-Im pregnant and your the father-chapter 43

12.4K 269 143
                                    

Kahit mugto ang mata ko pinilit ko pa ring imulat ito.naka tulugan ko na pala ang pag iyak. Agad ko naman kinapa ang aking tabi nang wala akong makapa agad akong napabangon. Rinig ko ang pag rigodon ng puso ko dahil sa kaba at takot na aking nadarama . Inilibot ko ng tingin ang buong kwarto pero walang nath nath akong nakita .

Dahil dun di ko na maiwasan na hindi mangilid ang luha. Ang pumapasok lang sa isip ko baka kinuha na ang anak ko saken? O baka iniwan na nya ako at sumama sya sa taong pilit kong iniiwasan dahil dun sa mga naiisip kong negatibo sumisikip ang dibdib ko

--nath nath A-Anak nasan ka? Hinahanap ka na ni nanay wag ka namang mag biro mg ganto baby ko --nangingiyak na sabi ko habang papalabas at patuloy na minamasdan ang paligid para hanapin ang anak ko.

Pero nalibot ko na ang lahat ng bahagi ng maliit naming inuupahang mag ina pero wala parin akong nath nath na nakita .napa upo nalang ako sa sahig at napa iyak.nanlulumo na sya sa nadarama

Sobrang nag aalala na ako nasan na  ba ang anak ko? Hindi ko kakaayanin kung mawawala sya pero agad nawala ang agam agam ko ng bumukas ang main door at iniluwa ang anak kong si nath nath

Agad rumihistro dito ang lungkot dahil siguro nakita nya ang nanay nya naiyak. Di na ako nag ubos ng oras agad akong tumakbo papalapit sa kanya.ramdam ko naman ang relief nang makita ko si nath nath

-nanay bakit ka umiiyak? Wag ka nang umiyak yan naiiyak na tuloy ako-nath nath habang yakap yakap ko ito . Nanatili lang akong naka luhod at naka yakap dito . Ramdam ko din ang panginginig ng anak ko hudyat na naiyak na rin sya .

Hinarap ko ito .at tama nga ako naiiyak na rin ito agad ko namang pinahid ng kamay ko ang mga luhang tumatakas sa pisngi nya.

-san ka ba nanggaling anak? Nag aalala si nanay sayo pag gising ko wala ka kaya naiiyak ako kase akala ko kinuha ka na nya saken , akala ko iiwan mo na ako at sasama ka na sa kanya-napa hagulhol  na sabi ko. Di ko na napigilan ang emosyon ko sa tindi ng pag aalala ko

-sorry nanay nag alala po kayo kay nath nath sa susunod po mag papaalam na ko nag bili lang po ako ng pandesal kay aling loleng kase alam kong sad kayo kagabe kaya para maging happy kayo bumili po ako galing sa ipon ko.tsaka sino naman po kukuha saken? Di ko po kayo iiwan .sino po ba kukuha saken?  . Love you nanay sorry po ule -nath nath sabay yakap saken di ko napansin may hawak pala itong supot ng pandesal

Di ko na lang  pinansin ang tanong nya , yani yani kong batukan ang sarili ko dahil nadulas pa ang dila ko sa mismong harap ng anak ko. Sa halip kinabig ko ito muli para yakapin ng mahigpit

-dapat ginising mo na lang ako para sabay tayong bibili tsaka hindi naman sad si nanay may iniisip lang magiging happy si nanay kase alam nyang nandyan ka . i love you too anak ko. -sabi ko sabay buhat dito at hinalikan sa pisngi.

Sobrang pag papanic ang naramdaman ko kanina akala ko talaga kinuha na sya saken . Hindi makampante ang kalooban ko hanggat alam kong malapit lang si seth samen. Kailangan siguro gumawa na agad ako ng paraan bago mahuli ang lahat . Paninindigan ko ang pag tatago ng katotohanan kung yun ang tanging paraan para di mawalay ang anak ko saken .

-nanay malalate na po tayo sa school bilisan na po naten-nakangiting sabi ni nath nath kahit na may bahid pa ng luha ang mukha nya kaya pinahid ko na ito at demeretso kaming mag  ina sa kusina.

Napa tingin ako sa orasan .6:30 na ng maga at ang pasok nameng mag ina 7:30 kailangan  na nga namin mag madali . Mamaya ko na iisipin ang dapat na gawin sa ngayon mag aasikaso na muna kaming mag ina sa pag pasok.

Agad akong nag luto ng simpleng hotdog sinangag habang naliligo  na ang anak ko. Pag labas nya ay naka bihis na ito. Natapos na rin kaming kumain . At ako naman ang gumayak . Napatingin ako sa wrist watch ko habang nag aabang kaming mag ina ng sasakyan na jeep papuntang school . Mag 7:30 na ang alam ko na may meeting na pag uusapan gaya ng sabi ni jamie saken kaya nag palinga linga ako sa daan habang hawak ko sa kanang kamay ang anak ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm pregnant & your the father (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon