1

332 18 3
                                    

Mag isa akong nakaupo sa isang table ng cafeteria habang inuum-om itong pagkain, dahil sa pagiging bored ay tiningnan ko ang mga pocket ng ibang dumadaan. Kulay blue na logo sa akin habang may nakita akong green, red, yellow, tsaka orange.

Oo nga pala nalimutan kong sabihin sa inyo na nahahati ang bawat Section sa limang kategorya. Section A E I O U.

Opo.. vowel letters.. hihi.

Sa section A, gaya ng palaging nababasa niyo o napapanood ay mas taas o mas maalam sila, at nandito rin ang mga may kaya sa buhay.

Sa Section E tsaka I mejo hawig naman sila pero may pagkamalikot lang ang Section I at sa average din nagbabase, may mga mayayaman din na andoon

Opo.. kahit saan nakakalat ang mayayaman.

Panghuli ay ang Section O at U, sa Section U nilalagay ang mga bully, mga nasobrahan sa record sa office, sila ang hindi na binibigyang chance na mapunta sa section A, I, at E. 

Habang sa Section 0 naman ay mga hindi nakapagtapos o balik bayan at binigyan ng chance kasi nga.. mayaman.

Oo nga pala, Vice president ako ng Section A, ewan ko nga kung bakit ako ang ginawa nilang Vice, pwede namang Presi—sabi ko nga joke lang.

Hindi ko maiwasang hindi mailang dahil parang ako lang ang kumakain na walang kasama, pero di bale na, nasanay naman ako.

"Hoy ikaw.. oo ikaw.. tumingin ka sa aking mga mata.."

Natigil ako sa pagkain nang may magsalita sa likuran ko, ako ba tinatawag niya?

Ako ba?

"Binibini.. tumingin ka.." 

Ha? Ako ba talaga?

Ewan ko, basta!

Lumingon ako sa likuran kung saan may tatlong estudyante ang nakaupo, "Bakit po?"

Napatingin ang isang lalakeng nakasuot ng eyeglasses at may hawak na papel. May dalawa siyang babaeng katabi at may hawak ding papel.

"Huh?" Sabay na sabi ng tatlo.

Anong huh? Sabi niya tumingin daw ako.

"Sabi mo, tingnan kita?" 

Nagtinginan silang tatlo, ilang segundo lang ay tumikhim iyong lalake at tiningnan ako, "Ah, actually miss, nagpapractice kami sa isang drama.

D-Drama?? Drama.

Natauhan ako nang marinig ang mahinang pagtawa ng dalawang babae.

"Hihi, s-sorry." Nginitian ko sila at hinay hinay na tumalikod.

Ogags talagaaaa! Nakakahiyaaa! Gusto kong lamunin nalang ako ng higante!

Ilang minuto lang ay tumahimik na ang nasa likuran ko. Huminga ako ng malalim, hays salamat nawala na sila, grabe... grabe ang kahihiyang ginawa ko.

"Hi?"

Halos humiwalay ang kaluluwa ko nang may magsalita sa harap ko. Teka..? Siya 'yong naka-eyeglasses.

"H-Hello.." kahit hiyang-hiya ako ay ngumiti ako sa kaniya.

"Can I sit here?" Sabay turo niya sa katapat kong upuan.

"S-Sure! Pwedeng-pwede!"

Nang makaupo na siya ay saglit kong ikinagulat nang inabot niya ang isa niyang kamay, "Gael Astor, you"

Wait, wait, wait! Makikipagfriends ba siya?

"Naja Blair!" Walang pag-aalinlangan kong inabot ang aking kamay at gaya ng palaging gawi, ngumiti ako sa kaniya.

END OF POV.

°°°°°°°°

Siya si Gael Astor, Section E student, ay suot na eyeglasses at madaling malapitan na tao, kilalang nagtatrabaho sa politika ang mga magulang niya, tahimik lang si Gael pero kilalanh famous din siya sa campus.

Nang humapon ay uwian na rin, isa sa cleaners ngayon si Naja kaya medyo natagalan ang paglabas niya.

Habang naglalakad siya sa hagdanan ng building ay napahinto siya nang makarinig ng tawanan sa may c.r ng mga lalake.

Base sa tawa nito ay tila may inaapi sila. Pinagwalang pansin na lamang ito ni Naja at maglalakad sana paalis pero tila hinihila siya pabalik ng kaniyang konsensya.

Hindi niya kayang umalis na may inaapi.

Napabuntong hininga si Naja bago harapin ang mga kalalakihan na iyon. Sa loob ng c.r ay apat na lalake ang pinapalibutin ang isang lalakeng walang nagawa kun'di yumuko lamang, marumi na ang uniform niya at tila basa ito.

"Mukha ka na niyang pinaliliguan na baboy!"

"HAHAHAHAH"

Napapikit si Naja sa inis nang marinig iyon.

Kinuha ni Naja ang isang balde ng tubig at walang pasabing tinapon ito sa apat na lalake.

"P*tangina!" Napamura ang isa sa kanila at galit na lumingon kay Naja.

Napatulon ng laway si Naja nang mapagtantong hindi niya kaya ang apat at balde lang ang dala niya.

Galit na hinawi ng tila leader nila ang nabasa nitong mukha.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?" Inangat ng lalake ang kaniyang kamay na ang tatlo namang kaagad na lumapit kay Naja at hinila ang mga braso niya para pumasok sa loob at ni-lock ng isa sa kanila ang pinto.

"Ang sabi ko.. ano sa tingin mo ginagawa mo?" Napakati pa ito sa mukha habang hinihintay ang sagot ni Naja.

"S-Siya," tinuro ni Naja ang lalakeng nakayuko sa gilid. "Kukunin ko siya mula sa inyo." Taas noong saad ni Naja.

Tumingin ang lalake sa mga kasamahan niya, "Narinig niyo 'yun?" Sabay tawa niya. Yumuko ng kaunti ang lalake at ngayo'y magkasingtangkad na sila ni Naja. "Gusto mo ba gayahin ka namin sa kaniya?"

Tumingin si Naja sa lalakeng nanatiling natatakot sa gilid at umiling-iling itonh tumingin kay Naja. "Umalis ka nalang.." bulong ng lalakeng nanginginig sa gilid.

Tumango-tango si Naja, "Sige, aalis ako pero bago iyon.. isasapak ko muna itong balde sa ulo mo!" Akmang isasapak na sana ni Naja ang balde sa ulo ng lalakenh kaharap niya nang isang malakas na pagbukas ng pinto sa isang cubicle ang umagaw sa atensyon ng lahat.

"All of you are too loud."

Napalingon ang lahat sa lalakeng lumabas sa isang cubicle.

Napalaki ang mata ng lalakeng kaharap ni Naja at ganoon din ang tatlo niya pang kasama.

"Zarden?"

Nagulat din si Naja nang mamukhaan siya. "Mr. Damwell..?"

Taste of Friendship [ON GOING]Where stories live. Discover now