Part Four

209 1 0
                                    

“Sayonara"

By IhEaRtZeRoThEhErO

Part Four

Malakas ang ulan nung hapong iyon. Ang babae ay namili ng mga sangkap para sa putaheng ihahanda niya para kay Daniel.

Maulan din noong una niyang napansin si Daniel...

Prom Night nila iyon, masaya ang lahat maliban na lang sa kanya...paano ay hindi siya inaya ng kanyang crush na makipagsayaw rito samantalang lahat ng kaiban niya ay inaya nito. Naisip niya na marahil ay wala talaga siyang dating sa mga lalake.

Maganda naman siya, mahaba at tuwid na tuwid ang kanyang itim na buhok, singkit ang mga mata at maputi ang balat, iisipin mo ngang isa siyang naglalakad na japanese doll kapag nakita mo siya.

Tahimik lang siya at wala halos kaibigan. Pihikan din siya at lahat ng nanligaw sa kanya ay nabigong mapasagot siya, pranka din siya, sinasabi niya talaga kung anong gusto niyang sabihin kahit na alam niyang makakasakit ito, at naniniwala siya na iisang tao lang ang kayang mahalin ng puso niya

Nagising siya sa pag-iimahinasyon ng makita ang dalawang matandang magkasama sa iisang payong. Tiyak niyang mag-asawa ang dalawang iyon. Halatang mahal na mahal pa rin nito ang isa't-isa. Sana umabot sila ni Daniel ng ganyan katagal - yun ang biglang pumasok sa isip niya.

Bumalik muli siya sa alaala noong Prom Night nila.

Pikon na pikon na siya noon sa pangungulit ni Joshua. Si Joshua ay isa sa kanyang mga masugid na manliligaw na kahit kagalitan niya ay di sumusuko. Gusto ni Joshua na makipagsayaw sa kanya. Pero ayaw niya. Mag-isa lamang siya noon sa table nila.

Bigla siyang hinawakan ni Joshua sa braso at hinila siya nito, pero...

"Pare, 'wag mong hawakan ang girlfriend ko..." mahinahon subalit may lamang wika ni Daniel. Sabay tapon kay Joshua ng pagkasama-samang tingin.

Girlfriend? Di niya nga ito ganon kakilala tapos tatawagin pa siyang GIRLFRIEND? Gusto niya nga itong tanungin kung close ba sila...

Hindi niya alam kung bakit parang kinilig siya sa ideyang iyon.

Binitawan ni Joshua ang kamay ng babae. Tumingin din si Joshua ng masama kay Daniel at nagwika "swerte mo!"

Nang makaalis na si Joshua ay bumaling naman si Daniel sa kanya... "Shall we DANCE?" wika nito...

Nag-inip ang kanyang pisnge sa ideyang 'yon... at walang anu-ano'y sumagot siya rito, "sure!"

At sumayaw na nga sila ni Daniel.

Ganon ang naging simula nila ni Daniel.. After THREE months ay naging sila na.

Nang tumila ang ulan ay tumuloy na siya sa kanyang unit... Masayang-masaya siya ng mga oras na iyon. Excited sa magiging reaction ni Daniel para sa surpresa niya dito.

Maririnig sa pagpasok sa unit ng babae ang kantang "I'll Always Love You"…

Standing by my window, listening for your call

Seems I really miss you after all

Time won't let me keep these sad thoughts to myself

I'd just like to let you know, I wish I'd never let you go

And I'll always love you

Deep inside this heart of mine

I do love you

And I'll always need you

And if you ever change your mind

I'll still, I will love you

I wish you'd never left me but love's a mystery

You can break a heart so easily

Oh the days and nights reveal how much I feel for you

Time has come for me to see how much your love has meant to me

And I'll always love you

And if you ever change your mind

I'll still, I will love you

Time like a river keeps on rolling right on by

Nothing left for me to do

So I watch the river rise

And I'll always love you

Deep inside this heart of mine

I do love you

And I'll always need you

And if you ever change your mind

I'll still, I will

And I'll still, I will love you

Nakahain sa mesa ang mga masasarap na putahe, nasa mesa din ang isang SCRAPBOOK, mga pula at hugis puso na lobo sa paligid, litrato nila ni Daniel...

At isang babaing...

Magang-maga ang mata at umiiyak.

***End Of Part Four***

Sayonara (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon