Chase's PoV
"We've done some tests kay misis, Mr. Montemayor. She's 2 weeks pregnant"
"P-po?"
"Buntis po asawa niyo sir"
"Talaga?!"
"Yes sir congratulations"
"S-salamat po!"
"Hindi pwedeng mastress at maoverwork si misis okay? Keep her healthy and happy. I'll visit her later para maadvise din mismo yung pasyente"
"Okay po. Thank you dok!"
Cassidy's PoV
"P-po?"
"You're pregnant Mrs. Montemayor. Congratulations"
"T-totoo ba?"
"Yes, hon... kaya ka daw nagsuka tsaka nahilo because you're pregnant" sambit ni Chase na malaki ang ngiti sa labi pero mas may namuong katanungan sa utak ko bago ko magawang maging masaya.
"D-dok?"
"Yes mam?"
"M-ma-mamamana ba ng a-anak ko y-yung sakit ko?"
"Cassidy..."
"C-chase... gusto k-ko lang m-malaman... a-ayoko m-magaya sakin y-yung anak k-ko"
"Well... stuttering is usually a hereditary issue so there's a possibility... pero mas nagagamot siya sa mga bata basta madiagnose agad at matherapy"
"You'll be fine, Cassidy... okay?"
"C-chase I-I'm scared..."
"Don't worry okay? Come here..." sambit ni Chase pulling my head to hug me
"Maiwan ko na kayo... once the patient feels fine pwede naman na kayong umuwi. I'll accomplish your recommendation for release"
"Thank you po" sambit ni Chase bago kami iniwan ng doktor.
"Cass... don't stress yourself too much. Magiging okay kayo ng baby, ha?"
"I-it's just... a-ayoko m-maranasan ng a-anak ko yung mga n-nangyari sakin..."
"Hindi niya mararanasan yun okay? We'll be there to make sure he or she won't feel indifferent kung makuha man niya yung sakit mo. We'll make him or her feel loved, okay?"
"C-chase..."
"Ang mahalaga ngayon magpalakas ka. Ingatan mo yung sarili mo pati anak natin. Ha? Please?" Sambit niya sitting beside me cupping my face
"Come on... smile for me hon..."
Kahit marami pa rin akong hesitations sa utak ko pinilit ko na lang ngumiti kay Chase
"There you go. Ang ganda ganda mo ehh wag ka sumimangot"
"B-binobola mo na ko ehh"
"Hindi ah. Kelan ba kita niloko?"
Imbis na sagutin siya napanguso na lang ako kasi wala naman nga akong maalalang pagkakataon na hindi siya nagsabi sakin ng totoo.
"U-uwi na tayo"
"Okay... ayusin ko lang papers mo" sambit niya kissing my lips before heading out the room.
Naiwan ako mag-isa sa kwarto habang inaasikaso ni Chase yung mga papers ko pero wala pang limang minuto nakakalipas may napapansin na kong mga taong sumisilip sa pinto. Yung pinto kasi ng kwarto may maliit na salamin na masisilip mo yung loob.
Nung nakita kong dumadami na yung nakasilip napatakbo ako sa banyo... n-nanginginig ako.
The last time I got faced with a lot of people was when my parents shamed me in front of everyone.
"Speak up straight!"
"P-pa..."
"Ang ganda pa naman sana pero bulol"
"Sayang yung ganda nung bata"
"M-ma..."
"Stop acting up will you?!"
"I-i-I-I'm not. P-please..."
Simula non sa tuwing may titingin saken o magbubulungan bumibilis na tibok ng puso ko tapos nanginginig yung katawan ko...
Bumabalik saken yung mga panahong sobrang baba ng tingin saken ng mga tao... parang nagiging bulong sila lahat sa tenga ko
"T-tama na... tama na..."
BINABASA MO ANG
Zealously Yours
RomanceHe's a well known... artist... I'm someone... who stutters, whose parents are never proud... whose not fit to be with him... or am I the only one thinking that way?