Chapter 8

3K 55 21
                                    

ashley's POV

Kinabuksan ay naging mabigat ang pakiramdam ko, Sumasakit ang ulo ko at mga katawan ko. kinuha ko ang Mga gamot ko at uminom.

Pagbaba ko nakita ko si Nana lurdes.. "oh bakit ka bumangon inaapoy ka ng lagnat kaninang madaling araw, ok na ba ang pakiramdam mo." tanong nya sa akin. "ok na po inang..medyo masakit lang po ang katawan ko.." sabi ko. "kaya nga magpahinga ka nalang muna, ako na ang bahala dito, sabi ng mga kasama mo eh sila nalang daw muna ang bahala sa center at ikaw ay magpahinga." sinunod ko namn ang sinabi ng matanda. Umakyat ako sa taas at nahiga ulit.

Pagkahiga ko nakita kung tumatawag si Mark..

"Hello" sagot ko pero malat na ang boses ko. "kamusta ka na jan, nakatulog ka ba ng mabuti?" tanong nito.. "wait bakit ganyan ang tuno ng boses mo, may sakit ka ba?" tanong nya ulit sa akin. Hindi namn kasi maikakaila sa boses ko palang halata na. "Wala ito, kunting lagnat lang" sabi ko pero narinig kung pag-urong ng silya nito sa kabilang phone. "Mark...Mark listen...wala ito...kunting lagnat lang nadadaan ito sa gamot..uminom na ako" narinig ko siyang bumuntong hininga..

"Ok na ba ang pakiramdam mo, gusto mo ba sunduin na kita jan?" mahinang tanong nito. "oo ok na ako rito, mamaya siguro magiging ok na ang pakiramdam ko.."

"Pero gusto mo ba sunduin na kita jan?"

"Mark ok na ako...kaya ko na, tsaka bukas or the next day uuwi na rin ako, Pero kung hindi ako magiging okay, then uuwi na ako, ayos ba un"

"Pero pwede bang ako nalng ang susundo sayo jan, gusto ko kasing makatiyak na okay ka eh." nagaalala pa rin ang tinig ni Mark.

"wag kang mag alala, ikaw ang una kung tatawagan pag di ako naging okay, basta sa baba ka nalgn maghintay ahh wag ka ng aakyat.." sabi ko at ngumiti ako.

Nakita kung sumenyas sa akin si Cheska sa may bintana. "Mark i have to go..may pasyente pa akong pupuntahan." sabi ko, pero narinig ko ang sinabi ni Mark. "Ash namn eh may sakit ka kala ko ba magpapahinga ka...." napindot ko na ang end botton.

Bumaba ako at nakita kung naghihintay si Cheska sa labas. "anong problema?" tanong ko. "Yung bata kasing sinugod dito kahapon ayun inaapoy na namn ng lagnat, anong gagawin natin," naglakad ako papunta center at nakita kung inaapoy nga ito ng lagnat. Cheska Call Doc Patrick, sabihin mong bababa tayo..wala sapat na gamit dito para sa kanya."

"Okay sige tatawagan ko na siya." sabi nito. "salamat cheska," pagkasabi ko ay tinawag ko ang isang volunteer at pinakiusapang tulungan akong bihisan ang bata.

Kinausap ko ang Ina nito na ibaba lang namin sa pinakamalapit na hospital ang bata, at pumayag naman ito. ilang oras lang na paglalakad ay narating na namin ang highway, naghihintay na roon ang isang ambulance doon. Pinasok namin ang bata sa loob nito, ng biglang nang hina ang tuhod ko sa pagakyat pero inalalayan ako ng nurse ng ambulance.

"Salamat"

"Ma'am mataas din po ang lagnat ninyo?" narinig kung sabi ng nurse. "okay lang ako ang inaalala ko ay itong bata..kaya bilisan nyo." sabi ko sa kanila. Pinakiramdaman ko ang bata, medyo bumaba na ang lagnat nito dahil sa binigay kung gamot bago kami bumaba.

Pagdating namin sa Hospital ay sinalubong kami ng kaibigan kung si Doc Patrick, siya na ang umasikaso sa bata habang ako ay naghihintay ng resulta sa labas ng ER. Pero nakaidlip na ako sa kakahintay. Medyo sumasakit na rin ang ulo ko.

Mark's POV

Medyo nag alala ako ng marinig kung hindi okay ang pakiramdam ni ashley. Gusto ko na talgang Puntahan ito. Gsuto ko siyang makita at alagaan. Palakad lakad ako sa loob ng Opisina ko ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko. "Goodmorning Sir, Narito po si Don Bernardo" nandito si lolo? "Sige papasukin mo siya" sabi ko tsaka ako nag ayos ng kunti at binati ang matanda.

It Started at the Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon