Mark's POV
Mula nong nagising si Ash kaninang madaling araw ay di na ulit ako nakatulog, tumayo ako at pinagmamasdan ang maganda mukha ni ash. Naiimagine ko na kung ano ang magiging reaction nya pagsinabi kung ang companya ang nakabili ng lupang yun. Kailangan ko na talgang masabi ito sa kanya. sasabihin ko sa araw ng party, kailangan kung paghandaan yun dahil kung hindi pati ang pagtatapat ko ng pag-ibig sa kanya ay mawawala pa.
Nakita kung nagmulat na ng mata si Ashley. "gising ka na ba?" tanong ko habang inaalalayan ko siyang bumangon, dahil pinipilit nito ang katawan kahit hindi pa nya kaya.
"Okay na ako, medyo na iinitan lang ako, pero pakiramdam ko magiging ok na ako, kamusta nga pala yung bata?" tanong nya sa akin. "ah sabi ng doctor ok na daw ang lagay nya, pwede na daw siyang iuwi sa kanila." nakita kung tumango si Ashley. "nagugutom ka na ba, gusto mo bang bumili ako ng makakain sa canteen.."
"hindi ok lang ako, sinabi ba ni Patrick kung pwede na ako lumabas?" kulit nito. "oo pwede ka na, pero kaya mo na bang lumabas?" tanong ko.. "oo nman kayang kaya ko na malakas kaya ako.." ngumiti ako pero nakita nya ako. "oh di ka naniniwala sa akin, kaya pa nga kitang buhatin ehh." biro nito. Pero kala ko nagbibiro siya, binuhat nya ako pero di namn nya ako naiangat, nagdabog pa siya papunta sa washroom ng hindi nya ako nabuhat.
"Sabi nila effective daw ang gatas pag uminom ka, para mas lalo kang lumakas." sabi ko habang siya nasa washroom. "che nang aasar ka pa ehh.."
Paglabas nito ay nakatali na ang mahahaba nito buhok, at maaliwalas na ang kanyang mukha. "pwede na siguro ako lumabas dito, ihahatid na natin yung bata sa bundok tapos uuwi na tayo sa maynila." sabi nito. Hindi na ako tumanggi dahil alam kung hindi ito nagpapatanggi kahit anong sabihin nito nasusunod.
"tumawag ka ba sa lolo mo baka nag aalala na yun sayo?" sabi nito. "hindi ok lang, nasabi ko rin namn kay lolo bago ako umalis ng opisina, alam mo ba kung gaano ako nag aalala sayo, kulang nalang liparin ako ang maynila pa zambales para makita ka...tsaka.." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng makita kung nakatingin na sa akin si Ashley. "ibig kung sabihin nag alala lang talga ako sayo...yun lang.." wooooh.. subrang lapit na non ahh. "salamat sa pag aalala mo ahh, alam mo ngayun lang ako na confined dito sa hospital. Pag kasi nagkakasakit ako, sa bahay lang.." kwento nito. "bakit namn.." tanong ko. "Kasi tuwing may mga isinusugod dito sa hospital lalo na yung mga matatanda, minsan walang nag aalaga sa kanila. walang nagbabantay. pero karamihan namn mayroon. Pero katulad ko na mag isa, pag nanjan sila yaya carol hidni ako nag iisa."
"Wala ka na bang mga kamag anak na naiwan dito" tanong ko. "mayroon kaso malalayo ang loob nila sa akin, kasi daw kasalanan ko kung bakit daw namatay ang parents ko, sinisisi nila ako." nakita kung lumuluha na siya. "wag ka ng umiyak."
"Yun nga kaya ayaw ko magpaconfined dahil ayaw ko ng walang kasama dito sa hospital at doon nagpapasalamat ako sayo, dahil hindi mo ako iniwan." bigla ko nalng siyang niyakap. "alam mong hindi kita iiwanan, kahit anong mangyari." sabi ko at magkayakap kami ng matagal.
Tanghali na ng maisipan ng dalawa na ilabas na ang batang ayta, at nagsimula na silang bumalik sa bundok para magpaalam. habang nasa kalagitnaan sila ng paglalakad ay bigla nalang huminto si Ash.. "Ash ok ka lang ba, sabi ko namn kasi sayo magpahinga ka pa doon sa hospital. dapat kasi hindi ako umuo eh." tumawa lang si ashley. "ano ka ba mark, isang oras at kalahati na tayong naglalakad noh, sakit na ng mga paa ko." sabi nya. "maupo ka muna dito" sabi ko sa bata at inalalayan ko siyang umupo sa damuhan tsaka ko dinaluhan si ashley na nakaupo rin. "akin na nga yang paa mo at mamasaihen ko." sabi ko.
BINABASA MO ANG
It Started at the Coffee Shop
Fiksi PenggemarDalawang Tao ang magtatagpo sa isang coffee shop at doon mabubuo ang kanilang pag iibigan. Pero hindi lahat ng tao doon natatapos iyon. Maraming pagsubok ang kailangan mong pagdaan. Pero kakayanin mo dahil sa bandang huli ang kaligayahan mo ang man...