Chapter 15

30 3 0
                                    

Chapter 15: Reyna

—-

"Binibini, hindi pa po ba kayo gi-kapoy?"

Kanina pa kasi kami pa ikot-ikot, pero na amaze parin ako rito kaya naka-ilang ulit naakong nag-ikot. Hindi ko din alam bakit sila sunod ng sunod sakin kala mo naman mawawala ako rito e, alam ko naman na ang bawat sulok dito sa pinupuntahan ko.

I look Roland by my side with confuse on my face. "Anong gi-kapoy?"

Nagtaka ako kasi, pigil na tawa yung sa mga likod niya. Anong nakatawa?

"Baka kako yung accent mo binibini sa pag sabi nang, "Anong gi-kapoy?" pft." pati ata si Ronald natatawa na.

Ano naman meron doon? Hindi ko naman alam ang bisaya e, hindi ako sanay mag salita nun' so what's funny?

"Ahm ano po kasi yan, yung gi-kapoy kasi ay ano." sabi ng kasama ni Ronald kaso bigo naman pagka-explain. "Shuta pre, ano nga yung gi-kapoy? Di ko ma explain eh."

Napa tsk yung katabi niya. "Grabe kana pre, basta maganda talaga kaharap mo noh nawala na yung pag isip mo."

Dahil sa sinabi niya ay nag si-tawanan sila. Habang ako dito sa gedli nagtataka padin.

Humanda kayo matuto din akong mag bisaya.

"Ang ibig po kasing sabihin ng gi-kapoy binibini ay Napagod."

May madali naman pala eh, bakit sa mahirap pa.

Napatawa si Ronald. "Minsan kasi binibini ay napa halo namin yung tagalog at bisaya."

Teka nga, bakit ngayon ko lang na realize na nasagot nila yung mga tanong sa isipan ko?

Ngapala, may kakayahan pala sila maka basa. Paano ba kasi i-sara ang mga isipan, katakot naman mabasa may times kasing napa isip ako ng mga kababalaghan. eme.

"Maisara mo yang isipan mo kung marunong kang mag sara at kung alam mo paano mag-kontrol." malamig na sabi ni...

"Alkestchir."

Nasa kaliwa lang siya ni Ronald. Bakit ngayon ko lang siya nakita? Makatitig naman kaysing lamig ng ice, parang bato. Walang emosiyon. Teka sana sarado yung isipan ko lagot talaga ako ne'to.

Naalala ko tuloy si Alister sakanya.

Kakadal-dal siguro namin kanina kaya hindi ko siya napansin. Ang gwapo niya ha...

"Uy~ si binibini na popogihan kay Kestchir." Biglaang sabi ni Rolly.

Ano? Nabasa niya yun? So ibig sabihin nabasa din nang iba pati si Alkestchir?! what the...Kaya pala maka ngiti to'ng mga mokong parang nanalo sa loto. Eto naman si Kestchir hindi maka tingin sa direksiyon ko, pati din ako di maka tingin sakanya gagi hiyang hiya ako teh.

"Kestchir wag kang mag alala! Tutulungan ka namin paano man-ligaw!" sigaw sa may bandang likod nila Rolly at lahat sila nag tatawanan.

Teka bakit sila ganyan, sabi ko lang naman na pogi. Mang ligaw agad-agad? Tsaka grabe sila, hindi ko kaya nagustuhan yan. Hmp, ayoko talaga sa mga cold na tao. Nag compliment lang naman yung tao -_-.

"Sus binibini, diyan nag sisimula ang lahat, diba pre?" Siniko ni Ronald si Alkestchir.

"Tahimik ka nga Ronaldo!" Namumulang sita ni Kestchir.

"Wala nang denial!"

"Ligawan na!"

"Anakin na! Ay biro lang!"

"Walang pag-ibig habang buhay!"

Ano ba tong mga kolokong. Kung ano ano namang pinagsasabi iba naman gusto ko.

Lost In A Magical GardenWhere stories live. Discover now