Pagod na dala-dala ni Naja ang mga materials na galing sa natapos na nilang presentation sa isang subject. Nagring ang kaniyang phone kaya nahihirapan siyang kunin ito sa bulsa niya dahil may hawak ang dalawang kamay niya at sa hindi inaasahan, may nabangga siya sa harap niya na dahilan ng pagkahulog ng mga gamit.
"Oh, I'm so sorry," kaagad na yumuko ang nabangga niya at isa-isang pinulot ang mga gamit.
Kunot noong napayuko si Naja nang mamukhaan ang porma at boses nito.
"Archer?"
Humangad ang lalake at tama nga siya, si Archer iyon.
Magkaklase sina Archer at Naja pero minsan lamang sila nagkikita dahil palaging may training sa basketball si Archer.
"Ikaw pala 'yan, Naj!" Pangiting bati ni Archer bago muling binaling ang tingin sa mga nahulog na gamit. Habang si Naja ay namumulang nakatayo habang pinagmasdan lamang si Archer.
"I am sorry, Naja." Tumayo na si Archer hawak-hawak ang mga gamit.
"A-Ah, hindi.. ako dapat magsorry kasi ako ang bumangga." Giit naman ni Naja.
Umiling naman si Archer, "No, I am the one who bumped you, I am so sorry.."
"Hindi.. ako talaga ang may kasalanan."
"No, it's my fault."
"Hindi sa'yo, ako talaga."
"No.. it's really my fault—"
"Don't you have any pride?"
Sabay na napatingin sina Naja at Archer sa gilid nila nang may biglang sumulpot.
"O-Oh, Zarden."
Nakapokus ang tingin nito sa cellphone habang ang isang kamay ay nasa bulsa. Nang tumahimik ay hinangad niya ang kaniyang ulo at tiningnan silang dalawa.
"Did I interrupt?"
Pangiting umiling naman si Archer, "Hindi naman." Habang si Naja ay pasikretong ngumuso, "Tinanong mo pa.." bulong nito sa sarili.
"Are you saying something?" Tanong ni Zarden habang na kay Naja ang tingin.
Pilit namang ngumiti si Naja at umiling, "Wala naman.."
Kunot noong pinagmasdan ni Archer ang dalawa, "Do you know each other?"
Naalarma si Naja sa naging tanong ni Archer kaya't kaagad na umiling si Naja.
"Yes." Zarden answered.
Bagsak balikat ang nagawa ni Naja at matamlay na tiningnan si Zarden na si Zarden namang nagtaas kilay lang na tumingin sa kaniya.
"Ahh.. so you know each other.." si Archer na lamang ang umintindi sa dalawa.
Zarden looked at Archer, "So, you're not going home yet?" he asked.
Sa kabilang banda ay nakuha na rin ni Naja ang phone niya sa bulsa, missed call ito mula sa lola niya sa probinsya. "Tatawagan ko nalang siya mamaya pag-uwi." Bulong ni Naja sa sarili habang nagtitipa ng itetext sa lola niya.
"I'll take Naja home first. She can't go with this things alone." Sagot ni Archer.
Muntikan nang mabitawan ni Naja ang hawak niyang phone nang marinig ang sagot ni Archer, biglaang lumakas ang tibok ng puso niya at sino ba namang hindi?? Ihahatid siya ng kaniyang crush sa bahay niya!
Sa loob ng sasakyan ay tahimik lamang si Naja kahit sa kaloob-looban ay gusto niya nang sumigaw sa kilig.
"I saw you and your groups' presentation, it's nice." Archer complimented, breaking the silence.
YOU ARE READING
Taste of Friendship [ON GOING]
Teen FictionNaja Blair, a typical highschool girl didn't expect meeting strangers that became a friend. Join Naja and her friends as they face struggles in life and how they cope it together not just an individual but as a group.. a friendship.