Chapter 14

3K 60 10
                                    

Please Vote and comment Spread the Love Love Love...... 

Mark's POV

Excited na ako ngayung araw na ito, tiyak matutuwa si Ash sa gagawin ko. Maaga akong nagbihis at naligo para maisagawa ko ang mga plano ko.

"Manang si lolo po?" tanong ko pagbaba ko sa kusina. "naku nasa loob pa ng kwarto nya, hindi ko ba alam jan sa lolo mo hijo at late na namn natulog." ngumiti ako, "hayaan na po ninyong manang ganyan talga si lolo, matigas ang ulo."

"sinong matigas ang ulo?" tumingala kaming dalawa ni manang at nakita namin si lolo doon nakangiti. "goodmorning lo.. halina po kayo mag breakfast na po tayo?" sabi ko.

Pag-upo namin sa mesa ay nakatingin pa rin sa akin si lolo. "Lo bakit di kayo kumakain.?" tanong ko. "ang aga aga bihis na bihis ka..at alam mo ang tapang tapang ng pabango mo. ano yan pinangligo mo?"

"Lolo talga. hindi po may pupuntahan lang po ako."

"Date? sa ganitong oras...mana ka nga sa akin, sige ipagpatuloy mo yan ng mpasagot mo na si ashley." tumawa ang matanda. "hahaha kayo talga sige po.. wala po ba kayong check up ngayung araw Lo? tanong ko. "Mayroon pero magpapasama nalng ako kay Lorna. Basta ikaw gawin mo ang dapat mong gawin. ok."

 Pagkatapos naming magalmusal ay tumawag ako sa isang bahay ampunan kung saan isa sa mga tinutulungan ni Ashley ang mga ito. "magandang umaga po Sir Mark." sabi ng nasa kabilang linya.

"magandang umaga namn po..pasensya na po at napaaga po ata ako sa pagtawag." paumanhin ko. "naku okay lang po yun sir, Medyo naghahanda na rin po kasi kami sa pagpunta roon."

"okay magkita nalng tayo doon,"

"sige po sir."

Pagbaba ko ng phone ay tinawagan ko namn si ashley. Pero hanggang ring lang ito. "tulog pa kaya siya? imposible namn na tulog pa siya eh maaga namn yun kung magising ahh. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at pumunta sa coffee shop. Pagdating ko doon ay si dianne at mga kasama lang nito ang naroon.

"Goodmorning sir Mark...Si ma'am ash po ba ang hinahanap ninyo?" tanong nya. "wala pa ba siya dito.?"

"eh ang alam ko Sir pupunta siya pero baka late lang..." tumango ako. "sige babalik ako maya maya pakisabi sa kanya tawagan ako pag nandito na siya."

"sige po sir." lumabas ako at tumayo lang doon pero hindi pa rin siya dumating. Nagpasya nalng akong pumunta ng office para tapusin ang dapat iwanan para mamaya.

Ash's POV

Naring ang Alarm ko ng 5:30am pero tinatamad ako bumangon paano namn kasi, hindi tuloy ako nakatulog sa mga nangyari kahapon.

Bumangon ako at nagpunta sa kusina para mag almusal. Nagtimpla ako ng kape at naupo sa may verandah ng condo ko. Tanaw mo ang buong maynila.

Biglang nag ring ang phone sa desk at kinuha ko. "hello?"

"Ma'am ash di po ba kayo papasok today?" tanong ni Patrick sa akin. "mamaya pa ako pupunta jan bakit?"

"eh kasi po dumaan po kasi si Sir mark dito at hinahanap kayo" nagising ang diwa ko sa sinabi nya. Sht patay oo nga pala may lakad kaming dalawa.. "okay sige pupunta na ako." dali dali kung binaba ang phone at biglang may nag doorbell.

Sinilip ko kung sino ang nasa labas nakita ko si Mark. 'hmp anong ginagawa nya dito, di ba siya nakapaghintay sa coffee shop at ito pinuntahan pa ako.

Pagbukas ko ng pinto ay bulaklak agad ang bumungad sa akin. "Goodmorning Sleepheads" ngumiti nalang ako. "goodmorning.. Sorry nawala sa isip ko. Pasok ka." hindi ito ang unang pagpunta ni Mark dito sa condo ko. lagi kasi nya akong dinadalaw dito at nagbibigay ng mga flowers.

It Started at the Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon