Wakas

0 0 0
                                    

When I love someone, I value them. I made efforts and I will support her no matter what. Ang pinagsisishan ko lang, hindi ko sagad na naparamdam 'yung love. May kulang sa nabigay ko. Hindi sapat ang pinakita ko. Akala ko kasi may time pa para sa ibang love language ko. Akala ko may oras pa akong na puwedeng mabigay sa kaniya kaya hindi ko sinulit.



I stayed. Bumalik ako sa Manila para balikan si Son. I was hoping na maiuuwi ko siya sa pagkakataon na 'to. Son said she will just take the opportunity, pero hindi niya sinabi na for good, so I see hope.





"Ang dami mo nang name-meet na artista at mga kilala," nangingiti kong puna sa kaniya nang maabutan ko siya. Hindi na siya sa mansyon nag-stay dahil mayroong condo kasama ang price na natanggap niya.



"Ang saya nga eh," parang awkward pang sagot ni Son sa akin. Nasaktan ako ron pero pinilit kong itago. Ilang buwan pa lang pero ang layo na namin sa isa't isa.



"Ang tagal mo nang wala, Son." Agad siyang napaiwas ng tingin. "Nag-aaral na ngayon si Yaya, hindi mo ba siya miss? Tinatanong ka rin ni Aling Sonya sa akin pero hindi ko rin naman alam sasabihin ko." Natawa pa ako. "Uwi na tayo?"



"Pero, Pluma...."



"Mas gusto mo na talaga rito?" Dahan-dahan, unti-unti siyang tumango. "Ayaw mo na nang umuwi kasama ko?"



Napalabi siya at hinawakan ang kamay ko. "Samahan mo 'ko rito, Pluma."





Umasa ako na magbabago pa ang isip niya. Umasa akong uuwi ako sa hacienda kasama na siya. Kaya nag-stay ako... para pagbigyan siya.





"Pluma naman, dito na lang tayo."



"Doon ang buhay mo, Son. Doon ang bahay mo. Naroon ang pamilya mo... Nandoon ako. Umuwi na tayo, please?"



Umiling si Son at may luhang tumakas sa mga mata niya. "Nandito na ang buhay ko, Pluma. Akala ko ba sasamahan mo ako?"



Malungkot akong napangiti sa kaniya. "Gusto kitang iuwi, Son. Sinamahan kita hindi para mag-stay tayo rito. Uuwi tayo... umuwi na tayo."



"Ayoko...."





Tulad lang din nung una niya akong tinanggihan.





"Pluma?" Napatigil ako sa pagkuha ng mga gamit ko.



"Bakit hindi ka pa naghahanda?" kunot noo kong tanong. Nakita ko pang napalabi siya kaya binaba ko muna ang mga bag ko.



"Ayoko pang umuwi..." Nagulat ako sa narinig ko. "Ano... ang dami kasing offer na guesting sa akin ngayon. Nanghihinayang naman ako."



"Napag-usapan na natin 'to ah?" nagtataka ko pang tanong.



Yumuko siya at iniwasan ang tingin ko. "Ikaw na lang muna ang umuwi, Pluma. Ayoko pa talaga."



Natawa ako at napailing. "Bakit?" Hindi siya agad sumagot. "Bakit, Son?"



"Gusto ko rito. Gusto ko magtagal. Gusto ko pang maging successful... dito."



"Nangako akong uuwi tayo, Son," halos nagmamakaawa ko nang sabi. Hindi ko nagugustuhan ang nangyayari.



"Ayoko, Pluma."



"Senyorito, nandito na si Castor, inaantay na po kayo ni Senyora."





I stayed and waited for her. Kahit nang bumalik muli ako sa hacienda mag-isa, nag-iintay ako. Naghintay ako sa kaniya. But I realized, maybe it was not meant for me to stay? Kasi kahit noong panahong makasama kami, hindi ko na rin siya maramdaman. Hindi ko na makita 'yung Son na nagustuhan ko. The person who used to be my inspiration was now the person who caused me pain.

EclipseWhere stories live. Discover now