SENKA JONES“Sinundan mo ba ako?” tanong ko, nilapag ko ang gatorade sa tabi ng aking bag. Maya-maya magpa-practice na kami.
“H-Hindi,” sagot n'ya. “Inutusan ako ng couch na ako ang maglilista ng attendance n'yo.
Nakatayo pa rin s'ya sa 'king harapan.Napatikom ang aking bibig dahil do'n. Masyado na akong assuming na ako ang dahilan kung bakit s'ya nandito. P'wede naman na ibinigay kaagad n'ya ang gatorade dahil saktong nandito ako.
Ayan tuloy, sa sobrang taas ko sa sarili nagiging assuming na ako. Hindi ito healthy.
Nilaro-laro ko ang shuttle cock sa 'king nga palad, hinahagis paitaas at sasaluhin na naman. Kita kong umupo si Olli sa aking gilid, I didn't mind him.
“Balik na, Senka,” ani James nang makalapit s'ya sa 'kin. S'ya 'yong magiging kalaban ko sa practice na 'to, may importanteng gagawin sa klase 'yong babae ko kasing kalaban kaya si James na lang ang available sa ngayong oras.
Tumayo ako at nilapitan na s'ya. “Tapusin na natin 'to, kakain pa ako sa canteen.” Idinantay ko ang rocket sa 'king balikat at pumorma na ng tayo.
Gano'n din si James. S'ya 'yong may hawak ngayon ng shuttle cock, akmang ihahagis na n'ya ito nang may pumagitna sa amin.
Sumalubong ang kilay ko. “Anong ginagawa mo, Ollivander?”
Nakapamulsa s'yang nakatayo sa gitna namin, hinaharang n'ya kami. Yumukod ito at may kinuhang bagay na 'di ko matukoy sa kan'yang paahan, napatayo s'ya nang matuwid.
“Umalis ka nga d'yan!” saway ni James, inimuwestra n'ya ang kamay sa gilid. “Can't you see na naglalaro kami?”
Saglit akong tinitigan ni Ollivander na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig n'yang iparating. Naiinis na rin ako sa kan'ya ngayon, tila ayaw ba namang umalis sa pwesto.
Tinuro ko ang upuan namin kanina. “Umupo ka na lang do'n, Olli. Naglalaro kami at h'wag 'kang paharang-harang.”
Hindi nakaligtas sa 'king mata ang paggalaw ng kan'yang mask sa bibig bago n'ya ako sinunod. Mabibigat ang kan'yang hakbang at bagsak na umupo sa tabi ng bag ko.
Umiwas na ako ng tingin sa kan'ya at pinagtuunan na ng pansin ang practice.
Malakas at mabilis si James, mabuti na lang pareho kami ng bilis kundi matatalo ako sa mismong practice pa lang. Paano pa kaya kung isasalang na ako? Madi-disappoint ang magulang ko, sayang naman 'yong pamimilit ko sa kanila kung hindi ako manalo. I'm sure hindi nila ako papalaruin ulit kung matalo ako.
Thirthy-five minutes ang ginugol namin ni James sa pag-eensayo. Pawis na pawis na ako at gano'n din si James. Hinihingal na tumigil na kami.
Tumingin s'ya sa kan'yang palapulsuhan na relo. “Ilang minuto na lang magsisimula na ang aming klase.”
Nilapitan n'ya ako at tinapik sa balikat na ikinaatras ko. Hindi ko alam kung napansin n'ya ba iyon, malawak ang kan'yang labi at kumikintab ang mga mata.
“Pumunta ka na,” ani ko, pinunasan ko ang aking pawis at bahagyang umiwas ng tingin sa kan'yang mukha. Bakit ba s'ya ngiti ng ngiti? Mukhang may kalokohan kasi.
Tuluyan na nga'ng lumabas ang mahina n'yang tawa sa bibig. Nataas ang kilay ko rito, saglit akong tumingin sa kinauupuan kanina ni Ollivander ngunit hindi ko na s'ya nakita. Saan naman iyon nagpunta?
“Wala na kayo ni Ryan, right?” Napakagat labi ito nang napabaling ang tingin ko sa kan'ya.
Nagngitngit ang aking ngipin sa kan'yang tanong, pakiramdam ko umuusok ang ilong at taenga ko.
BINABASA MO ANG
The Masked Nerd (Nerd Boys Series #4)
Romance(COMPLETED) A person looks doesn't matter at all as long as the love you feel is powerful. In their batch, Senka Jones is a well-known badminton player. Her pals are mostly from wealthy families, as she's one of them. No human is perfect, and that'...