Chapter Four

35.5K 1.4K 415
                                    

Yves's pov



Hindi ko na nabilang kung naka ilang bote na ako ng beer. Kanina pa kaming umiinom nila Keoni dito sa night harbour. Nag yaya kasi ang abnormal na si Keoni dahil problemado daw siya.

"Hindi ko naman kasi alam na aabot talaga sa ganun 'yon. It was supposed to be a joke!" Maktol nito at uminom ulit ng beer na hawak niya.

"Tsk. Kung hindi kaba naman kasi abnormal. You know naman kung gaano ka seryoso at strikto ang parents ko tapos dadali ka ng ganun." Sermon ni Monique sa kaniya.

"Hayaan mo na, diba may gusto ka naman talaga dun?" Sabat ko at napailing iling nalang. Matagal na kasi daw patay na patay itong si Keoni sa Ate ni Mon. Simula bata palang sila ay crush na crush niya na ito kaso hindi daw siya nito gusto dahil straight daw.

Ouch, pain, pighati para kay Keoni.

"Meron nga pero ayoko naman na matali kami agad. Jusko lalapain ako ng buhay nun for sure." Problemadong problemado nitong turan.

"Goodluck sa Ate ko Keoni." Pang aasar ni Monique at tinapik tapik pa sa balikat si Keoni na siyang ikinasimangot lalo nito at inisang lagok ang laman ng beer niya.

Ang abnormal kasi na si Keoni ay may ginawa nanamang kalokohan. Nung nalasing kasi siya ay nag drama drama siya sa harap ng parents ni Monique na ginahasa daw siya ng Ate ni Monique at ayaw daw siya nitong panagutan kaya ayan imbes na sa Kuya ni Keoni ipapakasal ang Ate ni Mon ay sa kaniya nalang ngayon pinag kasundo.

"Panindigan mo kabaliwan mo, ginusto mo 'yan." Pang aasar ko din at napailing nalang.

"Abnormal kasi." Pahabol pa ni Monique kaya halos maiyak na si Keoni dahil hindi daw kami nakaka tulong sa kaniya.

"Parang hindi ko kayo kaibigan ah! Napaka supportive niyo grabeh." Maktol pa nito.

"Lesson learned, mag tino kana kasi." I said and laugh at her.

"Matino naman ako ahh... pag tulog." Naka ngisi nitong turan.

Hindi ko na siya pinansin at nag bukas nalang ng panibagong beer.

"Yves nakakarami kana baka malasing ka niyan." Saway sa'kin ni Monique at akmang kukunin ang beer sa akin ng pinigilan ko siya.

"Last na 'to promise. Need ko lang nito ngayon." Kunot noo niya akong tiningnan.

"What do you mean? May nangyari ba?"

"Nah, wala naman. Stress lang, gusto ko lang mag unwind." I lied and smile at her. She doesn't seem convinced though kaya hinalikan ko siya sa pisnge.

"Don't worry, wala talaga."

"Okay, if you say so." Buntong hininga niyang turan.

"Teka, its almost nine o'clock na ah. Hindi ka pa ba uuwi? Hindi sa pinapauwi na kita ha pero you know na." Keoni said while checking her watch.

"Nag paalam na ako na matatagalan akong umuwi. Si Yuan naman nasa bahay ng kaibigan niya. Ipinag paalam sa akin kanina na mag sleep over daw sila dahil request nung anak niya."

"Great then! Sleep over din tayong tatlo." Monique suggested.

"Ooohh nice idea! This will be fun. Are you in, Yves?" Keoni agreed right away.

"Hmm.. I don't know. Need ko kasi sunduin ng maaga si Yuan dun tsaka may trabaho ako."

"You can borrow clothes naman eh tsaka pwede natin daanan si Yuan tapos mga tanghali na kayo umuwi pag duduty kana." Pa ngungumbinsi nila sa akin at nag puppy eyes pa.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon