Chapter 5

161 14 0
                                    

Chapter 5 | Ali and his vision'

****

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ako ni Ai-ai na umalis at dalhin daw niya ako sa bahay nila. At nag kwento siya saakin about her family.

Ang mama daw niya ay nagtratrabaho bilang yaya sa palasyo at yung tatay naman daw niya ay nagtratrabaho bilang butler sa palasyo din. May kapatid siyang eight years old pa at silang lang dalawa so siya daw yung ate. At meron daw silang alaga na ladybug pero ang pangalan daw sakanila ay Lafįtūs hindi ladybug at pinangalan nilang Gaston yung alaga nila. Yung favorite color daw niya ay vilolet kaya daw puro violet yung gamit niya.

Halos lahat ng tungkol sa kanya ay kinuwento niya. Pero isang bagay lang ang nakakuha ng atensyon sakin kundi yung. Palasyo.

Ngayon ko nalaman na meron palang Palasyo dito at nag simula naman ang mga curiosity ko and I want to see that palace, the one she mention. Para kasing may kakaiba akong nararamdaman doon.

Tumigil muna ako sa paglakad at ganun din siya, takang napa tingin sakin.

"So, there are a Palace...here?" Tanong ko.

"Anong, su der ar a palas her?" I mentally roll my eyes, naklimutan ko palang mag tagalog but it was quite actually funny because of her accent sa pagaya sakin.

"Ibig kong sabihin ay, may palasyo pala dito." Kita ko naman ang pa tango tango niya.

"Ah yun pala ibig sabihin?" Napa Ah pa siya. "Nasabi ko na nga diba kanina merong Palasyo."

"Kung merong palasyo, meron ding Hari at reyna?"

"Alangin naman wala? Aanhin pa ang Palasyo kung wala namang hari at reyna? Syempre meron!" Ewan ko kung sarcastic ba yun o hindi e nagtatanong lang naman. At may point naman siya. Kung merong palasyo meron ngang hari at reyna ang bobo ko talaga.

"Pero balita ko pagkatapos na pinganak yung anak nila ay kinuha daw yung bata sa mama ng hari at dinala sa Human world kuno at sumunod naman yung hari para sana kunin yung bata pero hindi na ito muli bumalik, nakalipas ang taon sa kahihintay ng reyna ay nabalitaan niyang meron na itong bagong asawa doon kaya namuhay ng mag isa ang reyna sa palasyo pero pinahanap niya parin ang anak niya sa Human world pero ang nabalitaan niya na mas ikagulat samin," merong namuo na luha sa mata niya pero binawala lang niya iyon.

"Namatay daw yung mama ng hari at pagkatapos nun ay lumipas ang tatlong taon ay namatay naman yung hari. At nung gabi nun ay dun na nagsimulang nagalit ang reyna sa mga tao dahil mga demonyo daw sila at mamatay ng mga fairy at elf. Pero patuloy parin siya sa paghahanap ng anak niya kahit nahihirapan na siya at gustong gusto na daw niyang makita ang matagal niyang hinahanap na anak." Dagdag niya na ngayon may tumulo na luha sakanya.

Bakit parang familiar yung kwenento niya? Parang nasa Barbie movie ata? I think? Di ako sure. Pero yung sa part na namatay una yung mama ng hari bago yung hari ay parang si lola din at si papa. Ang nagkakaiba lang ay yung nawawalang anak at ako. Dahil ako na may may ina naman na ipanganak ako pero pinagsisihan naman. At yung bata na nawawala na ng matagal na mukhang ka edad ko na ngayon ay meron paring ina na naghahanap sakanya at gustong makasama.

"Ang lungkot naman nun." komento ko. Malungkot siguro yung bata ngayon dahil hindi niya nakita ang totoo niyang ina. O akala niya na yung ina na stepmother niya ay akala niyang siya ang totoo niyang ina. Tinatrato kaya siya ng mabuti sa stepmother niya? Dapat hindi siya magaya saakin na totoo na ngang anak pero hindi parin trinatro  na totoo. Dapat minahal siya sa Stepmother niya ngayon at kung meron man siya step-sister ngayon.

Lost In A Magical GardenWhere stories live. Discover now