10

71 10 0
                                    

"Pasok kayo." sabay bukas ni Flynn sa glass door ng kanilang restaurant. 

Bumungad sa kanilang anim ang magandang musika at mababangong amoy ng mga pagkain. 

"Nakakahiya yata, Flynn.. mukhang mamahalin.." bulong ni Naja kay Flynn.

"Oh, nandito na kayo! Mabuti naman!" Isang babae na nay suot na apron ang bumungad sa kanila. 

Lumapit doon si Flynn at nagmano, at pagkatapos ay humarap siya sa kanilang lima, "Mama ko nga pala," pagpapakilala ni Flynn sa mama niya. 

"Hello po!" naunang lumapit si Naja para magmano, sumunod din si Avabella, tapos si Gael at Archer at panghuli si Zarden. 

"Naku.. ang gaganda at pogi naman ng mga kaibigan mo, Flynn! Oh, sige! Umupo na kayo at ihahanda ko na ang mga makakain!" 

"WOW!"

"SARAP.."

"ANG BANGO.." 

"HMM!"

"Kumain na kayo! May dessert pa kaya i-ready ninyo ang mga tiyan ninyo!" 

"SALAMAT PO!" sabay na pagpapasalamat nilang anim. 

Nagsimula na silang kumain, nasa iisang lamesa lamang sila, magkatabi sina Gael, Naja at Flynn habang kaharap naman nila sina Avabella, Zarden at Archer. 

"Oh eto, tikman mo," sabay na sinubuan ni Gael si Avabella, "masarap?" 

"Hmm! Masarap!" 

Nagkatinginan sina Flynn at Naja at kinilig na naman kina Avabella at Gael. 

"Both of you look good together," ani Archer habang nakangiting nakatingin sa dalawang nasa gilid. 

"Hm?" napalingon si Avabella habang puno ang bibig niya.

Napangiti naman si Gael sa sinabi ni Archer.


Masaya lamang silang kumakain.

"Guys, may sasabihin ako." ani Gael.

"Ano 'yun?" sabay lamon ni Naja.

"Naranasan niyo na rin bang ma-trap doon sa 2nd floor storage room? Kami kasi ni Avabella—oh! Naja! Are you okay?" 

Hindi natuloy ang tanong ni Gael nang biglang mabilaukan si Naja sa kinakain niya. 

"Okay ka lang, Naj?" nag-aalalang inabot ni Avabella ang tubig. 

"O-Okay lang ako.." kaagad na uminom ng tubig si Naja at naging mabuti na rin siya. 

"What is it again, Gael?" tanong ni Zarden sabay subo sa pagkain. 

"Sa storage room sa 2nd floor, no'ng isang araw kasi ay na-lock kami roon ni Avabella, nakakapagtaka kasi hindi ko naman 'yun ni-lock." 

"Oo.. tapos maya-maya nabuksan namin, bakit kaya?"

"Really? Then we're same, na-lock din ako sa isang stock room together with—"

"MULTO!" 

Hindi natuloy ni Zarden ang kaniyang sasabihin nang biglang sumapaw ng sigaw si Naja. Nabaling nilang lahat ang atensyon kay Naja.

"Baka multo 'yon! Oo multo 'yon!" pag-uulit niya habang matulis ang tingin kay Zarden. 

Naiiling na natatawa si Zarden dahil alam niyang hindi iyon multo dahil si Naja ang nag-lock sa kanila noong hapon na iyon. 

"Or maybe.. somebody intentionally—"

Nagulat ang lahat nang biglang sinubuan ni Naja si Zarden ng siopao. 

Taste of Friendship [ON GOING]Where stories live. Discover now