THE Last CHAPTER of ASHLEY AND MARK

2.3K 65 20
                                    

Chapter 21

Araw ng kasal ni ashley at mark

Marami ang naging preparation sa kasal na ito dahil dinaluhan ng lahat as in lahat talaga.

"Ma'am ashley ang ganda ganda nyo po talaga!" Sabi ng isang baklang nagmake up sa akin.

"Talaga? Maiinlove bang muli ang magiging asawa ko?"

"Naku ma'am hindi lang maiinlove kundi mamahalin pa kayo ng subra subra, kayo pa eh subrang bait nyo nga po ehh!"

Ngumiti nalang ako

Sabi nila pagsubrang mahal mo ang isang tao minsan nasasabi nilang magtira din daw ako ng kunti para sa sarili ko, bakit pa kung alam mo namang siya na talaga ang una at huling taong mamahalin mo diba.

Ako kung tinanong pa ako, siya na talaga, una ko palang siyang makita sa coffee shop sa puso ko alam kung siya na talaga. Madami na sigurong nakaramdam ng love at first sight diba, alam mo yung feeling na hindi ka makatulog at hindi mapakali pag nakikita mo siya, maiparamdam mo lang ang presence mo sa kanya solve na agad ang araw mo, yung tipong may nababago ng araw mo pag nanjan siya.

Feeling ko nga isang fairy tail ang lahat, hindi mawawala sa isang pagmamahal ang isang kontrabida or isang mgiging problema, lahat namn siguro tayo ay may dumarating na problema sa buhay.

Pero sa lahat ng fairy tail dapat may happy ending, hindi dapat mawala ang isang princess at princes sa kwento, hindi man ka perpekto ng fairy tail ang aming kwento, hindi man ka perpekto ng ibang storya ng buhay ng iba masasabi kung masaya ako at dumating si mark sa buhay ko, masasabi kung sa lahat ng dumating siya ang nagbigay ng kulay sa dilim kung mundo. Sabi pa nila aanhin mo ang pera kung hindi ka namn masaya diba, oo marami nga kayong pera ang tanong MASAYA ka ba?

"Ready ka na ba ash" sabi ni bettina habang malapit siya sa akin

"Nagdadalawang isip ka ba?" Matigas na tanong nito

"Hindi ah bakit namn ako nagdadalawang isip na umatras eh ito na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko"

"May gusto palang kumausap sayo"

Tumingin ako sa kanya at nagtatanong kung sino. Bumukas ang pinto at nakita ko si britney. Lumapit siya sa akin.

"Congratulation ashley" sambit nito

"Mabuti at nakarating ka kala ko di ka na pupunta"

Ngumiti siya sa akin

"Salamat dahil sayo nagbago ang lahat sa akin, kung hindi sayo hanggang ngayun at nasa mukhang pag aari ng iba pa rin ako."

"Ano ka ba wala yun, kahit matagal na ang pangyayari hindi ko namn inaalis sayo ang maging malaya, sa tunay mong mukha diba. Masaya rin ako para sayo dahil nahanap mo na rin ang tunay na ikaw"

"Dahil pa rin sayo ang lahat kayo ni mark, kung hindi sa tulong nyong dalawa hindi mababago ang lahat!"

Nagyakapan kaming dalawa.

"Naku tama na nga ito mamaya magkaiyakan pa tayong dalawa, halika na baka malate ka pa" sabi nito.

Church

Nagdatingan na ang lahat ng mga kaibigan at lahat ng mga mahahalagang tao sa buhay ni ashley, kasama na ang mga batang natulungan nya, mga aeta na lumuwas pa ng maynila para dumalo ng kasal nya.

Sa kahabaan ng aisle naghihintay ang lalaking ubod ng gwapo, nakasuot ito ng isang silk white tuxedo, kasama nito si tom na siyang Best man nito.

Nang nagsimula na ang pag march ng mga bata at lahat ng ninang at ninong ay bigla nalang ako naiyak, naalala ko kasi ang sabi ng magulang ko nong nabubuhay pa sila. Pangarap kasi nilang ihatid ako sa harap ng altar pag ako na ang ikakasal, gusto nilang makita nila ang magiging mga apo nilang lumaki at makapag asawa. Pero kahit wala na sila ay natupad ko namn ang promise ko sa kanila ang mahanap ko ang tunay na mag mamahal sa akin at ipaglalaban ako sa lahat ng problemang kakaharapin ko.

It Started at the Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon