9

78 11 2
                                    

"Kaya nga eh! HAHAHAH!" 

"Hoy! May kanal!" 

"AHH!!"

Hanggang sa makalabas ng campus ay tawanan ang naganap nina Naja at Flynn, kasama na rin ang nagkabati na na sina Gael at Avabella. 

"Ewan ko sa inyo uy!" 

Tawang-tawa pa rin sina Naja, Gael at Flynn nang muntikang mahulog sa kanal si Avabella sa katatawa. 

"Uy, may bagong open na store oh." Sabay turo ni Flynn sa store hindi kalayuan sa tinatayuan nila. 

"Pasok tayo?" 

"Tara!" 

Nang makapasok sila, marami-rami ang tao roon lalo pa at may freebies kapag bibili ka ng kanilang product. Random products ang mga binebenta nila at mura lang din. 

"Suotin mo 'to," inabot ni Gael ang rabbit na headband kay Avabella, sinuot naman ito ni Avabella. 

"Maganda?" tanong ni Avabella kay Gael. 

"Oo maganda." nakangiting sagot ni Gael. 

Sa gilid ay nakamasid sina Flynn at Naja at kinilig sa sagutan ng dalawa. 

"Dito ka muna, Flynn." Pabulong na saad ni Naja bago umalis at naghanap-hanap ng mga gamit na pwede niyang bilhin.

Kumuha sa atensyon ni Naja ang maliliit na teddy bears at pwede itong gawin na keychain sa bag. 

"Ang cute!" Kumuha ng isa si Naja at mahinang pinisil-pisil ang mukha ng teddy bear. 

"This one's cute too." May biglang nag-abot sa kaniya ng isa pang maliit na cat keychain. Napahangad si Naja upang tingnan kung sino iyon at biglaang namula ang mga pisngi niya nang malaman kung sino.

"Archer?" 

"Hi, Naj!" malambing na sagot ni Archer. 

"A-Ah, nandito ka rin ba para bumili?" Pasikretong inayos ni Naja ang buhok niya at umayos ng tayo.

"Yes, I think I can find something for my mom." 

Mas namula ang pisngi ni Naja, "Ang sweet mo naman kay mama..—este kay tita." 

Mahinang natawa si Archer, "By the way, pwede bang tulungan mo 'kong maghanap ng pwedeng ibigay?" 

"Oo naman! Birthday niya ba ngayon?" 

"No, just a normal day." 

"Ah, gano'n ba? Sure! Marunong ako maghanap ng mga bagay-bagay." 

"Really? Then that would be nice!" 

Nakangiting hinawi ni Naja ang buhok niya sa gilid ng kaniyang tainga. 

"Zarden, may tutulong na rin sa atin!" 

Natigilan si Naja at napatingin sa likuran ni Archer kung saan isang lalakeng nakauniform at may kataasan ang tumingin sa kaniya. Napataas kilay pa si Zarden na lumapit sa kanilang dalawa nang makita si Naja. 

"Kanina pa kasi kami nahihirapan, Naj. Now, I am thankful, you're here." 


"'Masyadong malaki 'yan." ani Zarden. 

Buntong hininga na binalik ni Naja ang vase na gawa sa kahoy. 

"Ito, Archer, maganda 'to para ibigay sa mama mo, diba?" Nakangiting saad ni Naja habang hawak-hawak ang mug na may magandang disenyo.

"Ah, oo—" pero pinutol ni Zarden ang isasagot sana ni Archer. 

"That's too common." 

Naglabas ng pilit na ngiti si Naja bago binalik ang mug. 

"How about this one? Perfect 'to, especially ang mga nanay ay mahilig magluto!" Suhestiyon ni Naja habang hawak ang full package na mga gamit pang-kusina gaya ng chopping board, knife, peeler at iba pang pang-kusina.

"Yes! Mahilig magluto si mama kaya pwede 'yan—" pinutol ulit ni Zarden ang isasagot ni Archer. 

"Your mom is a retired chef cook, right? Then I think, marami na kayong gamit pang-kusina." kinuha ni Zarden ang hawak ni Naja at siya mismo ang nagbalik. 

Napasimangot si Naja nang mapagtantong halos lahat ng gusto niya ay ayaw ni Zarden. 

"Ah, alam ko na!" 

Nabaling ang atensyon nina Archer at lalong-lalo na si Zarden. 

"Mas mabuti pa na ikaw ang ibigay!" Sabay turo ni Naja kay Zarden. 

Kunot noong tinuro ni Zarden ang sarili niya, "Me? Are you serious?" 

"Oo! Kasi halos lahat may alam ka, edi ikaw nalang ireregalo, total alam mo naman lahat," sarkastikong sagot ni Naja. 

"Wait, are you pissed off?" 

"Hindi, hindi! Ang saya ko nga eh! Sarap mo ngang pukpukin nito oh," inangat ni Naja ang sandok. 

"That's harrassment," pagbabanta ni Zarden. 

"Ah talaga, harrassment din kaya 'yung pang-iinsulto mo, oh edi fair na tayo." 

"I harrassed you? I was just being straightfoward." 

"Ahh so sinasabi mong pangit lahat ng mga suggestions ko?" 

"Wala naman akong sinabing pangit, ah?"

"Ngayon, sinabi mo na." 

Hindi na napigilan ni Archer na humalakhak sa alitan ng dalawa, sabay na napatingin sina Naja at Zarden sa tumatawang Archer. 

"Why are you laughing?" "Bakit ka tumatawa?" sabay na sabi nina Naja at Zarden.

Kunot noong nagtinginan ang dalawa at kaagad na nag-iwasan ng tingin. 

"Okay, okay.. mas mabuti nalang na ako ang pumili." 

Naglakad palapit si Archer sa kanilang dalawa, "at ang napili ko ay ito," kinuha ni Archer ang isang full package na gagamitin para sa kusina, "so.. 'wag na kayong mag-away." pangiting saad ni Archer. 

Muling nagtinginan sina Naja at Zarden at kaagad ding nag-iwasan ng tingin. 

"Naja, nandito ka lang pala! Tingnan mo, may ti-next si mama sa 'kin, sabi niya baka gusto ko raw dalhin kayo sa restaurant namin, libre na lahat!" 

Nagningning ang mata ni Naja at natakam bigla sa pagkain, "Sige ba!" 

Nabaling ang tingin ni Flynn kina Zarden at Archer. Muli niyang naalala ang nangyari noon sa loob ng banyo kung saan isa si Zarden sa tumulong sa kaniya na ilayo siya sa mga grupo ni William. 

"Ah, gusto niyo bang sumama, Zarden at Archer?" 

Napatingin si Naja sa dalawang binata at hindi nila inakalang iimbitahin din sila upang kumain. 

"I don't think I can—" pero pinutol ni Naja ang isasagot sana ni Zarden. 

"Oo! Sasama raw siya tsaka si Archer!" 

"But, I didn't—" pinutulan ulit si Zarden ng isasagot pero sa pagkakataong ito ay si Archer ang nagputol.

"Yes, we would love to." 

"So.. let's go?" 

"Let's go!" 

Taste of Friendship [ON GOING]Where stories live. Discover now