Part One

273 3 0
                                        

“Sayonara”

By IhEaRtZeRoThEhErO

Part One

Matapos ang ilang oras ng pag-iisip at pagtatime traveling, nakita niya ang kanyang sariling nagbibihis para pumasok. Mag-isa lamang siya sa tinutuluyang condo. unit. Ang kanyang ina na siya na ring tangi niyang pamilya ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

 Ang tanging taong masasandalan niya ay ang kanyang nobyo na si Daniel.

Isa siyang photography student samantalang si Daniel naman ay isang chemistry student. Nasa iisang Unibersidad lamang sila. Bago pumasok sa kanikanilang klase ay nagkikita muna sila ni Daniel, nag-uusap tungkol sa kanilang mga susunod na klase at kung anu-ano pa.

Mahal na mahal niya si Daniel at ganoon din ito sa kanya.

They share a passion for music. Daniel was the singer while she was the musician. She knows how to play the piano while Daniel was gifted with a great voice. And their world only revolves to each other.

***

Habang naglalakad siya sa pathway ng University ay nakita niya si Daniel na nakaupo sa isang bench. Tinawag niya ito pero tila wala itong naririnig. Tinawag niya itong muli, ngunit wala pa rin itong reaksiyon. . . at sa ikatlong pagkakataon, kasabay ng pagtunog ng bell ay tinawag niya ito. Dun lang nito nagawang lumingon at ngitian siya ng ubod ng tamis.

Nilapitan siya nito. . .

"Ano bang problema mo? Nabibinge ka na ba? kanina pa ko tawag ng tawag sa iyo ha!?" wika ng babae.

"Sorry ha, iniisip ko lang kasi yung project namin e.." depensa naman ni Daniel.

She was not convinced. Dati rati kasi, kahit na gaano ka-hectic ang schedule at kadaming assignment si Daniel ay di ito nawawalan ng oras sa kanya. . .

Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Sa iisang department lang naman ang klase nila kaya sabay na silang pumaroon.

***

Tapos na ang klase ng babae para sa umagang iyon. Habang naglalakad, napansin niyang napakatahimik ng lugar, tila isang ghost town ang kanilang eskwelahan. Ang paligid ay parang umiiyak, ang hangin ay bigla lumamig at ang bigla ring kumulimlim.

Tila may isang di nakikitang pwersa ang pilit pumipigil sa kanyang paglalakad. Hindi niya alam kung bakit pero ang bigat ng pakiramdam niya…

Patawid na siya ng kalsada ng bigla…

…Siyang mahagip siya ng isang rumaragasang kotse. Ngayo'y nakahandusay na siya at naliligo na siya sa sariling dugo. Matapos makita ng driver ang kalunos-lunos niyang kalagayan ay bumaba ito ng kotse at tinapunan siya ng lilibuhing salapi at pagkatapos ay humarurot na muli ng pagpapatakbo. May mga nagsilapitan ng mga tao, subalit di nila nagawang abutan ang kotse.

Habang naglalakad ay napansin ni Daniel ang umpukan ng mga tao, bigla siyang kinabahan. . .

Napatakbo siya sa umpukan...

 At nanlumo siya sa nakita. Ang babaeng kaniyang minamahal ay nakahandusay na ngayon at naliligo na sa sariling dugo.

 Parang kanina lang ay magkasama sila, magkausap... at ngayon ang babaing...

Unti-unting pumatak ang ulan...

"May tumawag na ba ng ambulansya?" tanong ni Daniel.

"Mayron na!" sagot ng isa.

Tiningnan niya kung humihinga pa ito - sa awa ng Diyos, humihinga pa naman.

Tiningnan naman niya kung may pulso, wala na itong pulso.

Dahan-dahan subalit walang tigil na tumulo ang luha ni Daniel, dumating ang ambulansiya... ngunit si Daniel ay nanatili pa ring ganoon.

Ngayon ay naisakay na ang babae sa ambulansya... subalit si Daniel ay nandon pa rin...nakatitig sa dugo ng babaeng minamahal.

Nababasa na siya ng biglang di na niya maramdaman ang tubig na pumapatak sa kanya...Napatingala siya, isang babae na tila isang anghel ang nagpayong sa kanya.

"Tama na yan..."wika nito.

***End Of Part One***

Sayonara (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon