Chapter 6

156 12 5
                                    

Chapter 6 | Wings
Sorry for typos and grammar😃

-

Pinihit ni Ai-ai ang door knob sa kusina at nauna siyang pumasok, sumunod naman ako. Pagpasok namin ay bungangad ang malinis na kusina at makintab na mga gamit. Meron silang malaking ref sa gilid at katabi nito ay isang water dispenser. Then stove na may oven at meron din silang lababo, katabi nito ay mga plato, kutsara at baso. Meron din silang heater at mga cabinet.

Pumunta si Ai-ai sa ref at may kinuha. Nilabas niya ang isang malaking strawberry at ipinatong sa breakfast table. Mangha kong tiningnan iyong strawberry. Hindi ko alam na meron palang strawberry dito samantalang saamin ay wala.

"Paanong nagka strawberry dito?" takang tanong ko at pinagmasdan siyang nag slice.

Nilingon naman niya ako at napa taas ng kilay. "Sa sakahan."

Farm?! Merong farm?

"Meron kayo nun?"

"Oo naman." sagot niya.

"How? I mean paano?"

Instead of answering she just shrugged. After she sliced, she gave me a plate with three strawberry slices on it. Yung pagka slice niya ay parang watermelon.

Pagkatpos niyang kumuha sakanya ay nilagay niya sa ref yung iba at lumabas na siya, sumunod na man ako at pumunta kami sa dining area at magkatabi kaming umupo.

"Gayon...Ikwento mo naman ako." sabi niya.

"Ano naman ang ikwento ko?" tanong ko at sumubo na, ganun din ang ginawa niya.

Nagkibit balikat naman siya. "Ewan ko," sandali siyang napaisip. "Ah! Siguro kung paano ka nakapunta dito."

"E, hindi ko nga alam pano ako nakapunta dito basta ang alam ko lang ay natulog lang ako sa harden namin ni lola at paggising ko ay nandito na ako." kwento ko pero hindi ko sinabi sakanya na tao ako baka i sumbong niya ako at makulong ako dito.

"Lola?" taka niyang tanong.

"Hmm."

"San naman siya ngayon?"

Malungkot akong ngumiti sa kanya. "Iniwan na niya ako."

"Bakit ka naman niya iniwan?" ang tagal talaga niyang ma gets ang sinabi ko. Slow din pala siya.

"Pumanaw na dahil matanda na siya..siguro hindi na din niya kinaya." agad naman siya napatakip sa bibig at may namuo na luha sa mata niya. Softhearted din?

"Paumanhin...hindi ko naintindihan agad." I know.

"Okay lang." nataranta ako ng makita kung nagsimula na siyang umiyak.

"Hoy ba't ka umiyak?" natatawa kong sambit.

"Nakakalungkot kasi...nang mawalan ka ng mahal sa buhay." malungkot niyang sabi at napasinghot na.

"At ang sakit din lalong lalo na't malapit kayo sa isa't isa. Ikaw ba, may nawalan ka ba?" mas lalong siyang umiyak na parang bata dahil sa tanong ko.

"O-oo, yung l-lolo at l-lola ko." utal niyang sabi dahil sa kasinghot singhot. Kaya pala mabilis umiyak toh nung kwinento ko si lola.

Parang naramdaman ko din yung lungkot niya. Of Course! Sino bang hindi maramdaman ng sakit at lungkot kung yung minahal mo sa buhay at malapit ay pumanaw na? Hindi ko naman pwedeng sabihin sakanya na okay lang dahil hindi naman talaga okay, and I felt the pain too. But I try to comfort her so she is going to tahan na.

"Shhh...Wag ka nang iiyak Ai-ai matalik na kaibigan ko. Alam kong palagi kang babantayan ng lola't lolo mo." pinunasan ko ang luha niya gamit ang hinlalaki ko. "Alam mo bang umiiyak din ako minsan pag na miss ko na si papa at lola. Kaya ang gagawin ko para hindi na ako iiyak ay kumakain ako ng sorbetes o di kaya gumawa."

Lost In A Magical GardenWhere stories live. Discover now