-I'm pregnant and your the father-chapter 39

6.9K 112 10
                                    





#part 2 "the meeting again"





--ale may nakita po ba kayong bata? Ganto kaliit? Naka iron man na damit?--coleen habang nag tatanong at natatarantang kaharap ang isang ginang na nag uuli sa mall








Umiling lang ito at nilag pasan sya. Napa sabunot na lang at napa pikit na lang sya ng mariin sa nangyayare sa kasalukuyan. Bakit ba sya naging pabaya. Saan nya nagyon hahanapin ang anak? Bilang ina di ko maiwasang mag alala.









Halos matumba na ako buti na lang kamo nasalo ni patrick ang mag kabilang balikat ko. Nanghina kasu ang tuhod ko dahil di na mag kapag isip ng maayos ang utak ko at nag darasal ng taimtim na sana walang nangyaring masama sa anak







--coleen! Ok ka lang ba? Wag kang mag alala ok? Mahahanap natin si nath nath mahahanap din natin ang anak mo-nag aalalang sabi ni patrick sakin habang naka alalay napa tango na lang ako .









Pabaling baling ang ulo ko. Kaliwa kanan kahit nahihilo ay di ko na pinansin . Nag babakasakaling mahanap ko ang anak ko.









Kita ko na madami paring tao sa paligid ng mall.di ko maiwasang mag alala para sa anak ko.
Ramdam ko na rin ang nangingilid kong luha na tumutulo sa aking mga mata.













Nag tanong ako sa mga taong madadaanan ko pero wala daw silang nakita o kaya iling naman ang tugon nila














Rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko,di ko alam pero bigla na lang nabawasan ang kaba ko parang may iba akong nararamdamang mangyayare ngayon .yung feeling na dapat di daw ako mag alala dahil makikita ko rin si nath nath.












Dahil dun nawala ang agam agam kong di ko ito makikita . Kaya sinikap kong mag hanap muli sa paligid at mag tanong tanong . Pinahid ko na rin ang mga nangingilid kong luha at tama na maging matatag ako sa panahon ngayon .








Wag akong mag panic gaya ng sabi ni patrick tiwala lang at makikita ko rin ang baby nath nath. Muli ay ng dasal ako sa aking isip na patnubayan ng diyos ang anak ko .














wala sanang mangyaring masama sa kanya sya ang buhay ko at sisihin ko ang sarili ko kung may mangyare mang masama dito.










Nag simula na uli akong mag tanong tanong ,tumingin sa paligid at nag hanap





#nath nath's POV






Nakaka inis tlga! Kung kanina yung mamang panget sa jeep tapos ngayon eto namang patrick na to.





Sorry po papa God alam ko po bad yun ,pero pinuprotektahan ko lang naman si nanay eh. Ayaw ko may naka paligid sa kanayang ibang lalaki lalo na yung nag papacute kay nanay alam ko na kasi motibo nila manliligaw sila kay nanay ko .











Kaya lagi akong nagiging pilyo pero napapagalitan ako ni nanay wag ko daw ugaliin yun. Pero naiintindihan ko naman ang nanay kahit pinapagalitan ako nun mahal na mahal naman ako.










Nag uusap si nanay at si mamang patrick nang may makita akong race car toy dumaan sa paanan ko . Labis ang tuwa ko kaya sinundan ko ito . Di ko namalayan napalayo na pala ako. Nang pumasok ang laruan na yun sa toy store pabalik na sana ako ng ...















--dad,tingnan nyo oh? May bagong labas na dvd sa xbox , pedeng nating tingnan--batang lalaki hbang masayang naka harap sa tatay nya ata sa palagay ko. Mga kasing edad ko lang yata itong bata
















--sige nak,ano bang gusto mo?--masyang sbi ng mama sa anak nya. Napatulala ako dun at di ko maiwasang malungkot















Natanong ko rin sa isip ko ano kaya ang pakiramdam ng nay tatay? Masaya ba? Magiging proud kaya sya sakin?









Ngayon ang family day at ang dahilan kung bakit di ako naka attend kasi wala akong tatay, pero biglang pumasok sa isip ko,













dapat nga mag pasalamat ako kay papa god na kahit wala akong tatay may mapag mahal naman at maaalaga akong nanay. Tama














Naka tingin parin ako mula sa labas ng toy store at pinag mamasdang mabuti ang bata at tatay nya .








#Seth POV





Kagagaling ko lang galing america kahapon . Kaya napag desisyunan kong mag uli uli muna







Nakakamiss rin pala ang pilipinas ang sarap sa pakiramdam na naka balik ka na sa sarili mong bansa







Nandito ako sa mall medyo madaming tao siguro dahil weekend natigil ang pag lalakad ko nang may mataang batang lalaki na naka tayo sa isang toy store at nakahanay na laruang robot sa harap nito






Dahil sa curiuosidad ay lumapit pa ako dito . Kahit na ka side view parang ramdam ko bawat hakbang papalapit ay nag papa excite sakin di ko alam kung bakit .iba ang tibok ng puso ko lalo ng humarap ito sakin










Na tulala ako. Bakit parang pamilyar sya sakin? Nakita ko na na sya dati, parang matagal na kaming mag kakilala kita ko ang pag kunot ng noo ng batang lalaki habang











naka harap sakin lalapit na sana muli ako ng my lumampas sakin at lumapit papupunta sa batang lalaking lalapitan ko







Napa tulala ako. Totoo ba to? O namamalikmata lang ako?





--anak ko ,san ka ba nag pupunta? Alalang alala ang nanay, si ba sabi ko sayo wag kang lalayo?--sabi ng babae sabay luhod at yakap sa batang lalaki





Nakatitig lang ako at pinag mamasdan nya si coleen di ako ng kakamali . Ang tumakbo at lumuhod sa paharap sa bata ay si coleen. Nanlamig ang buong katawan ko . Napatulala at bumilis ang tibok ng puso ko . Di ko napigilang tawagin sya






--co-coleen?!-nauutal kong tanong agad naman syang napatingin sakin at kahit medyo malayo ako mula sa kanila unti unti nakita ko ang panlalaki ng mata nito . Nag tataka akong napatingin sa kanya at sa bata na sinasabi nyang anak nya?






Agad kumirot ang bahagi ng puso ko . May anak na sya? Bumalik lahat ng sakit, pag mamahal kahit ilang taon ang naka lipas di ko makakilang sya parin .




Nang mag katinginan kami parang tumigil ang mundo ko. Pamilyar ang nadarama ko tulad ng dati nung kami pa.




--seth!?-nagtatanong na sabi ni coleen kita nya ang pamumutla nito at napatingin ito sa bata.










Lalapit na sana pero bago pa ako makalapit at mag salita naputol na dahil ...






#family reunion na itey?choss abangan pa po ang mga next chaptie!! Hart hart






#vote,comment,and subscribe




@friendzone15

I'm pregnant & your the father (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon