isuko...