Chapter 12
Ashley's POV
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Mark na naghihintay sa akin sa labas, subrang saya nya, alam mo yung sayang hindi mo mapapalitan ng kahit na anong bagay. Sayang walang kapantay, ganon ang nakikita ko sa mga mata ni Mark. "oh bakit ganyan ka na makatingin sa akin, wag mong sabihing nagkakagusto ka na sa akin..Ash ahh kahit pinatawad mo na ako, ako namn ngayun ang magpapakipot sayo...strict din kaya si lolo noh" sabi nito habang naglakad siya pababa ng hagdanan... tignan mo itong taong to kung makapagsalita parang alam nya yung sinasabi nya.
"Hoy Mr. trinidad for your information, hindi ako nagkakagusto sayo (slight lang) hmp..." tumalikod ako at lumabas ng bahay. nakita ko siyang sinusundan nya ako. "oi ash sandali wag ka namn mabilis maglakad, para kang tumatakbo eh" binagalan ko namn ang paglalakad ko.
Super napalayo na ata kami ng paglalakad ng maramdaman kung masakit na pala mga paa ko tumigil kami sa lilim ng isang malaking puno at doon kami naupong dalawa. Hindi ko alam kung anong topic ang bubuksan ko. magsasalita na sana ako ng marinig ko siyang nagsalita. "alam mo ash, dito sa lupaing pag aari ni lolo dito ako lumaki at nagkaisip, nakikita mo ba yung lake na yan, jan kami madalas mag picnic ni mommy nong nabubuhay pa siya, jan namin hinihintay ang pag uwi ni daddy galing trabaho, pero alam mo sa kakahintay namin, ni isang beses non ay di ko pa siya nakitang umuwi ng bahay. Kasi pag matutulog na ako wala pa siya, paggising ko namn umalis na siya papuntang trabaho at nong....." tumigil siya at napatingin ako.
"nong......araw na mamatay si mama, isang beses ko lang siyang nakita sa lamay nya, isang beses pero hindi pa yun nagtagal ng isang oras...tumayo lang siya sa labas ng pintoan ng chapel at umalis, hinabol ko siya alam mo ba..." tuloy tuloy pa rin ang pag kwento nya sa akin. "anong nangyari nong hinabol mo siya?" tanong ko. "sabi nya sa akin.. Sorry" nakita kung lumuha siya. "okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. "oo okay lang ako...ano ba itong hangin nakakaiyak noh" wierdo talga itong si Mark, pati tuloy ako naiiyak sa kanya... \
"halika may pupuntahan tayo" sabi nito habang hinihila nya ako pababa ng burol. Nakita ko ang isang kwadra doon laman non ay limang kabayo. "marunong ka bang sumakay ng kabayo?" tanong nito sa akin. "oo namn marunong ako noh, kala mo sa akin?" nagtawanan kaming dalawa. "kala ko kasi hindi ka marunong..." hahaha natatawa ako sa isip isip ko.. sumakay na kaming dalawa sa mga kabayo na nilabas niya.
Mark's POV
"Perfect na sana ang araw na yun kung dumating lang sana si daddy, perfect na sana kung hindi nangyari yun kay mama, Lahat nalng ba may Sana. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako pag nakikita ko ang daddy ko." habang pinagmamasdan ko si Ash habang nakasakay siya sa puting kabayo ay subrang saya nya..
"oi mark nakatulala ka na namn, halika hubalan nlang tayo, pag natalo mo ako may coinsequence" narinig kung sabi nya. aba eh game namn ako jan. "sige game ako jan, pag ako nanalo magiging girlfriend kita ng isang buwan okay ba yun?" nakita ko ang pagkagulat nya sa mukha "ano bakit ako...Girlfriend agad agad?" sabi nya "oh ayaw mo...eh ano gusto mo isang buwan kang titira sa bahay ko at maglilinis gusto mo ba yun?" sabi ko.. "bakit ba ako nakakipag bet sayo....hirap mo pala kalabanin. oh siya sige...pag ikaw natalo ko.....ahh....ahh.."
"ano magiging boyfriend mo ako ng isang buwan...okay lang ako jan.." biro ko sa kanya. "ano ka sira...sige mamaya ko na iisipin kung anong magiging coinsequence...basta ahh walang dayaan."
Naghanda na kaming dalawa, para sa karerang gagawin namin. Excited ako na kinakabahan..kinakabahan kasi first time kung kalabanin ang isang matapang na ashley montez, excited kasi alam nyo na yun. "hoy mark tama na yang bulong bulong na yan mag ready ka na, kasi ilalampaso kita." yabang nya noh... "sige ba ready na ako...." Sabi ko.... dumating si manong leon at siya ang nagbigay ng hudyat na simulan na ang karera nila.
Pagkababa ng flag ay kumarepas ng takbo ang kabayo ni Ashley. Mukhang bihasa sa pag hawak ng kabayo itong si Ashley dahil alam nya ang pinaggagawa nya. Pero hindi ako papatalo sa kanya. "heya! bilisan mo thunder habulin mo si Lily diba mahal mo yun" sabi ko sa kabayo ko. Mukhang nakinig namn ang kabayo at mabilis itong tumakbo, ilang dipa nalang ang layo ni ashley at lily..
"Lily lets go....." narinig kung sabi ni ashley. palingon lingon siya sa akin. "hoy mark madaya ka....ang bilis ng kabayo mo ehh." ngiti lang ang binigay ko sa kanya. "see you at the finish line Ash.." sabi ko at mabilis pang tumakbo si Thunder....
Magtataka pa ba kayo kung ako ang nanalo... "oy Ash ahh hindi ako nandaya talga lang na mabilis si thunder ko, tsaka ginawa mo namn ang makakaya mo, gulat nga ako dahil marunong kang humawak ng kabayo di gaya ng ibang mga babae." Sabi ko sa kanya. "sus mabagal lang yung binigay mo sa akin, hindi counted yun noh..."
"eh mas madaya ka di ka tumutupad sa usapan." sabi ko "ok sige pumapayag na ako...1 month ahh...no more no less ok.." ngumiti namn ako. "so ano tayo na?" tanogn ko.. "oo tayo na".....
"Yes...yes... Mang leo kami naaaa...." hindi ko napigilan ang sarili ko ay tumama ang mga labi namin sa isa't isa.... bigla namn kaming naghiwalay kasi nahiya kami kay mang leo nasabi tabi lang namin siya.. "ahh ash tara na malapit ng dumilim umuwi na tayo baka hinahanap na tayo ni Lolo sa bahay" sabi ko sa kanya.. tumango lang siya..hinawakan ko ang kamay nya habang naglalakad kami pabalik sa bahay. wala kaming imikan na dalawa.
Pagbukas namin ng pinto ay nakasalubong namin si Lolo at nakatingin siya sa aming dalawa hanggang makita nyang magkahawak ang mga kamay namin tsaka siya tumawa. "Lo problema nyo?" biro ko kay lolo. "wala namn masaya lang ako na makita ko kayong dalawa...nakikita ko kasi ang sarili ko sa inyo nong kabataan pa namin ng lola mo." ngumiti kaming dalawa ni Ash.... "sige na umakyat na kayo at magshower pawis na pawis kayong dalawa. pagbaba nyo ay kakain na tayo.." pagakyat naming dalawa ni ash hindi pa rin umiimik si Ash sa akin. "Ah ash...okay ka lang ba..sorry nga pala kanina.." pagpapaumanhin ko sa kanya. "naku wala yun...." pumasok siya kaagad sa room nya.. at ako namn sa kwarto ko.
Umupo ako sa kama at napaisip. tama ba ang ginawa ko, isang buwan na magiging girlfriend ko siya. 'siguro namn Mark sapat na yan para ipunin mo ang lakas mo para sabihin sa kanya na mahal mo siya.. wag ka nga torpe Mark, parang di ka lalaki nyan ehh.' sabi ng utak ko.. makaligo na nga...
Chapter 12 is done...omg finally nakapagupdate na rin...grabe ang tagal ko palang hindi nakapagupdate..pasensiya na po....pero ito na po chapter 12 na...sana magustuhan po ninyo...
THANK YOU PO SA LAHAT NG BUMATI SA AKIN NONG BIRTHDAY KO..DI MAN LANG AKO NAKAPAGTHANK YOU SA INYO.....
![](https://img.wattpad.com/cover/3408062-288-k532217.jpg)
BINABASA MO ANG
It Started at the Coffee Shop
FanfictionDalawang Tao ang magtatagpo sa isang coffee shop at doon mabubuo ang kanilang pag iibigan. Pero hindi lahat ng tao doon natatapos iyon. Maraming pagsubok ang kailangan mong pagdaan. Pero kakayanin mo dahil sa bandang huli ang kaligayahan mo ang man...