Chapter 4

2.6K 56 12
                                    


Ashley’s POV

Ewan ko ba...Ewan ko talga bakit ako pumayag sa date na ito..Pero hindi ito date, Lalabas lang kami dahil...Ay ewan.. litong lito na ako.

Nag ring ang cellphone ko, nakita ko si Bettina ang tumatawag.

“hello” sagot ko... “Waaaaaaaaaaaaaa is it true friend, inaya ka ni Mr. Trinidad na lumabas, Mas mabilis namn pala yun Friend.”

“Che!! tumigil ka nga, hindi yun Date, lalabas lang kami, walang bahid na kahit na ano yun, kaya tumigil ka.” sabi ko sa kanya, habang inaayos ko ang buhok ko.

wait sinabi ko bang inaayos ko ang buhok ko. Nagpapaganda ba ako???

“Hello?? Ash lalabas kayo it means Date yun...Shunga ka talaga.” aba namimihasa ata itong si bettina kakashunga sa akin ahh..

“Ah basta, hindi ito date...bakit ba ako nag kwento sayo...” nakita kung nag ring ulit ang phone ko. Si juliet namn ngayun ang tumatawag. “sandali nga tumatawag din si Juliet.” sabi ko kay Bettina. hinold ko muna si Bettina at sinagot si Juliet. Pero alam ko na ang sasabihin nito. Tungkol sa Date nila ni Mark. ‘Pero hindi yun DATE OK..’ sabi ko sa sarili ko. “oh ano magtatanong ka rin tungkol sa Date namin ni Mark.” sabi ko kay Juliet.

“Huh May Date kayo ni Mark?? yung matangkad na lalaki sa bar kagabi?” nagulat ako kay Juliet. “wait hindi yun ang itatanong mo?” sabi ko. “Hindi? itatanong ko sana kung Free ka next week, samahan mo ako sa Palawan para doon sa sinasabi kung mga project na ginagawa ko. Wait Ash, totoo ba talgang may date kayo?” Napabuntong hininga ako. “Juliet pwede ba bukas nalngn ako mag kwento sa inyo. marami pa akong gagawin ok..sige na..bye na.” sabi ko. “sige ikwento mo sa amin ng bonggang bongga.” tsaka na nya binaba ang phone, Binalikan ko si Bettina na nasa kabilang linya pa.

“bettina pwede bukas nalng ulit tayo mag usap, may gagawin pa ako.” pag papaalam ko. “oh siya sige, paganda ka ahh, alam mo yung niregalo ko sayo nong pasko yung Red dress mo, yun ang isuot mo..” sabi nya tsaka nya binaba ang phone.

Nagpunta ako sa closet ko at hinahap ang sinasabi ni Bettina na damit, Nakita ko ito, hindi ko pa yun na susuot, maganda namn siya, kaya yun nalng ang sinuot ko. Nilugay ko lang buhok ko. Para simple ang ayos ko.

Mark’s POV

“Tim wag mo nga akong guluhin, bakit ka ba kasi nandito, sinabi ko lang na may date ako kumaripas ka kaagad dito sa condo ko. Tsaka wag ka nga masyadong nagpupunta dito. Hindi mo ba alam na taga dito rin si Ashley kung makita ka lagot ako.”

“Ikaw namn Pare, Sympre kailangan kitang suportahan, ngayun ka na nga lang ulit lumabas at ang seryoso sa mga babae mo. Ano bang nakain mo at inaya mo agad ng date itong si Ashley, dahil ba nakikita mo sa kanya si Cam.” sabi ni tim sa akin

“Tim, Ashley and Cameron is different okay. Wag mo silang ikompara sa isa’t isa. Nagkataon lang na mas nagiging malapit ako kay Ash dahil parang pinag tatagpo kami.” sabi ko.

“Pinagtagpo kayo? so soulmate ba ang tawag sa ganon pare?” sabi nya. “hindi ko alam, ang gusto ko lang ay mas lalo kung makilala ang tulad ni Ashley, Piling ko kasi mayroong iba sa kanya, na gusto ko pang malaman.” sabi ko habang inaayos ko ang suot ko.

It Started at the Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon