Chase's PoV
"A-a-ayoko!! P-pa!"
Halos paliparin ko na sasakyan ko nang matanggap ko mensahe ng isa sa mga katulong namin tapos ganito pa maririnig ko pagdating ko ng bahay.
Tinakbo ko agad papasok only to see Cassidy's dad holding her hair
"Lumalaban ka na ngayon?! Ha?!"
"Sir tama na yan! Nasasaktan na si mam!"
Nanilim ang paningin ko sa nakita ko that all I was able to do was to punch her father.
"Oh my gosh! Gregory!" Sigaw ng asawa nito
"How dare you do that to my wife?!" Sigaw ko pa sa kanila bago ko nilapitan ang asawa ko at niyakap
"Okay ka lang? Ha? Talk to me Cassidy" sambit ko pero umiiyak lang si Cassidy sa dibdib ko
"Nanay Feliz pakidala si Cassidy sa kwarto" sambit ko pero nagsalita ang ama niya
"You can't do that!"
"Of course I can. Asawa niya ako. Ako may-ari ng bahay na to. And as far as I know, you're not welcome here!"
"Bastos ka ah!"
"Let me get this straight. Ano pa bang kailangan niyo kay Cassidy?"
"Anak ko pa rin siya!"
"So? That doesn't give you the right to hurt her. Magulang niya lang kayo, hindi amo. Maidagdag ko lang, ang respeto binibigay ko sa taong karapat-dapat, hindi kayo kasama dun. Guards, pakiescort na sila palabas ng village and ban them from coming back" sambit ko sa village guards na sinama ko pabalik ng bahay
"We're not done with you!"
"Kalabanin niyo si Cassidy, uunahin niyo muna ako bago niyo siya makuha ulit." Sambit ko before I closed the door of my house
"Nay, kamusta si Cassidy?" Sambit ko nang lumabas si Nanay Feliz ng kwarto namin
"Umiiyak pa rin sir... bumalik yung trauma nung bata sa magulang niya..."
"Nay, pwede magtanong?"
"Ano yun sir?"
"Bakit ganito sila kay Cassidy?"
"Sir ang alam ko lang po kasi ang tingin nila sa bata malas, dahil sa sakit niya"
"Dahil lang dun?!"
"Simula po kasi ng ipanganak si mam Cassidy, sumakto na nagsunod sunod aberya nila sa negosyo, isinisisi nila sa bata yung nangyari lalo na nung nalaman nila kundisyon niya"
"They're fcked up!"
"Hindi ko din ho alam ano pa pwedeng gawin nung bata para ituring siyang tao ng mga sarili niyang magulang... awang awa na ko dun sa bata sir, apakabait pero hindi makaramdam ng pagmamahal sa magulang niya"
"Hindi niya kailangang mamalimos ng pagmamahal nay, kung di kayang ibigay ng magulang niya yung pagmamahal, ako na lang magbibigay nun. Tayo. Nay, tulungan niyo ko kay Cassidy... ayoko makita siyang ganito"
"Ang laki nga po ng pasasalamat ko sa inyo kasi ang layo agad ng nakita kong pagbabago kay Cassidy dito sa bahay niyo sir... andito lang po ako para sa inyo wag kayong mag-alala. Puntahan niyo na po si Cassidy, kailangan niya kayo ngayon"
"Sige po nay, salamat"
"Cass?" Pagtawag ko sa kanya pagpasok ko ng kwarto pero wala siya sa kama
"Cassidy where are you?" Pagtawag ko pa ulit dito pero walang sumasagot hanggang sa nakarinig na lang ako ng hikbi mula sa closet ng kwarto
"Cass are you there? Hon?" Pagtawag ko bago ko dahan dahang binuksan yung pinto ng closet and there I saw her hugging her knees crying
"Cass..." sambit ko holding her but she flinched
"Hey... ako to Cassidy... si Chase to..."
Pagkasabi ko non unti unti siyang tumingala saken showing me her puffed eyes.
"Hey... stop crying. Wala na sila. Okay? I'm here Cassidy" sambit ko wiping her tears away pero bago ko pa natapos gawin yun she stepped out the closet and hugged me crying
"Sshh... tahan na. Cass, wag ka na umiyak..."
When she calmed down a bit binuhat ko na siya pabalik sa kama at pinahiga para makapahinga.
"Wag mo na isipin yung nangyari ha? Get some rest..." sambit ko caressing her hair habang nakatulala pa rin siya sa kisame
"C-chase..."
"Hm? May gusto ka ba?"
"M-masama b-ba kong tao? K-kasuklam suklam b-ba ko?"
"What? No, Cassidy. Of course not"
"B-bakit... bakit g-ganun sina pa-papa... h-hindi ko naman ginusto ma-magkaganito ehh... s-sana n-namatay na lang a-ako"
"Hey, tsk. Don't say that. Walang problema sayo Cassidy okay? Tandaan mo yan. The problem is never with you. Sila ang may mali Cassidy..."
"P-pero..." sambit niya na para bang maiiyak na naman
"Sshhh." Sambit ko wiping her tears away, "magpahinga ka na. Don't even think of hurting yourself. Ako yung masasaktan pag ginawa mo yun"
"C-chase..."
"I love you... okay? I don't care about anything else. Just be with me, ako bahala sayo"
"C-can I hug you?"
"Of course..." sambit ko bago pumwesto sa tabi niya letting her hug me habang hinahaplos ko ulo niya hanggang sa makatulog siya.
BINABASA MO ANG
Zealously Yours
RomanceHe's a well known... artist... I'm someone... who stutters, whose parents are never proud... whose not fit to be with him... or am I the only one thinking that way?