Cassidy's PoV
"Mam?"
"P-po?"
"Mam may tumatawag po, Sammy daw"
"H-ho?"
"Nasa landline po mam"
"S-sige s-salamat" sambit ko bago pumunta sa telepono
"Is that you stutter girl?! Hey! Answer!" Bungad agad sa tenga ko ng ate ko
"A-ate..."
"Pick me up in the guard house. ASAP! Bye" yun lang sinabi niya bago niya binaba yung tawag... pero nanatili lang akong nakatayo sa may telepono
"Mam? Okay ka lang?"
"O-opo"
Chase's PoV
"Omg Chase hi!" Masiglang bati ni Deina pero hindi ko siya pinansin
"Kamusta ka na? Long time no see!"
I wore my headphones bago nagpatugtog ng malakas only to stop hearing her. Even her voice annoys the fck out of me
Chase's PoV
"Hello po?" Sagot ng isa sa mga katulong namin sa bahay
"Yaya, si Chase to. Andyan ba si Cassidy? Is she asleep?"
"Sir, kanina po nakatambay lang siya sa salas ehh tapos pagbalik ko wala na dun. Sabi po ni Manang Feliz lumabas daw"
"San daw pupunta?"
"Hindi ko alam sir eh, hanapin ko po ba?"
"Yes please. Pakisabi na din kung bumalik agad to please call me"
"Okay po sir"
"Salamat, ya" sambit ko bago ko binaba ang tawag
"She ran away?" Komento pa ng katabi ko
"Baka nagtago na, haha. Nahiya na para sa sarili niya"
Parang nagpanting tenga ko sa narinig ko
"Isang buka pa ng bibig mo kakalimutan kong babae ka Deina"
"What? Haha sinasabi ko lang naman. Umalis ng walang paalam? Ehh kung wala naman siya pupuntahan bakit di niya sinabi sayo right?"
Tumayo na lang ako at lumabas ng dressing room bago pa ko makapanapak ng babae.
BINABASA MO ANG
Zealously Yours
RomanceHe's a well known... artist... I'm someone... who stutters, whose parents are never proud... whose not fit to be with him... or am I the only one thinking that way?