Yves's pov
Sobrang lawak ng ngiti ko ng makalabas ako sa opisina ng dean. Pinag usapan kasi namin ang about sa scholarship ko. May exact grade kasi na hinihinge para maka sama sa scholar at sa awa ng Diyos ay naka sama ako sa mga naka abot do'n.
"How did it go?" Agad na bungad sa akin ni Keoni kasama si Monique.
Ngumiti ako ng malawak. "I passed..."
Nanlaki naman ang mga mata nila at sabay sabay na tumili kaya naiiling nalang akong napatakip sa tenga ko.
"Congrats bebe!"
"Sabi ko sayo makaka sama ka eh!"
Kaniya kaniya nilang komento na siyang ikinangiti ko lalo.
"Thank you." Tanging pasalamat ko sa kanila. Niyakap naman nila akong dalawa.
"We need to celebrate this mah prennddd kaya arat na, libre ko." Keoni said at pumalakpak palakpak pa.
"Wag na, ano ka ba. Ako nga dapat ang nanglilibre eh kasi ako yung naka pasa." Pigil ko sa kaniya. Hinawakan naman nito ang pisnge ko sa mag kabila at tsaka pinisil.
"Aray! Bitaw Keoni, sasapakin kita!" Saway ko sa kaniya at pilit na inaalis ang pag kakahawak niya sa pisnge ko.
"Titigil ako pag pumayag kana." Tumatawa tawa nitong turan.
"Keoni hindi ako nakikipag biruan!" Muli ko'ng saway at sinubukang abutin ang mukha niya para sana pisilin din ang pisnge niya pero agad siyang naka layo.
Napapailing at tawa lang naman nang tawa si Monique na nanonood sa amin.
Sa sobrang kaka aabante niya at kaka atras ko para mapalayo siya sa akin ay hindi ko namalayang may tao pala sa likod ko.
Agad naman kaming napa tigil ni Keoni at tiningnan ang nabangga namin para huminge ng paumanhin. Kita pa namin na nalaglag ang iba niyang dala.
"Pasenya na po." Turan ko at agad na pinulot ang mga gamit niya. Nang matapos kong pulutin ang lahat ng nalaglag ay inabot ko iyon sa nabangga ko.
Nag angat ako ng tingin para makita ang mukha ng nabangga ko ng saglit akong matigilan ng masilayan ko ito.
Bahagya pang napakunot ang noo ko habang sinisipat ko ang kaniyang kabuoan. Mukha kasi siyang greek goddess na kakalabas lang sa Olympus. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero nanatili lang akong naka tulala sa harapan niya.
Kita kong gumalaw ang labi niya pero wala akong salitang naririnig do'n hanggang sa may tumapik sa balikat ko na siyang nag pabalik sa akin sa reyalidad.
"Are you deaf?" Walang emosyon nitong tanong. Napailing iling lang naman ako bilang sagot na parang pinutulan ako ng dila.
"Then move." Muli nitong saad kaya agad naman akong napatabi para maka daan na siya. Nag lakad naman agad siya palayo na parang walang nangyari habang ako ay naka tanaw padin sa pigura niyang papalayo. Kita ko pa ang muli nitong pag lingon sa direksyon ko bago nawala ng tuluyan sa aking paningin.
"Kilala mo ba 'yon?" Tanong sa'kin ng kung sino.
"Hindi." Halos pabulong ko ng sagot.
"Hindi mo pala kilala pero kung maka titig ka wagas!" Saad nito kaya nilingon ko siya at binatukan.
"Titig mo mukha mo, tiningnan ko lang eh!" Pangangatwiran ko. Umismid naman siya sa akin.
"Tiningnan ba yun? Halos ma stuck na nga yung mata mo sa mukha niya sa sobrang titig mo." Pambubuko niya. Inirapan ko nalang siya at nag iwas ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/307739330-288-k938553.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss Cleomonte's Slave
Romance(Montegery International Elite Series 1) *** "Be my slave." She said as she looked at me with no emotion visible in her eyes making me gulp. TAGALOG/ TAGLISH/ FILIPINO LANGUAGE