Chapter Twenty Eight

34.2K 1.2K 931
                                    

Yves's pov




"Sandali lang po." Rinig kong pag sagot ni Yuan sa kumakatok kaya kunot noo akong sumilip mula sa banyo kung sino yung umagang umaga ay nambubulabog nanaman.

"Oh hi baby boy, where is your sister?" I heard a melodic voice ask.

Oh shoot I forgot na ngayon nga pala ang start ng kabaliwan nilang panliligaw daw sa akin at salitan sila ng araw.

"Nasa bathroom pa po, pasok muna po kayo habang iniintay si Ate." Sagot ng kapatid ko sa kausap niya.

Nag madali naman akong mag toothbrush at lumabas ng banyo.

Naabutan kong prenteng nakaupo si Miss Garcia sa may couch at nililibot ang paningin sa paligid. Napagawi ang tingin niya sa akin at agad siyang tumayo para lumapit sa akin.

"Goodmorning Mon chou!" She happily greeted me and was about to kiss my cheeks when someone tug her shirt, pulling her away from me.

"No kissing allowed po hangga't hindi pa kayo ng Ate ko." Yuan said while wiggling her fingers in a No motion.

Napangiti naman ako dahil he's acting like a big brother which is so cute. He knows about Miss Garcia and Miss Cleomonte courting me. Sinabi ko sa kaniya para hindi siya malito kapag bigla silang sumusulpot specially si Miss Garcia.

"Awe..ang protective naman baby brother mo. Okay then pumpkin, I respect your rule." Miss Garcia said at pinisil ng marahan ang pisnge ni Yuan.

Nakacross arms lang naman si Yuan at tumango tango kay Miss Garcia bago ngumiti.

"Are you guys ready na ba? Did you eat breakfast?" Baling na tanong sa akin ni Miss Garcia.

"Ahm..kakain palang po Miss Garcia. Napa aga po kayo ng slight..." Kakamot kamot sa ulo kong tugon.

"Oh..sorry but hey no worries let's just eat outside." She said and look at Yuan. "Is it okay with you pumpkin?"

"Hmm..Ate?" Tanong naman sa akin ni Yuan. Sinilip ko muna sa kusina kung may makakain ba kaming almusal bago pumayag nalang kay Miss Garcia ng makitang hindi pa ako nakaka luto baka malate ni Yuan kapag nag luto pa ako.

"Great then, lets go." Masaya nitong saad at hinawakan ang kamay ni Yuan at sabay na silang lumabas since huli talaga ako dahil need ko pang I-lock yung bahay.

Sumakay kami ng kotse ni Miss Garcia at dumiretso sa kainan na malapit sa school namin para mag almusal.

Pinag buksan niya pa ako ng pinto ng kotse at ipinag usog ng upuan ng makahanap kami ng vacant table.

"Thank you." Pasalamat ko ng maka upo ako. She mumbles a small welcome and wink at me.

Umorder na kami at nag presinta na si Miss Garcia na siya na daw ang mag babayad. Tumanggi ako pero masyado siyang makulit kaya sa huli ay wala akong nagawa at pumayag nalang.

Pag katapos naming kumain ay inihatid namin si Yuan bago dumiretso sa school namin.

"Your brother is so cute just like his sister." Banat ni Miss Garcia at kinindatan pa ako habang nag lalakad kami papunta sa first class ko dahil nag offer siya na ihahatid niya daw ako.

Napatawa naman ako napailing iling nalang sa kaniya.

"Basketball player ka po ba Ma'am?" Tanong ko sa kaniya. Kunot noo niya akong iniling ilingan.

"Bakit? Are you attracted to Basketball players? Cause I can learn how to play basketball just for you." Sagot nito kaya alanganin akong napa kamot sa batok ko.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon