Jaehyuk's POV
Naiinip na ko sa traffic. Nakakainis. Dagdag mo pa tong kasama kong si Junkyu na palingon lingon sa akin. Yawa ka kyu wag kang ganyan bibigay na talaga ako.
Totoo. Totoong gusto ko siya pero he's always taking it as a joke kaya tinatawanan ko nalang. Happy crush ko lang naman tong bestie ko. No hard feelings naman. Alam kong gusto niya yung tropa ni Yedam.
Hindi ba niya alam na basagulero yon? Napakaraming red flag. De joke. Napaka basher ko. Pero facts naman yon no lies. Based sa mga nakikitat naririnig ko.
"Ang lala ng traffic. Aabot pa ba tayo?" naiinip na rin tong kasama ko. "King inagahan mo sana. Pag ako di ko nakita si Jihoon ngayon kokonyatan kita."
Napakaobssessed nito sa Jihoon na yon. Nandito naman ako? Joke.
"Parang di ka na mabubuhay pag di mo nakita yung ulupong na yon ah? Bakit mo ba yun nagustuhan?"
"Una sa lahat, gwapo siya." napailing nalang ako.
"So nagustuhan mo lang siya dahil sa pagmumukha niya? Mas gwapo naman ako don." Pagbibiro ko pero pinalo lang ako. Amp.
"Mas gawpo yun sayo okay? Tsaka mabait kaya yun. Alam mo ba tinulungan kasi ako non last time. Nabunggo niya ako tapos ayon nainlove na ako." Nakita ko pa siyang kinilig. Lol.
"Sana okay ka pa." sabi ko nalang at nagfocus sa pagddrive. Malapit na rin naman kami. Yun nga lang...
"Awts tapos na sina yedam." sambit ni Junkyu pagkapasok namin. Sakto kasing pababa na sa stage si Yedam nung pumasok kami. Umupo naman kami sa kalapit na table kung nasaan si Doyoung.
"Ay wala si Jihoon?" unang sabi niya matapos namin umupo. "Jeyok. May sasabihin ako."
"Ano?"
"Diba tropa mo yung isang tropa nina Jihoon at Yedam?" Tanong niya. Kinakabahan naman ako sa sasabihin nito.
"Sino don?"
"Si Hyunsuk. Diba magkablock kayo sa isang subject?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. Ano kayang binabalak neto?
"Tropahin mo rin si Jihoon tapos ireto mo ako sakanya." HA? Tama ba ako ng rinig? "Please? Please? Please? Sige naaaa?" nagpacute pa. Humawak pa siya sa braso ko.
KIM JUNKYU PWEDE BA WAG MO AKONG IDAAN SA MGA PAGPAPACUTE MO nanghihina ako.
"H-ha? O sige try k-ko." sabi ko. Tangina junkyu don't make me break the wall between us...
Pag best friend, best friend lang. Repeat until true. Wag sumugal. Walang masasaktan. Walang iiyak. Paalala sa sarili, Jaehyuk. Mahirap na.
"Salamat bestieeee! Labyu na talaga." sabi niya at lumayo na sa akin. Ano pa bang magagawa ko? Edi gawin ang gusto niya. Madali lang naman yon eh.
Tropahin si Jihoon, maging close siya, unti unting ipakilala si Junkyu sakanya, hanggang sa silang dalawa na ang gumagalaw sa mga trip nila. Napaka dali.
"Pero gusto ko may kapalit." sabi ko naman.
"Ang duga mo naman!" pagrereklaml niya. "Haha. Dali na."
"Ano ba yon?"
"Dapat umoo ka muna. Tsaka pagiisipan ko kung ano." sabi ko.
"Tas. Oo na. Kung di lang para kay Jihoon eh."
✧
BINABASA MO ANG
Meet Me Halfway
Fanfiction✦ a junkyu and jaehyuk au ✦ treasure - wherein Junkyu seeks help to his best friend Jaehyuk to make a move to his crush, Jihoon. Certainly, Jaehyuk always confess what he feels for Junkyu as a joke and he's always rejected. What will happen to th...