Part Five

197 1 0
                                    

“Sayonara”

By IhEaRtZeRoThEhErO

Part Five

 Pagkadating na pagkadating sa unit ng babae ay agad siyang nag-ayos...

Una niyang ginawa ang pagluluto. Natakot siya sa kutsilyo, ilang beses na kasi siyang nasugatan ng dahil sa paghihiwa. Sa katunayan nga ay puro na band aid ang mga kamay niya.

Sa buong buhay niya, ngayon lang siya may pagsisilbihan, bukod sa sarili. Ngayon lang siya maghihirap na iplease ang isang tao...NGAYON lang. Pero kung para kay Daniel naman, wala iyon, walang-wala iyon sa lahat ng pagsasakripisyo nito para sa kanya sa loob ng limang taon.

At hayun nga, nasugatan na naman siya. Pero binaliwala niya lang ang sakit, pinunasan niya ng panyo ang dugo.

At sa sumunod pang paghiwa niya sa gulay ay nasugatan na naman siya. Sa puntong ito, talagang naluha na siya, masyado na kasing mahapdi pero tiyak niya mas mahapdi pa dito ang sugat na mangyayari kung di niya mapasaya si Daniel, ang mahal niyang si Daniel.

Nang matapos na siya sa paghihiwa ay sinimulan na niyang magluto.

Sa awa ng Diyos, palpak ang unang putaheng ginawa niya, kaya nagsimula muli siya sa umpisa. Kailangang AYOS ang lahat ng paboritong pagkain ni Daniel. Kailangang masarap lahat, dahil meron siyang sikretong sangkap -- ang pagmamahal.

Matapos mailuto lahat, sinimulan naman niyang palubohin ang mga kulay pula at hugis pusong lobo. Di naman siya nahirapan dito.

Ang scrapbook ay maayos na. Nandoon lahat ang mga memorabilia nila, mula sa unang kending ibinigay ni Daniel sa kanya na hanggang ngayo'y di niya pa binubuksan hanggang sa apat na singsing na binigay ni Daniel dati. Ang una ay yung singsing na binigay ni Daniel sa kanya noong Prom Night nila, ang pangalawa ay yung singsing na binigay ni Daniel noong nasa getting-to-know-each-other stage pa sila, ang pangatlo ay ang singsing na ibinigay ni Daniel noong nagtapat ito sa kanya at ang panghuli...

Ang singsing na pinakaespesyal sa puso niya, ang singsing na ibinigay ni Daniel sa kanya noong naging sila na...ayon kay Daniel, yun daw ang wedding ring ng lola niya na ibinigay sa kanya noong naghihingalo na ito...ibigay niya daw sa taong gusto niyang magmahal sa kanya ng walang hangganan.

Nandoon din yung unang cd na mismong si Daniel pa ang nagburn... compilation iyon ng mga paborito niyang kanta, iyon din ang pinakapaborito niya sa lahat...para kasi sa kanya, pinakasweet na pagpapahayag ng damdamin ang isang awit.

Isinalang niya na ang cd...

Nabulabog naman ang kanyang pag-iisa ng tunog ng doorbell.

Pagkabukas na pagkabukas niya ay tumambad sa kanya ang malungkot na mukha ni Daniel, di niya alam pero kinabahan siya, pero naisip niya rin na paraan lang ito para sa gagawing surpresa nito sa kanya.

Nakalanghap siya ng pabango ng babae mula rito.

Pero di ba nangako na siya na di na siya magiging mapaghinala rito?

Di na niya pinag-aksayahang isipin ang pabango ng babae, marahil kasi, magbibigay ito ng pabango sa kanya, baka tinesting muna kung mabango ba talaga.

Naupo lang si Daniel sa sofa.

Nagtaka naman siya sa ikinikilos nito, parang di man lang nito napansin ang paligid.

Umupo naman din siya sa tapat nito...

Tinitigan siya nito ng mabuti at nagwika..."wag ka sanang mabibigla..."

Kinabahan na siya sa sasabihin nito...

"Nang macomatose ka, maraming nangyari, nadepress talaga ako ng sobra non, at sa sobrang sakit na dinarama ko, napabayaan ko na ng husto ang sarili ko...doon siya dumating"

Parang ayaw na niyang marinig ang mga susunod pang sasabihin nito. Tiyak niyang katapusan na ito ng kanyang mundo...

"Tinulungan niya kong makabangong muli, tinuruan niya akong mabuhay sa kabila ng sigalot..."

Parang sasabog na ang puso niya…

"Napapasaya niya ako, marami siyang nalalaman at marami kaming napagkakasunduan, minahal niya ako..."

Gusto ng lumabas ng luha niya pero pilit niya itong pinipigil.

"Pinapili niya ako, kung sinong mas mahal ko sa inyong dalawa..."

Huwag mo nang sabihin...

"At ang napili ko ay siya" ani Daniel.

Tumayo na si Daniel sa sofa, pagkatalikod na pagkatalikod nito ay lumabas na ang luha niya...di niya na alam kung paano patitigilin ang mga luhang ito. Mga luhang kanina niya pang pinipigil.

***

Pagkalabas ni Daniel sa unit ay naroon si Anghel. Hinihintay siya...

Ngumiti muna si Anghel bago nagwika, "Happy monsary, babe!"

***End Of Part Five***

Sayonara (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon