"Nay? Ano pa ba pwede kong gawin para tanggapin niya sa sarili niya na mahal ko siya?" Sambit ko kay nanay feliz pagkatapos kong bigyan ng pagkain si Cass.
"Nak intindihin mo na lang... hindi sanay si Cassidy na may nagpapahalaga sa kanya gaya ng ginagawa mo"
"Alam ko naman yun kaya nga lahat ng ginagawa ko was for her to feel secure..."
"Natatakot lang yung tao nak... na baka pag tinanggap niya sa sarili niya na may taong totoong nagmamahal sa kanya, umalis din agad"
"Ganun ba ko nay?" Tanong ko kay Nanay Feliz.
Hindi ako galit kay Cassidy... iniisip ko lang sa sarili ko ano pang pwede kong gawin... because the last thing I'd ever want to do was to leave her... pero parang may harang pa rin sa kanya.
Hindi din naman ako agad nagmahal pero nung nalaman ko na siya yung babaeng nakausap ko sa playground nung mga bata pa kami, mas lalo lang akong nahulog sa kanya. Nakita ko higit pa sa pananalita yung kung sino talaga siya.
"Alam ko na alam mo sa sarili mo kung sino ka talaga, Chase. Konting pursigi pa anak. Nakikita ko namang masaya sayo yung alaga ko ehh... wag ka nang magtampo dun sa bata"
"Ano pa nga ba nay... mas di ko naman kaya kung umalis na lang siya bigla ng walang paalam"
Cassidy's PoV
H-how should I approach him... I... I need to say sorry... I need to talk to him...
Nagmumuni muni lang ako sa sarili ko sa loob ng kwarto namin because I don't know how to approach him once I step out of this room... baka galit pa siya saken...
"Bakit dyan ka nakaupo?"
Napatingala ako sa nagsalita... ni hindi ko namalayang pumasok na ng kwarto si Chase. Sa sahig kasi sa tabi ng kama ako nakaupo... naging habit ko na din siguro sa tuwing may iniisip ako na dito pumwesto
"I-I..." I'm sorry... I wanted to say that to him pero lumapit lang siya at inalalayan ako paupo sa kama.
"Wag kang umupo sa sahig malalamigan ka nyan..."
"C-chase..."
"Nagugutom ka na ba? Nakapagluto na sina manang ng pangtanghalian"
B-bakit ang bait pa rin niya saken? Hindi ba siya nagalit? I disappointed him, right?
"Gusto mo ba matulog ulit? Iiwan na lang muna kita para di kita maistorbo"
I bit my lips not finding any words to say pero nung paalis na ulit siya I held his hand to stop him
"Cass? Bakit?"
"S-s-sorry... I'm sorry..."
Napayuko ako biting my lips kasi naiiyak ako. I don't want to lose him...
Narinig ko na lang na bumuntong hininga siya bago niya inalis ang kamay ko. Akala ko lalabas na siya but then he knelt down in front of me
"Cass, hey. Look at me. Don't cry... come on"
"S-sorry... I'm sorry"
"No... don't say that... hindi naman ako galit sayo... ano ka ba?"
"C-chase..."
"Naiintindihan ko naman... takot ka. Everything was new to you. Kaya ganun ang naiisip mo. Hindi pa rin buo tiwala mo saken... and I don't hate you for that. At least alam ko kulang pa yung ginagawa ko. That I still need to do more"
"N-no... no... Chase... I..."
"You what? Cass, hindi ako galit. Relax okay?"
"B-but you didn't talk to-to me"
"I just gave you space... two hours lang naman yun... hindi kita matitiis"
"H-hindi ka g-galit?"
Instead of answering he cupped my face before he smiled tsaka umiling.
"Wag ka umiyak tsk. Lika nga" sambit niya before he sat beside me and hugged me. I hugged him as tight as possible. This is the only way I can calm myself down
"Higpit naman niyan, haha"
He tried to pull away pero hindi ako bumibitaw
"Wag ka na nga umiyak ano ba yan? Haha"
"Chase..."
"As long as everything you show and tell me was the truth, kahit maguguluhan ako, yun yung tatanggapin ko at paniniwalaan ko. Yun lang naman hihingin ko sayo ehh... pagkatiwalaan mo ko"
"I'm sorry..."
"I told you wala kang dapat ipagsorry. Stop that"
"Hey..." sambit niya pushing me slightly to see my face, "I've decided to take this path, there's no way I'm turning back okay? Hindi kita iiwan"
"D-do I r-really deserve y-you?"
"Why not?"
"K-kasi..."
"Kasi hindi ka makapagsalita ng diretso? Ano naman? There's a lot more ways we can communicate other than talking. Tsaka wala akong pake kung nagsstutter ka. Ang mahalaga saken yung kalooban mo. I may not fully understand things at this point pero don't ever think na naiinis ako sa pagssalita mo"
"B-bakit ka ganyan..."
"Ha? Anong ginawa ko?"
"Y-You seem t-too perfect f-for me"
"Of course not. I still have flaws, madami pa din akong dapat ayusin sa sarili ko. I'm not 'perfect' Cass, walang ganung tao"
Kumapit lang ako sa braso niya as I leaned my head on his shoulder
"Hindi ka pa nagugutom?"
"No..."
"Want to rest?"
"No..."
"Anong gusto mong gawin?"
"D-dito k-ka lang... ple-please"
BINABASA MO ANG
Zealously Yours
RomanceHe's a well known... artist... I'm someone... who stutters, whose parents are never proud... whose not fit to be with him... or am I the only one thinking that way?