0

580 22 17
                                    

Mataas at matayog na metal gate, at ang pakorbang sulat sa itaas na Brawny University. Sementadong lupa kapag ika'y papasok sa unibersidad na ito at ang unang-una mong makikita ay ang malaking ground.

Tahimik ang buong paaralan, lahat ng mga estudyante ay nasa kani-kanilang silid-aralan. Pero si Zarden ay kasalukuyang umaakyat sa hindi kataasang sementadong pader dahil under contruction pa ito.

Hindi naman siya nahirapang umakyat sa pader dahil may bag nga siya.. wala namang laman. Nagmumukha siyang spy pero slow version.

Siya si Zarden Darwell, lumaki sa mayamang pamilya, ang papa niya ay isang successful businessman habang ang kaniyang mama naman ay isang famous model sa New York. Nakatira siya sa maganda at malaking bahay, may mamahaling mga gamit at apat na sasakyan, pero.. hindi pa rin siya kuntento, hindi dahil sa kung anong mayro'n siya, kun'di sa kung anong pamilya na mayro'n siya.

Divorced na ang parents niya pero may koneksyon pa rin sa kaniya at sa isa't-isa. Minsan nga ay sabay na kumakain at nag-uusap pero hanggang do'n lang, wala na ang tawanan, nagbago na.

Mayroon na siya halos lahat pero ang magkaroon ng permanente at kompleto na pamilya ay wala.

For him.. his life sucks.

Konting tiis nalang ay makakalabas na sana siya ng Brawny University pero..

"HOY! ANONG GINAGAWA MO?!"

Walang pag aalinlangang tumalon si Zarden papuntang kabila kung saan naghihintay ang barkada niya na nakasakay sa sasakyan, galing din sila sa ibang university at planong mag-cutting classes.

Sa hindi inaasahan, pagtalon ni Zarden ay tumama pa talaga ang paa niya sa hindi kalakihang bato na dahilan ng pagtumba niya.

"Sh*t!"

"Bro! Bilisan mo! The guards are coming!" Iritableng sigaw ng isa sa barkada ni Zarden.

"Wag ka ngang uupo lang d'yan, bro! Malayo yan sa bituka, lets go!"

Tumingin si Zarden sa mga barkada niya na naiinis dahil sa tagal, hindi siya makatayo dahil sa sprain. Nilingon niya ang mga guards na tumatakbo palapit sa kaniya, pilit siyang tumayo at nagawa niya rin, Malapit na sana siya sa sasakyan pero biglang pinaharurot ng nagmamaneho.

"Sorry bro! Next time nalang!" Sigaw pa nito habang kinaway-kaway ang kamay sa labas ng bintana hanggang palayo ito nang palayo.

"Hey!---" pero hindi natuloy ni Zarden ang sasabihin niya nang may humawak sa dalawang balikat niya. "Fvck." Bulong niya sa sarili nang mapagtanto kung sino iyon.

"Oh ano.. mag-cacutting classes ka?"

"Is it not obvious?" pilosopo niyang sagot.

"Tsk tsk, iniwan ka na nila kaya kami na ang kasama mo, halika sa office!"

Irksome morning for Zarden.

°°°°°°°

Room 24: Section A

"Okay class in three.. two.. one.. pass the papers."

'Teka lang ma'am!'

'Pass na!'

'Plus ten seconds pa ma'am!'

Napuno ng reklamo at ang iba naman ay naiinis dahil sa tagal magpasa ng iba dahil ang iba'y hindi pa nakatapos.

Malaki at malinis na silid-aralan, rustic gray na sahig, puting pader, may white board at malinis na kisame. Sa likuran naman ay may cabinet na para sa mga libro at ang bintana nilang sliding window.

Taste of Friendship [ON GOING]Where stories live. Discover now