Naglalakad papunta sa bus stop si Naja dahil doon siya sumasakay at humihinto ito sa susunod na bus stop at doon siya bumababa, malapit lang din naman ang tinitirahan niyang apartment sa bus stop kaya't lalakarin niya na lang ito.
Sa hindi kalayuan ay nakakuha ng atensyon ni Naja ang isang babae na may kapareho niyang uniform, pinapalo ito ng sa tingin ni Naja ay nanay ng babae.
"Aray! Totoo nga sinasabi ko, ma!"
"'Wag mo 'kong lokohin! Talagang hindi ka pumasok!"
"Wala nga kaming pasok, ma! Aray!"
Akmang sasapakin ulit ng hawak na hanger ang babae nang sumulpot si Naja sa harap nila.
Napatingin sila kay Naja na nakangiting sumulpot. "H-Hello po."
Hinimas-himas ng babae ang braso niyang nasapak sa hanger ng kaniyang mama. Tumingin si Naja sa babaeng iyon at siniko ito, napatingin naman ang babae sa kaniya na walang ideya kung bakit siya siniko ni Naja.
"A-Ah.. totoo po sinasabi ng anak ninyo, w-wala po kaming pasok." Gawa-gawang rason lamang iyon ni Naja upang pagtakpan ang babae na namumula na ang braso dahil sa hanger.
Kunot noong tumingin ang babae kay Naja at kaagad na pinaglakihan ng mata ni Naja ang babae dahil hindi ito sumasabay sa kaniya. Tila nag-uusap na ang dalawa gamit ang kanilang mga mata at ilang segundo lang ay naintindihan din ito ng babae.
"Sabi ko sa'yo ma! Wala talaga kaming pasok!" Inakbayan ng babae si Naja, "Hatid ko muna siya, ma. Malapit lang naman bahay niya. Bye!" Hindi na hinintay ng babae ang sasabihin ng kaniyang mama dahil naglakad ito paalis akbay-akbay si Naja.
Nang makalayo ay ganoon na lamang ang kaba nang dalawa dahil nakalusot din sila.
"Salamat do'n ha. Grabe.."
Pinagkrus ni Naja ang dalawa niyang braso at tumingin sa pocket ng babae, base sa kulay nito ay Section I siya. "Hindi ka ba talaga pumasok?" Tanong ni Naja.
Napakati sa ulo ang babae at tumango, "May promo kasi ngayon sa nilalaro kong online game, sayang naman kung hindi ko makuha." Pagrarason ng babae.
Napailing nalang si Naja.
"By the way, Avabella." Inabot ng babaeng nagngangalang Avabella ang kamay niya habang abot tainga ang ngiti.
Ganoon din ang galak na inabot ni Naja ang kamay niya, "Naja, nice meeting you!"
Siya si Avabella Cruz, Section I, isang online gamer, bunso siya sa apat na magkakapatid, housewife ang kaniyang mama at nasa saudi naman nagtatrabaho ang kaniyang papa.
Pabagsak na humiga sa kama si Naja dahil sa napakaraming pangyayaring naganap sa araw niya ngayon.
Hindi niya rin inakalang marami siyang nakilala sa hindi inaasahang pagkakataon pero may parte sa kaniya na naulungkot sa kahihinatnan nito.
°°°°°°
Kinabukasan ay maagang gumising si Naja para sa panibagong araw, maglalakad ulit siya papuntang bus stop at doon sasakay.
Napadaan siya sa bahay nina Avabella at napansin niya itong nakatayo at nakasandal sa labas ng gate. Nabaling ang tingin ni Avabella sa direksyon ni Naja at nang makita siya ay dali-dali itong tumakbo palapit sa kaniya. Saglit namang nagulat si Naja nang pinalupot ni Avabella ang kamay niya sa braso ni Naja.
"Tara, sabay tayo papuntang school." Ani Avabella at wala nang nagawa si Naja at ngumiti nalang nang hilahin siya nito.
Tawanan at kwentuhan lamang ang naganap hanggang sa marating nila ang university at hindi nila akalaing dumating na sila.
YOU ARE READING
Taste of Friendship [ON GOING]
Teen FictionNaja Blair, a typical highschool girl didn't expect meeting strangers that became a friend. Join Naja and her friends as they face struggles in life and how they cope it together not just an individual but as a group.. a friendship.