Chapter 9

115 12 5
                                    

Chapter 9 | si Tanda

**

Bumukas ang elevator at unang pumasok si Ai-ai, sumunod naman ako saktong pagsara ng elevator.

Imagine? Pati dito sa Mahikang garden may elevator? Paano kaya nila nagawa to? Ano kaya ang ginamit nila para makagawa ng mga elevator, oven, at ibp. At sabik na sabik na akong makakilala si Tanda. Nag simula na tuloy akong nag imagine kung ano ang mukha niya. Sobrang tanda na niya na siguro noh? At siya siguro ang pinaka matalino dito.

"Ai-ai." tawag ko nito, na busy sa dahon niya, gaya sa Espse? Espopsa? Basta sa cafeteria na kinain namin. Hanggagng ngayon padin niya sinabi sakin kung anong tawag. Alam ko namang may name iyan.

Bumaling naman siya sakin. "Bakit?"

"Paano niyo nagawa tong elevator nato? At sino ang gumawa?" tanong ko.

Ngumisi naman siya. "Si tanda. Lahat ng mga gamit naman dito na gumagana at gawa sa metal ay galing kang Tanda."

"Sobrang galing niya pala.." mangha kong sabi.

"Sobrang galing..sa kama din." aniya at humikgik na parang pati.

Ako namay parang nasusuka na. Pumapatol ba siya sa tanda? Ew, never kong ma imagine makipag ano sa matanda. Never!

"Kadiri mo!" inghal ko sa kanya. Tawang tawa lang sya sa reaksyon ko.

"Hindi kaya! Gusto mo bang maranasan?" sabi niya at maypa wiggle wiggle sa kilay.

Umaarte akong nasusuka. "Never!"

"Anong, neber?" tanong niya. Ako naman ay napatawa dahil sa pag pronounce niya sa never.

"Never kang nagmahal." asar ko sakanya, agad naman niya akong sinamaan. "Biro lang.  Ang ibig pong sabihin ng never ay hindi kailanman."

"Ah okay." tipid niyang sagot at bumalik sa pagpindot ng dahon niya.

Bakit ang busy niya? Ano kaya ang ginawa niya?

Dahan dahan akong humakbang palapit sakanya na hindi niya mapansin. Dahan dahan kong sumilip sa dahon niya at nakita kong may tinype siya at mabilis ang pagka type niya.

"Anong ginawa mo."

Napatalon naman siya at napahawak sa dibdib dahil sa gulat. "King!na!. Wag kangang mang gulat."

"Hindi naman kita ginulat ah!" sabi ko.

"Bakit ka kasi bigla ka nalang magsalita sa tenga ko! Kala ko ba naman si Tanda kana."

"Baka kamo hindi mo ako napansin na lumapit sayo dahil busy ka." sabi ko at ngapangiwi. "Ano ba kasi ang ginawa mo?"

Sumilip ako sa dahon niya pero agad niya itong nilayo. "Wala.. dun ka nga!" taboy niya sakin dahil pilit kong sumilip.

Napa nguso akong lumayo sa kanya. "Damot mo."

"May ginawa lang akong importante." sabi niya at bumalik na naman sa pagtipa.

Napairap nalang ako. Ano naman kayang importante iyan? Napailing nalang ako. Bahala siya diyan kung mag ano siya. I should mind my own business, not with others.

Napa isip ako. What happened kaya if dito na ako titira? Ano kaya ang mangyari dun sa bahay namin? Siguro masaya na sila dahil wala nang Polly sa bahay. Nag celebrate siguro ang mga Amkae. Pero tatagal ba ako dito? Or nag imagine lang siguro ako o this is just my dream? Hindi ko akalain na kwenento ni lola sakin noon ay nasa harapan ko na. Akala ko ang mga fairy at elf ay ang papangit gaya sa google na nakita ko pero mga gaganda pala at gwapo, wala kang masasabing pangit maski isa. At konti lang yung mataba rito pero maganda at gwapo pa din. Pati matatanda dito ay parang binata pa at dalaga.

Lost In A Magical GardenWhere stories live. Discover now