“Sayonara”
By IhEaRtZeRoThEhErO
Part Three
Habang inaayos ni Daniel ang plorera na nakapatong sa mesa sa gilid ng kama ng babae, may isang pares ng mata naman ang lihim na nagmamasid sa kanya.
Nang mapalingon siya rito ay halos mapaluha sa galak at pagkabigla... isang bagay na di niya inaasahang mangyayari pa.
"Daniel?" wika nito.
Tumulo na ngang muli ang luha ni Daniel.
"Nanaginip ako, nanaginip ako na nag-aalala ka sa akin...hirap na hirap ka na...gusto kong gumising pero hindi ko kaya...Daniel namiss kita!" wika ng babae.
Oo, sa wakas nagising na nga ang ating bida...ang babaeng kay tagal niyang iniyakan. Ang babaeng naging dahilan ng depresyon niya...ang babaing naging daan upang mapalapit siya kay...
"Gising ka na nga! hindi ako makapaniwala, kurutin mo nga ang mukha ko.."biro ni Daniel.
Ngumiti lang ang babae. Kung alam lang sana niya....
Kung sana…
***
Ilang araw lang ay himalang nakarecover ang babae, mabilis ang kanyang naging paggaling. Dahil na rin ito sa presensya ni Daniel na di siya nagawang iwanan kahit isang saglit...
Lumipas pa ilang araw at nakalabas na ang babae sa ospital. Natuwa naman ang kanyang ina sa balita.
Naisip niya ang kanyang ina, ang kanyang inang walang pakialam sa kanya, ang kanyang inang matapos yumao ang kanyang ama ay di nagpakita sa kanya kahit minsan, ang kanyang ina na mas mahal pa ang mga kaibigan kesa sa sariling anak...buti na lang at laging nandyan si Daniel para sa kanya, para alalayan siya...sigurado siyang di siya nito iiwan kahit na anong mangyari dahil, mahal siya nito at tanging siya lamang ang mahal.
Nakaupo siya sa sofa ng maalala niyang tingnan ang petsa na.
Pagtingin niya sa kalendaryo ay nagulat siya sa nalaman. Sa makalawa na pala ang anibersaryo nila ni Daniel. Ang ikalimang taong anibersaryo nila ng kanyang pinakamamahal.
Mahaba pa ang panahon para siya ay magprepara..tutal tumigil siya sa pag-aaral dahil sa nangyari.
Naisip niyang i-compile ang lahat ng mga memorabilya nila, mga ticket sa concerts, wrapper ng junkfoods, at pictures.
Mag-aaral din siyang mag-luto, kahit kailan kasi ay di pa niya naipagluto si Daniel.
At sunod ay ihahayag ang mga nagbago sa kanya...di na siya magiging bossy dito, di na siya magiging mapaghinala rito, di na siya susunod sa mga lakad nito at di na rin niya ito paghihigpitan.
Para sa kanya si Daniel na ang ibibigay ng langit sa kanya at wala ng iba. Si Daniel lang ang kaya niyang mahalin at kung mawawala ito ay tiyak na ikasisira ng mundo niya...sobrang mahal na mahal niya si Daniel. At mas lalo pa niya nga itong minamahal ng mabatid na nadepress matapos ang nangyari sa kanya.
At dumating na ang araw na pinakahihintay niya...
***End Of Part Three***
![](https://img.wattpad.com/cover/1967267-288-k703391.jpg)
BINABASA MO ANG
Sayonara (Completed)
Storie breviWhat readers are saying... *ang ganda ng kuwento mo,kahit bitin ok lang,nadala ako ng kuwento *Ito na ang pinakahihintay q.tpos ung lng ung..maganda pa nman..bitin talaga. *Nakakaantig ng puso...gnda ng kwento.. *Wag n kau mgbasa ng pocketbOk d2 lht...