8

72 13 2
                                    

Nang marating ni Zarden ang bahay nila ay tumulala muna siya sa loob ng kaniyang sasakyan, nang makapag-isip ay bumaba na rin siya. 

Pagpasok niya sa loob ng bahay ay naabutan niyang naglilinis ang ibang kasambahay at may ibang naghahanda ng makakain. 

Umakyat siya sa hagdan papunta sa kaniyang kwarto pero napahinto siya nang maabutang bukas ang pinto at maririnig mula sa loob ang boses ng dalawang kapatid niya sa ina na sina Austin at Vince.

Buntong hininga na pumasok doon si Zarden at walang emosyon na tinitigan ang dalawang bata. 

Nagulat at natakot ang dalawang batang lalake habang pinaglalaruan ang mga nakadisplay na toy cars sa kwarto ni Zarden. 

"Kapag hindi kayo umalis pagbilang ko ng tatlo.." 

Hindi pa nakabilang si Zarden ay sumisigaw na tumakbo palabas ang dalawang bata kaya kaagad na ni-lock ni Zarden ang pinto. 

Tinapon niya ang kaniyang bag sa sahig at dumiretso sa banyo para maligo. Lumabas siya ng kwarto nang matapos na siyang maligo, bumaba siya at pumunta sa salas kung saan nakahanda na ang mga pagkain, nakaupo na rin ang dalawang bata. 

"Where's mom?" tanong ni Zarden sa isang kasambahay. 

"Ma-l-late po siya ng uwi dahil nagkaproblema raw po sa opisina, mauna nalang po raw kayong kumain." sagot ng kasambahay. 

Umupo na rin si Zarden, malayo ang agwat niya sa dalawang bata. Tahimik na kumakain si Zarden habang tawanan naman ang naganap sa dalawang kapatid. 

Nang matapos nang kumain si Zarden ay hindi pa rin nakakalahati sina Austin at Vince. 

"Yaya," tinawag ni Zarden ang dalawang yaya na malapit doon. 

"Ano po 'yun, sir?" 

"Pakibantay sina Austin at Vince," nang sabihin iyon ni Zarden ay sabay na napatingin ang dalawang bata sa kaniya, "at kapag hindi sila kumain, isumbong mo sa 'kin." 

Kaagad na hinawakan ng dalawang bata ang kani-kanilang kutsara. 

Umalis si Zarden sa salas at bumalik sa kwarto. Mula sa bulsa ng kaniyang pants ay kinuha niya ang kahon ng sigarilyo, tinago ito sa damit niya at muling bumaba. 

Lumabas siya ng bahay at naabutang binubuhat ng isang kasambahay ang mga basura upang ilagay sa labas kung saan kukunin ng mga basurero kinabukasan.

"Ako na," kinuha ni Zarden mula sa kamay ng kasambahay ang basura at siya na ang naglabas non, isinama niya ring tinapon doon ang kahon ng sigarilyo at muli siyang pumasok nang matapon na ito.

°°°°°

NAJA'S POINT OF VIEW

"Hello, lola!" sabay kaway ko sa screen, gusto ko siyang makita at kumustahin kaya nakipag video call ako. 

[Apo ko.. ikaw ba 'yan?"] Inilayo ng kaunti ni lola ang phone sa mukha niya. 

"Opo, ang apo niyong si Naja ito!" muli akong kumaway at siya namang napangiti at kumaway din. 

["Tinuruan ako ni Elen kung paano 'to gamitin."] 

Mula sa screen ay sumulyap doon si Ate Elen, anak sa kapatid ng mama ko.

["Hi, Naj! Musta ka riyan?"] 

"Okay naman ako rito, te. Tingnan ninyo, teka lang ha.." tumayo ako sa pagkakaupo at binuksan ang bintana, pinakita ko sa kanila ang mga city lights na nag-iilawan. 

["Wow.. ganda naman diyan! Oo nga pala 'yung niluluto ko!"]

["Ayan kasi sumisilip ka pa!"] 

Natawa nalang ako at na-miss ang probinsiya. Nawala na sa screen si Ate Elen at naiwan si lola.

["Kumusta ka riyan, apo ko?"] 

"Okay naman ako, lola. Kayo po? Iniinom niyo naman po ba 'yung gamot ninyo?" muli kong sinirado ang bintana at bumalik sa pagkakaupo sa aking mesa. 

["Syempre naman, apo. Salamat sa pagpapadala ha.."] 

"Wala po 'yun, la." 

["Kumusta naman ang pag-aaral mo riyan? Hindi ka ba nahihirapan sa mga guro at kaklase mo? Wala bang nang-aaway sa 'yo? Kung meron isumbong mo sa 'kin."]

"Wala naman po, mababait naman." 

["Ganoon ba.. oo nga pala, binisita namin kahapon ang mama at papa mo, sayang wala ka."] 

"'Wag po kayong mag-alala, baka pagbalik ko, mabibisita ko ulit sila."

["Oh siya, alam kong may gagawin ka pa, at tsaka gabi na apo ko.. matulog ka na."] 

"Wala po bang goodbye kiss?" 

["Sus..! Oh heto.."] Napangiti ako nang mag-sign language si lola ng ❌I love you. 

Nag-sign language din ako, "I love you too, la.." 

Tumahimik na ang buong kwarto nang natapos na ang tawag. Humiga na ako sa kama at matutulog na sana nang may nag-text sa phone ko. 

Doc Agustos

Don't forget your appointment tomorrow at 10. I also have some goodnews for you.

Taste of Friendship [ON GOING]Where stories live. Discover now