Dedicated to: xaubreimperialx
SENKA JONES
Hindi ko hinayaang lumabas ang luha ko. Hindi rito ang tamang lugar para umiyak, makikita nilang nanghihina ako at ayaw ko iyon.
Nakasalubong ko si Ate Ayna, kusa s'yang napatigil sa harapan ko, may bitbit itong snacks na sa tingin ko'y para sa kanila.
Inangat ko ang tingin sa kan'ya, mataas s'ya ng konti sa akin. Ngitian n'ya ako pero ko iyon tinugunan.
“Magkaano-ano pala kayo ni Olli? Hindi ko alam na nagkakilala na kayo,” panimula n'ya.
Biglang nagsalubong ang kilay ko sa naging tawag n'ya kay Olli. Hindi ko gusto 'yong pagtawag n'ya ng Olli sa boyfriend ko. Alam kong mababang dahilan lang na magalit ako dahil dito pero naiinis ako at hindi ko alam kung paano ito mawawala.
“Boyfriend ko s'ya,” diniin ko ang salitang boyfriend. “Bakit nasa kwarto kayo, Ate? Hindi n'ya ba sinabi sa 'yo na may girlfriend s'ya?”
Mukha namang hindi s'ya nagulat sa sinabi ko. Ibig sabihin alam n'ya na may mero'n sa amin ni Olli pero nagtanong pa s'ya kahit obvious naman 'yong pakikitungo sa akin ni Olli.
Maya-maya ay ngumiti s'ya, tila matagal s'yang nag-isip. “Hindi kasi n'ya sinabi, sorry hindi ko alam.”
Unti-unting kumalma ang inis sa aking dibdib at taka s'yang tinignan. Mali ba ang iniisip ko na may gusto s'ya kay Olli o may something sa kanila?
“Kung alam ko lang na may girlfriend s'ya, sana hindi ko s'ya inaya sa kwarto.” Malamlam ang mata n'ya kabaliktaran sa nakita ko kanina, I can't read her mind easily.
S'ya ang nag-aya at pumayag naman si Olli na 'to. Great, may alam ba talaga s'ya sa relasyon kahit kaunti?
Umiwas ako ng tingin ngunit hindi ko hinayaan na maging mababa sa kan'yang paningin. “Ngayon alam n'yo na po, Ate Ayna na boyfriend ko s'ya.” Kinuyom ko ang kamao. “May tanong ako... May something ba sa inyo ni Olli? O may gusto ka sa kan'ya?”
Nilapag n'ya ang snacks sa lamesa malapit sa kan'ya. “Aaminin ko may gusto ako sa kan'ya.”
Agad akong napatingin sa kan'ya at kumunot ang noo sa pag-amin n'ya. Dapat na ba akong magalit ngayon? May gusto s'ya at baka kung anong gawin n'ya kay Olli, knowing na inosente pa ang nerd na 'yon.
Natatawang umiling s'ya at ngitian ako, naiirita ako sa kan'ya sa totoo lang.
“H'wag 'kang magselos sa amin, Senka.” Hinawakan n'ya ang kamay ko at bahagyang pinisil, hinayaan ko s'ya. “Friends lang talaga kami at hindi naman ako maninira ng relasyon.”
Sa sinabi n'ya ay kumalma naman ako. Minsan kung ano-ano na ang iniisip ko. Matagal ko ng kaibigan si Ate Ayna at naging mabait s'ya sa akin, kailanman hindi n'ya ako kinalaban.
Bumuntong hininga ako. “S-Sorry, Ate Ayna kung naiinis ako. Wala akong alam kung ano ba talaga kayo ni Olli at anong ginagawa n'yong dalawa sa kwarto.” Tumingin ako sa kan'ya. “Boyfriend ko s'ya kaya... Normal naman sigurong magkaganito, napa-paranoid lang ako.”
Tinapik n'ya ang pisngi ko. “Stop over thinking, baka mas lalo lang magiging malala ang problema n'yong dalawa kung wala kayong tiwala sa isa't-isa.”
Tumatak sa isipan ko ang binitawang kataga ni Ate Ayna. Right, mahal ako ni Olli at gano'n din ako kaya dapat magtiwala kami sa isa't-isa. Paranoid siguro ako kaya naging ganito? Hindi ko alam, sana nga mali ang iniisip ko.
BINABASA MO ANG
The Masked Nerd (Nerd Boys Series #4)
Romance(COMPLETED) A person looks doesn't matter at all as long as the love you feel is powerful. In their batch, Senka Jones is a well-known badminton player. Her pals are mostly from wealthy families, as she's one of them. No human is perfect, and that'...