isang linggo mula non abot langit ang kaba ko ,kahit dininig ng diyos ang hiling ko na sana walang maging problema di ko parin maiwasan na di mag alala na bigla na lang si seth dadating at kukuhain ang anak ko . naiisip ko palang yun naiiyak at naninikip na yung dibdib ko . halo halo na ang lahat ng emosyon at di ko alam ang gagawin pag dumating ang araw na yun.pilit na iwinaglit ko na lamang sa aking isipan iyon at binigay ang atensyon ko sa aking anak .Napangiti na lamang ako habang pinapanuod syang papalapit sakin . Katatapos lang ng klase ko at kasalukuyan akong palabas na sana sa assignated classroom na huling subject na tinuturuan ko.alam kong kani kanina pang nag iintay si nath nath sakin sa may hallway na di nalalayo sa classroom nila.
Agad akong yumukod at lumuhod ,iniliahad ako ang aking dalawang kamay para ipakita na sasalubungin ko sya ng yakap .agad naman si baby nath nath tumakbo papalapit sakin habang hawak hawak ang mag kabilang straps ng bagpack nya. Ang gwapo gwapo talaga ng anak ko . Naka school uniform lang ito pero higit na kapansin pansin ang mga mata nito na abot tenga ang ngiti.
Nang maabot na ako nito agad yumakap ang anak ko at pinodpod ako ng halik sa ilong,mag kabilang pisngi at noo .na siyang naka pag pangiti saken.pakiramdam ko lahat ng pagod at aalahanin kong iniisip kanina ay agad nag laho sa papamamagita ni nath nath .iba na talaga pag may anak ka .
--oh! Tama na po baby ko baka mamaya nyan matanggal na mukha ni nanay? Joke lang baby ko --natatawang sabi ko habang pinipigilan ko na syang mag hahalik sa pisngi ko pero ayaw paawat ng bulinggiting kong anak kaya sa halip napa hagikhik na lang ako.
Ito ang isa sa mga gusto ko sa anak ko napaka sweet manag mana talaga sa ama nya.. Bigla na naman akong nakaramdam ng sakit sa naisip kong yon. Yani yani kong batukan ang sarili ko bakit ba lately bigla na lang syang mag popop out sa utak ko? Iniwaglit ko na lang sa isip ko yun
--nanay wag ka ng masad, ayaw mo ba akong makita kaya ka sad?--malungkot na pahayag ni nath nath sabay kalas sa yakap nya sakin
Ano ba yan coleen pati anak mo apektado sa pinagagawa mo nasabe ko na lang sa sarili
Agad ko namang inangat ang baba nito paharap sakin at ipinakita ang malaki kong ngiti .agad rin syang napangiti .
Hinawakan ko muna ito sa maga bilang pisngi at pinisil di ko kase mapigilan napaka cute kahit naka simangot .
--hindi po,may iniisip lang si nanay tsaka happy ako pag nakikita kitang masaya--nakangiti kong sabe kita ko naman ang pag siwalay muli ng matamis nyang ngiti tulad ng kanina.
--sige nanay uwi na po tayo? Nagugutom na po kase ako-nath nath sabay kamot sa batok nito napatawa na lang ako at hinawakan ang maliit nyang kanang kamay para humawak saken .napatawa nalang ako sa turan nito .
ilang saglit lang ang ginugol ng byahe nameng mag ina bago maka rating sa bahay nameng inuupahan . Bago pa ako maka pasok sa loob ng bahay namen ay may nakita akong isang kapirasong papel na nasa may sahig malapit sa pinto kasama ang isang pirasong bulaklak na rosas . Napa tingin na lamang ako sa paligid nag babakasaling makita ang nag bigay nito saken . Ngunit bigo ako. Kayat kinuha ko na lang ito .Naka tulog na rin sa pagod ang aking baby nath nath kayat kinarga ko na ito papasok sa kwarto namin .inilapag ko na rin ang papel at bulaklak sa may lamesita .
Hindi na ako nagulat na may nag bigay nito dahil pa apat na beses ko nang maka tanggap nito . Pero ang pinag tataka ko sino naman kaya ito?
Di ko na lang muna inisip iyon at
binihisan ko muna ng pang bahay at hinalikan sa noo bago ako umalis papuntang kusina para mag handa ng hapunan . Nag madali na rin akong matapos dahil mag aalas syete na at sigurado akong gutom na yun pag ka gising.Nag hahain na ako sa hapag kainan ng may maliliit na kamay ang pumalibot ng yakap sa aking bewang napangiti na lamng ako hinarap ito . Nakita kong kahit kagigising lang ay bibong bibo akong hinarap ni nath nath ng ngiti.
--"nagising na po ako sa bango ng amoy ng niluluto nyo po ,nakaka gutom po tuloy .tulungan ko na po kayo nay mag hain para mapadali na at makain na ang pinaka masarap na pakbet sa lahat"--nath nath habang sinisimulan nang mag lagay ng baso at tubig sa mesa . Tumango nalang ako bilang tugon .
--"oh! Pray muna para mag pasalamat kay God bago kumain"--sabi ko habang kaharap sa lamesa si nath nath
--"opo nanay, The name of the father the son the holy spirit amen papa God thank you po sa lahat ng blessing na binigay nyo samem ni nanay sana po gabayan nyo po lahat kami amen "--nath nath sabay sign of the cross . Matapos ang hapunan ay niligpit na ni coleen ang hapag at pinuntahan ang anak sa kwarto sabay tinabihan sa pag tulog . Hinalikan muna nya ito bago pumikit ngunit bago pa nya magawa ito ay pumalinlang ringtone nya hudyat na may tumatawag sa kanya .
--"hello? Jamie? Oh napatawag ka?"--coleen habang unan sa paligid ng anak na si nath nath na ngayon ay katabi nya
--"bess nasan si inaanak? By the way may meeting nga pala tayo bukas iniinform lang kita umalis ka kase kanina agad di ka na dumaang faculty may announcement daw bukas si mr. Lagdameyo ang may ari ng paaralan kaya kailangan lahat ng teachers nandun ."--jamie sa kabilang linya
--"eto tulog na sa tabi ko . ganun? ,tungkol kaya saan ang meeting? Anyway sige salamat kita na lang tayo bukas sa may faculty"--coleen
-"di ko rin alam bess basta ang alam ko importante meeting yun kase ura urada ang meeting naten nakaka intriga diba?"-- jamie
--"oo nga ,sige bukas na lang salamat ule bess good night "--coleen.
-"youre welcome sige bye"-jamie sabay putol ng linya.
Matapos ang tawag hindi nya maintindihan ang nadarama , hindi sya mapakali ngunit tulad ng sabi ng kaibigan nakaka intriga nga naman dahil madalang mag pa meeting ang naturang paaralan ng pinapasukan nilang mag ina siguro nga importante ang okasyon kinabukasan kaya kahit biglaan ang meeting mukhang walang maka pipigil nito .
Bago pa ko pa maka limutan pinuntahan ko ang lamesita na hindi nalalayo sa kama naming mag ina kung saan ipinatong ko ang pirasong papel at bulaklak na nakita ko kanina sa sahig malapit sa aking pintuan .
Binuklat ko ang papel upang mabasa ang naroroon
"I'll get what is rightfully mine " -S
Yan lang ang nakasaad sa papel .inabot ako ng kaba at takot .may isang tao ang naiisip na maaring gumawa nito pero pano ako nka sisigurado? Di kaya nalaman na nya ang lihim na pilit kong tinatago sa kanya?
Taranta ko itong itinapon sa basurahan ang mga ito . Sa pang apat na beses akong naka tanggap ng ganyan ito ang unang beses na binasa ko ang nakasaad sa papel dahil sa kuryosidad . Mas binabuti ko na ring itapon ang naunang beses na naka tanggap ako nito . Ngayon naman ay nag sisisi akong binasa ko pa ito. Mariin akong napapikit at nag kumalma na ako ay bumalik na ako sa pag kaka higa sa tabi ni nath nath sabay niyakap ko ito ng pag ka higpit higpit
-"hinding hindi ako papayag na makuha ka nya saken anak ipag lalaban kita anak ko"--coleen sabay yakap ng mahigpit sa anak na walang kamalay malay dahil sa nahihimbing ito
Pilit nyang iwinaglit ang masamang pakiramdam nyang iyon at hanggang sa naka tulugan na nya ito
#end of chapter 42 comment ,vote and subscribe thank you
![](https://img.wattpad.com/cover/9970644-288-k286585.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm pregnant & your the father (EDITING)
Teen FictionPano pag nalaman mong buntis ka, at sa murang edad mo palang kakayanin mo ba? ang mga pangarap mo,pag aaral mo,ang mga magulang mo,ang sasabihin ng ibang tao, at ang taong mahal mo na siyang ama ng pinag dadala mo . Hanggang sa dumating ang panahon...