Chapter 12

79 6 4
                                    

Chapter 12: Joining

**

Tumawa silang lahat na ipagtataka ko. Bakit, anong nangyari?

"Binibini, hindi po kami mga manyak kaya wag kang matakot." natatawang sabi ni... Aljon?

"Ang ibig sabihin po namin binibini ay pwede ka na pong masali sa grupo namin." said the green hair boy.

"Opo, at rumerespeto kaming mga lalaki sa mga binibini. Hindi kami basta basta lang manghilabot sa mga babae." paliwanag ni Drake.

(translation: humahawak.)

Napa hinga naman ako ng maluwag, akala ko panaman may binalak sila saakin. Mabuti pa dito, marunong rumespeto ang mga lalaki sa babae, pero dun sa mga human world or whatever puro mga manyak nga naman goshy . Pero teka- anong grupo ang tiutukoy nila? tapos anong manhihilabot kemeni?

"Kasi po binibini, gumawa kaming grupo na kayang mag salita ng iba't ibang lenggawahe. At saka po binibini kayo pa po ang unang nahanap namin na membro." sabi Alester kuno.

So ako pa ang kaunang unang membro ang nasali?

"Ganun nga binibini." nakangiting wika ni Aljon.

"Teka nga, paano niyo nalaman ang mga tanong ko e hindi ko naman sinabi?" gulat kong tanong. Ngayon ko lang na realize na hindi ko pala sinasabi sa kanila ang mga tanong na nasa isip ko.

"Duwende kami e, kaya may kakayahan kaming bumasa ng isip, maliban pag isinirado mo yung mga kaisipan mo."

Oo nga pala ba't ko pa yun nakalimutan.

"So ano na po binibini, sasali ka po ba or hindi?"

Napaisip naman ako. Sasali ba talaga ako or hindi? kung hindi ako sasali edi wala akong maging kaibigan dito at hindi ako makpag explore, tapos kung sasali man ako madami akong matutunan sakanila at maka pag explore pa ako plus madaming maging kaibigan! tamaa.

Napatango tango ako sa naisip ko at naopag desisyonan na.

"For the g ako." ngiting sabi ko. Kita ko naman yung takangtanong sa mukha nila. "I mean oo sasali ako."

Naghiyawan sila sa narinig kong sagot.

"Ayoooon oh!" komento ng isang lalaki.

"POLLY!"

Napalingon kaming lahat nang may sumigaw. Nakita ko si Ai-ai at si Patrick tumatakbo papunta sa direksiyon namin.

Teka oo nga noh may pupuntahan pala kami, ba't koba sila nakalimutan.

Hinahangal silang huminto sa harap namin, napa hawak pa sila sa tuhod. Tinignan ako ng masama ni Ai-ai. "I-ikaw talaga polly k-kung saan ka nalang mapadpad ka-kanina kapa namin hinahanap." hiningal na sabi niya. Pinagpawisan nadin sila.

Napa smile naman ako ng inosente. "Ano kasi...may nakita lang ako hihi."

Napa hawak naman si Patrick sa bewang niya. "Alam mo bang kanina kapa namin hinanap gagang ka?"

"Eto naman sorry na, may lumapit lang kasi sakin pinasali ako. Nasa likod ko sila oh." umalis ako sa harapan nila para ipakita sakanila yung mga kausap ko kanina.

Napanganga sila at napatulala. Oh pak nganga kayo noh?

"Hindi mo naman sinabi na may kasama ka pala." mahinang sabi ni Ai-ai at inayos ang sarili and in just snap maayos na yung mukha niya na kanina na sabog na sabog tapos etong si Patrick naman wala pang 4 seconds maayos na.

"Hindi mo naman sinabi inday na may mga yummers pala dito e." bulong ni Patrick na nakangiti na ng matamis.

Napabuntong hininga nalang ako at tumingin kina Aljon. "Ah guys, eto pala yung mga kasama ko, si Ai-ai at Patrick."

"Ah hi, Aireen nalang i tawag niyo." pa cute nasabi ni Ai-ai.

"Lexi nalang din itawag niyo sakin." pabebe ding sabi ni Patrick.

Napa roll eyes nalang ako dahil sa mga galawan nila.

"Na pano kayo?"

Nakipag titigan sakin si Pat na parang sinasabi na huwag munang umepal. Ay edi okey.

"So boys~ san kayo?" Tanong ni Pat.

At dun na sila nagsimula ang usapan hanggang hindi kona ma gets yung mga pinagsinasabi nila pero hinayaan ko nalang.

Umupo nalang ako sa tabi at hinayaan silang mag usap usap. Ke galing din nila noh.

After 1 years later. Natapos nadin sila mag usap at nag si alisan na yung mga lalaki at kumakaway pa sakin.

Tumayo na ako at pinagpag yung sarili. "Buti naman tapos na kayo, kala ko mag hintay paako ng limang oras."

"OMG ang sarap nilang kausap!" sabi ni Ai-ai na ngayon ay kilig na kilig yung mukha.

"Oo nga tapos ang mga hotty pie pa!" tili naman ni Pat. Napairap nama ako dahil sa landi nila.

"Hay naku kayo wala padin kayong pag asa dun, kaya tara na at mag hanap ng crema." sabi ko. Napasimangot naman sila pero nauna naakong nag lakad.

Noong una akala ko talaga lalaki si Pat yun pala beke, kaya ayon hindi ko na siya crush.

Teka san ba ang daan.

"Huy Polly una ka ng una di'yan di mo naman alam yung daan!" sigaw ni Ai-ai.

Kaya hinintay ko nalang sila na lumapit papunta dito sakin.

"Gagang toh baka mawala ka naman ulit! Wait ka lang kasey samin." boses na babae talaga tong si Pat.

"Oo na po, baka bilisan niyo din ano. Mag gabi nalang hindi padin tayo naka gawa ng sorbetes."

"Oh siya tara na, dito kasi ba't ka diyan sa kaliwa e sa kanan naman." sabi ni Pat kay Ai. Nasa likod lang ako nila habang sinusundan sila pero etong dalawa nag aaway nanaman.

"Ha? Anong kanan e diba sa kaliwa yun?" sabi ni Ai at napakamot pa sa ulo.

"Sa kanan yun gaga! ayan naman yung memorya mo na mahina."

"Tsk mahina ka diyan, e ang tilis nga ng memorya ko e. Natandaan ko panga yung bata ka pa na tumatae ka sa--" hindi na natuloy yung sinabi ni Ai dahil tinakpan agad ni Patrick yung bibig niya at namumulang lumingon sakin. Hiyang hiya si madam naks.

"Gaga ne'to sinabi pa talaga tss," hiyang sabi ni Pat. "Oo na sa kaliwa na tayo, at kapag mawala tayo ikaw talaga ang may kasalanan."

Inalis ni Ai yung kamay ni Pat na nasa bibig niya. "Sus ako pa? Tignan mo makahanap din tayo ng crema."

Now I'm starting to scared, baka mamaya mawawala talaga kami tas marating kami sa mga witch. Pero wala naman atang witch dito noh? Wala yan.

Tinignan ko yung sunset at malapit ng gagabi. Pero infairness ang ganda ng kulay may orange na mix with pink! Ang sarap panoodin, nakakarelax.

"Huy inday diyan kanalang ba at manood ng habang buhay?"

Napa lingon ako kay Ai nang nasa malayo na pala sila kaya dali dali akong tumakbo papunta sa kanila. "Eto na nga susunod na po."

"Hay naku inday ganahan gayod ka ug sunset noh?" komento ni Pat.

(Hay naku inday gusto mo talaga ng sunset noh?)

"Ha?" napa ha ako pano kasi hindi ko gets T^T.

"Hakdog."


**

Sprry for grammatically errors and wrong typo! Short Ud again:>>

Lost In A Magical GardenWhere stories live. Discover now